Chapter 1

192 7 0
                                    

NAGPRISINTA si Jen na siya ang magdidilig ng mga halaman sa harap ng kanilang bahay tuwing umaga. Ito ay sa kadahilanang gusto niyang makasilay sa unico amor niyang si Keean na nakatira sa katapat na bahay nila.  It’s been two weeks since she started doing it and she find it interesting lalo pa kung lalabas si Keean at ngingitian siya nito ng pagkatamis-tamis. She doesn’t know him personally pero sapat na ang kaguwapuhan, kakisigan at mga simpleng ngiting iyon nito para sabihin niyang mabait itong tao.

Awtomatikong napalingon siya sa gate ng naturang binata nang bumukas iyon. Mula roon ay lumabas si Keean. It was Saturday kaya nakasimpleng  T-shirt lang ito at shorts. Sa pagkakaalam niya wala itong pasok sa kung saan man ito pumapasok na opisina o kung anuman pag sabado at linggo.  Siyempre nginitian na naman siya nito.  Ngunit ang naiganti niya rito ay isang tipid na ngiti. At hindi lang ‘yon, iniiwas niya agad ang tingin dito.  Ganito siya parati tuwing makikita niya ito at sa tuwing mangyayari iyon, nais niyang pagalitan ang sarili.  Nang lumingon siya uli ay wala na ito. Bumalik na lamang siya sa ginagawa.

“Ha—ay,” panghihinayang niya. “Ano ba yan. Nakakainis kasi tong labi na to eh. Ano ba? Ang arte mo ah. Parati ka na lang ganyan. Ngumiti ka nga ng maayos!” pagalitan daw ba ang lips? “Kailan ko kaya siya makakausap?” napalingon siya sa bahay ng binata. Napabuntong hininga na lamang siya.

Sige pa rin ang pagtatampo niya sa pasaway niyang labi nang may maisip. “Hmmm. Why not, Chocnut?”  Nagmadali siyang tapusin ang ginagawa. Pagkapatay ng gripo ay tumakbo siya papasok ng kanilang bahay at dumiretso sa kanyang kwarto. Binuksan niya ang kanyang laptop at nagsimulang magtype. She decided to compose a story about her and Keean and she’ll make it a point that it will be her best novel. She liked the idea of it being her best novel pero hindi pa nga napupuno ang isang pahina ay nauubusan na siya ng maisusulat. As a writer, being so inspired and all but having nothing to write is sick. Hindi iyon maaari. Mukhang kakailanganin na ulit muna niyang libutin ang Quiapo para maghanap ng pirated DVD’s na hitik sa romantic comedy movies.  She doesn’t settle with romantic movies alone, just like in her works.   She makes it a point na wholesome ito at nakakatawa pero hindi mawawala ang kilig.

Nagdesisyon na lamang muna siyang huwag na itong ipagpatuloy.  She grabbed her cardigan from the closet and decided to roam around Quiapo.

SA ISANG fast food chain sa Quiapo dumiretso si Jen pagkatapos maglibot at mamakyaw ng DVD’s. Habang ngumunguya ay inisa-isa niya ulit na inspeksyon ang mga ito at binasa ang mga titulo.  “Personal Preference. Hmm, mukhang maganda. S diary, love story kaya talaga ito? Baka pinaglololoko lang ako ni manong. Title pa lang parang scandal na.”  Kumagat muna uli siya sa hamburger niya bago itinuloy ang ginagawang pag-iininspeksyon.  Wala siyang pakialam kung may makarinig sa mga kumento niya sa pinamili niya. At isa pa, siguradong wala namang makakarinig dahil maraming tao. Ang mga gutom nga naman. Halos wala na ring vacant seats. “Mischievous kiss, hmmm. Mukhang maganda to ah. Coffee—Aray!” Hindi na niya naituloy ang binabasa nang may kung anong tumama sa mukha niya. Agad siyang dumilat para makita kung ano iyon.

“Oh my gosh, I’m sorry—Jen?”

“Ate Jam?”  gulat na tanong niya habang hinihimas ang nasaktang mukha. Ang editor slash may-ari ng publishing house kung saan siya writer ang nasa harapan niya na si Jamilla Hernandez.

“Naku pasensiya ka na, masakit ba talaga?”

“Oo kaya. Ano ba kasing laman niyang bag mo? Bato?”

“No.” Ngumiti ito ng malapad. “Lalaki.”

Natawa siya. “Adik ka. Ano yan? Ulo lang?”

Tawa rin ang naiganti nito. “Hindi, yung ano—”

When Love Takes Over (by iamwriteous)Where stories live. Discover now