Chapter 9

104 7 0
                                    

Kadarating pa lang ni Jen sa kanilang bahay nang mag-ring ang cellphone niya. may incoming call siya from Jellyn.

“Hel—”

“Bumalik ka dito ngayon din!”

“Ha? Bakit? Bukas na lang. Nasa bahay na kaya ako.”

“Ipapasundo ka na lang namin kay Cel.”

Nagkasalubong ang mga kilay niya. her friends are up for something. “Ano ba yang binabalak niyo ha? Kung ano man yan huwag niyo ng ituloy.”

“May ipapakita lang kami sa’yo.”

“Para namang wala ng bukas!”

“Talagang wala ng bukas! Pumunta ka na kasi dito. ang dami pang arte eh.”

“Ako pa ang maarte?”

“Oo! Kapag hindi ka pumunta within 15 minutes ipapasundo ka namin kay Cel. I swear.” Magrereklamo pa sana siya ngunit busy tone na lamang ang narinig niya.  Sa huli ay napilitan siyang bumalik sa resto ni Jellyn.

Naabutan niyang nagkukumpulan ang mga ito sa table nila kanina. Wala na rin sina Enzo at ang kasama nitong babae. Baka sinagot na siya nito at naghahappy-happy na.  

“Anong problema niyo? Bayaran niyo yung pinantaxi ko, ah!”

Walang nagsalita sa mga ito. May itim na wallet lang na inilapag sa mesa si Jellyn.

“Oh kanino naman iyan? At anong concern ko diyan?”

“Isauli mo sa may-ari.”

Parang gusto niyang matawa. Pinabalik siya ng mga ito doon para lang magsauli ng wallet ng kung sinong tao? “Pinaglololoko niyo ba ako? Suntukan na lang, ano?”

Natawa lang ang mga ito. kung hindi lang talaga niya kaibigan ang mga ito ay pinagsasabunutan na niya ito isa-isa. Kung sakali ay ligtas si Alice dahil umalis na ito kanina.

“Hay naku ‘te. Bigong-bigo ang drama ah. Bago ka magreact ng ganyan, siguraduhin mo muna kung dapat ka nga bang magpakabigo.”

Naguluhan siya sa tinuran ni Deren. “Anong ibig mong sabihin Deren?”

“Hay naku! Kita mo pati utak di pinapagana. Ikaw writer dito di ba? Di ba dapat alam mo ang ibig kong sabihin.”

“Eh sa hindi ko nga nagets! Nag-file ng leave yung utak ko!”

“Huwag kang sumigaw at tinatakot mo ang mga customers ko.”

“Pabayaan mo na Jellyn, BIGO eh.”

“Sige Cel ipagduldulan mo pa. Ako na bigo. Kayo na hindi.”

“Iyak ka na niyan?”

“Pwede ba?” tanong niya. kunsabagay. Gusto niyang umiyak. Nasungkit na ng iba ang taong minahal niya ng higit kay Keean na inakala niyang destiny niya.

“No need. Tears of joy pwede pa.”

“Ano na naman bang palaisipan yan?”

Bilang kasagutan ay kinuha ni Cel ang wallet at ibinigay sa kanya. Kinuha naman niya iyon. “kanino ba kasi ito?”

“Buksan mo para malaman mo.”

Napatingin siya kay Jellyn. “Hindi ba bawal yon?”

“Sinong maysabi?”

“Ang kunsensiya ko.”

“Ipapasalvage ko yang kunsensiya mo. Dali at buksan mo na.”

Nag-aalinlangan man ay ginawa na rin niya. muntik na niyang mabitiwan ito nang makita ang laman niyon. There was a picture of her inside.  Naalarma siya. Bakit siya may larawan doon. Hindi siya nakatingin sa kamera sa larawang iyon bagamat nakangiti siya roon. stolen shot marahil ito. and then she remembered her clothes in that picture. Suot niya iyon no’ng magpunta siya ng Quiapo to buy DVD’s. And as far as she remebered, that was the time she was talking to Jam. pero sino ang kumuha niyon at hindi man lamang niya namalayan?

Naghanap siya ng mga maaaring magsabi kung kanino ang pitakang iyon. ATM, Credit card or ID.  Meron lahat. She felt a sudden pain and joy in her heart. Kay Enzo iyon. Ngunit…bakit? Paanong…

Pakiramdam niya ay nanghihina siya.  Ano ang ibig sabihin ng larawan niya sa wallet ni Enzo? She took a picture of her while she was talking to his sister Jam? She couldn’t believe it.

Napaupo siya. Isinara ang pitaka at inilapag iyon sa mesa. Lumalagabog ang dibdib niya sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. at hindi niya ma-carry iyon. Could it be possible na siya ang tinutukoy ni Enzo na nililigawan nito na hindi niya alam kung alam ba niyang nililigawan na pala siya nito? Pero sino ang kasama nitong babae kanina?

Iisa lang ang makakasagot ng mga katanungan niya. It’s none other than Enzo.

“Ano? Pwede ka ng umiyak.”

“Ngayon pa? pero kailangan ko muna siyang makausap. Hindi sapat ang larawang iyan para sagutin ang mga tanong sa isip ko.”

“Iyon lang ba? Oh edi ipapatawag na namin siya?”

Nagulat siya sa sinabi ni Jellyn. “you mean…”

Nagsitanguan lang ang mga ito na tila alam kung ano ang itatanong niya.

“Huwag niyo akong binibiro, kakalbuhin ko kayo.”

Nagngitian naman ang mga ito. “Sige, pero siya muna unahin mo.” May inginuso si Deren sa likuran niya.

Agad binalot ng tuwa, kaba at tensiyon ang puso niya dahil alam na niya kung sino ang tinutukoy nito na nasa likuran niya. hindi niya magawang lumingon. “Shit.” Napayuko siya at tinakpan ang mukha ng mga kamay. “Ayokong lumingon.”

“Bakit? Ayaw mo ba akong makita?”

Muntik na siyang mapatalon nang marinig ang boses nito. natutuwa siya, oo, pero kinakabahan siya. Hindi niya alam kung paano makikipag-deal sa nararamdaman niya. aaaaaaaaaaahhhh!!!!

“Kape! Gusto ko ng kape!” sigaw niya.

“Hoy! Tumigil ka nga diyan. Pampanerbiyos lang ‘yon. Eh kung hinaharap mo na lang yang si Enzo? Di ba marami kang itatanong? Hayan!”

Oo nga naman. Saglit na nagtalo muna ang utak at puso niya bago siya nagdesisyong harapin ito.  He was carrying a bouquet of flowers.

Lumapit ito sa kanya at iniabot iyon. Tinanggap naman niya iyon.

“Alis muna kami ha? Baka nakakaistorbo kami, eh.”

“Lagot kayo sa akin pagkatapos naming mag-usap.” Banta niya sa mga ito.

Tumawa lang ang mga ito. “You’re welcome Jen!”

Ngayon ay silang dalawa na lang sa table na iyon. May mga customers pa naman ngunit mangilan-ngilan na lamang. Saglit na nagpakiramdaman silang dalawa.

Napangiti na lamang siya at napailing. “So anong drama ‘to? Wala ka bang balak sabihin sa akin?”

“Marami akong balak sabihin.”

“Then go ahead.”

“I don’t know where to start.” He sheepishly smiled.

Ang cute ng mama! Natawa na lang siya.  “Okay, I’ll ask then.”

“Fine with me.”

Kinuha niya ang wallet at kinuha niya ang larawan niya roon. Iniharap niya iyon dito. “Bakit ako may picture sa wallet mo?”

“Isn’t it obvious? I like you. I liked you since the first time I saw you.”

Now that was fast. Natural lang na matawa siya. “Are you kidding me? Eh ang sungit mo kaya no’n.”

“Siyempre hindi ako nagpahalata. I took that photo while you and my sister are chatting.  I was already watching you from afar. Maybe fate was on my side dahil magkakilala pala kayo ni ate.”

Naalala niyang bigla. May hawak nga pala itong cellphone noon nang una niya itong makita.  Pinatunayan pa nito iyon nang ilabas nito ang cellphone at ipinakita sa kanya ang larawan niya.

Napasinghap siya.  Shocks!

When Love Takes Over (by iamwriteous)Where stories live. Discover now