Chapter 3

107 10 0
                                    

“NAKAKAINIS!!!!”  gigil na sambit ni Jen. Kulang na lang ay mayupi ang hawak niyang kutsara.

“’Te. Kalma.” Pang-aalo ni Alice. Tinawagan niya ito para daluhan siya sa pagkamiserable ng araw niyang ito. Sa paboritong tambayan nilang magkakaibigan sila napadpad. Sa Wallflower Lounge na pag-aari ng kaibigan din nilang si Jellyn.

“Oo nga.” Sabad ni Jellyn. Ininspeksyon pa nito ang hawak niyang kutsara. “Naku! Pag iyang kutsara namin na-bend ipapakulong kita.”

Batid niyang pinapagaan lamang ng mga ito ang loob niya pero wa epek. Asar na asar talaga siya sa impaktong Enzo na iyon.  “Impakto siya! Ipapasalvage ko siya! Bwisit!”

Nagtawanan lang ang dalawa sa harap niya. “Anong nakakatawa?”

“Ikaw.” Patawa-tawang sagot ni Alice.

“Eh bwisit yo’n eh! Anak siya ng nanay niya! Laitin daw ba ang nobela ko? Kapal niya! PNB siya masyado!”

“PNB? Ano na namang pauso yan?”

“Pampainit ng blood, Jellyn! As in!”

“Sus! Ang dami mong alam!” ani Alice

“Talaga! Want to hear some more?” unti-unti nang kumakalma ang sistema niya. Makikipag-asaran na lamang muna siya sa mga ito.

“Sige nga.” Hamon ni Jellyn.

“Magkakatuluyan sina Alice at Nathan.” Naghigh-five sila ni Jellyn.

“Oh bakit tungkol sa kin? Tsaka hindi yan mangyayari no! Utot niyo bilog!” protesta nito.

“Hoy kumakain ako!” sabad niya.

“Eh ano ngayon?”

“Hwebes.”

“Ha-ha. Corny.” Sumandal ito sa silya. Sa kanilang tatlo kasi ay sila lang ang kumakain. “Ano ba kasing itsura no’n?”

“Oo nga, gwapo ba?” segunda ni Jellyn.

Gusto sana niyang sabihing gwapo ito pero dahil sa atraso nito sa kanya, wag na lang. Ano siya, hilo? Pagkatapos nitong laitin ang pinaghirapan niyang nobela ay pupuriin niya ito? He’s not worthy of praises.

Nilunok niya muna ang nginunguyang karne bago sumagot. “Tall, dark and…Mahal siya ni Lord.”

“Alam na.” tatawa-tawang sagot ni Alice.

“Sus! Chaka naman pala eh. Intindihin mo na lang ang mga hindi nabiyayaan ng kagandahang pisikal.”

“Eh ang kaso Jellyn, hindi na nga gwapo masungit pa. Hindi pa siya namatay!” sagot naman ni Alice.

“Grabe ka naman, si Nathan na gwapo.”

“Sshhh! Don’t say bad words.”

Gusto niyang palakpakan ang mga kaibigan niyang ito sa mga pamatay na komento ng mga ito.. but all she could do is laugh. Nasamid siya nang mahagip ng kanyang mga mata ang kapapasok lang sa restaurant.

Inabutan siya ng tubig ni Jellyn. “Nginunguya kasi yan hija.” Anito nang mahimasmasan siya.

“What the fruit! What the hell is he doing here?” naiinis na wika niya.

“Sino? Si Enzo ba?” sabay na lumingon sa counter ang dalawa.

“Asan diyan nang mapagawan na ng artist’s sketch?” si Alice ang nagtanong.

“Yang nakabrown.” Sagot niya.

Saktong lumingon ito sa direksyon nila. Inirapan niya ito. Napasinghap ang dalawa niyang kaibigan sabay baling sa kanya.

When Love Takes Over (by iamwriteous)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon