Chapter 5

121 6 0
                                    

 Tinanggap ni Enzo ang iniabot niyang drinks. Iiwan na sana niya ito nang bigla itong magsalita. “Hey babe, where are you going?”

Wala ng dahilan para tawagin pa siya nitong babe dahil wala naman si Cari. Nang-aasar na naman siguro!!!! Hinarap niya ito. “Babe your face! Tigil-tigilan mo nga yang kabe-babe mo diyan! Nakakapangilabot! Eeww!!”

Tumawa uli ito. For the second time around. She would admit. Nagsisimula nang magustuhan niya ang tawa nito. It was so manly. “Ang mga babae talaga, kunwari ayaw.”

“Hah! Ang kapa—al.  Feeling mo naman kinikilig ako diyan sa pababe-babe mo? Ambisyoso ka tsong. Huwag mo akong igaya sa mga ikinakama mo!” bwisit na ‘to!

“Hindi talaga kita ikokompara sa kanila dahil sila, sexy, maganda, makinis at maputi.”

Kulang na lang ay umusok ang ilong niya sa tinuran nito. At ano ang ibig nitong sabihin? Na hindi siya sexy, maganda, makinis at maputi?!  Magwawala na talaga siya. Wala na siyang pakialam kung nagmomoment na sina Nathan at Alice, kung pinapanood na ba sila ng mga nasa paligid o kung magugunaw na ang mundo. Basta nainsulto siya!

“Hah! Lasing ka lang siguro nang mga panahong may ginagawa kayong kababalaghan kaya hindi mo masyadong nakita ang mga katawan nila. I bet they’re ugly and dirty. Womanizer!”

“Maybe you’re right. How about if I ask them to write stories for our company? I bet their works will be better than yours.”

Ang sarap mo talagang sapakin! “Hoy lalaki! Napakayabang mong monster ka! Huwag kang mag-alala bukas na bukas magreresign ako. Kala nito.”

“Hoy babae! Edi magresign ka. Ako ba mawawalan ng trabaho?”

Wala na siyang pakialam kung sesantihin nga siya nito. “Mas mabuti na ngang mawalan ako ng trabaho kaysa ang pakisamahan ka!”

“Who told you to get along with me?”

“Ah gano’n ,ah? Well bahala kang mag-isa bukas. Hindi kita sasamahan diyan sa premier night ng Cari mo! Bahala kang magmukhang tanga tutal sanay ka naman do’n! I’ll just e-mail my resignation letter tomorrow. Adios!”

Tinalikuran na niya ito. Eexit na lamang siya ay nasagi pa ang paa niya sa paa ng upuan kaya nawalan siya ng balanse. Mabuti na lamang ay nahawakan siya ni Enzo sa braso at inalalayan. She’ll admit that she felt something strange when he did that and her heart skip a beat.

Itinulak niya ito. “Huwag mo nga akong mahawak-hawakan! Mahawa pa ako sa kabiguan mo, eh.” And then she walked out. Hindi na siya nagpaalam sa mga kaibigan niya. Mainit talaga ang ulo niya at idagdag pa ang kakaibang naramdaman niya sa kagaganap lamang na eksena.

ALAS SINGKO na ng hapon kinabukasan nang magising si Jen. Halos labing-limang oras siyang tulog.  At dala na marahil ng sobrang tulog ay parang nahihilo siya. At kahit matagal ang itinulog niya ay parang inaantok pa rin siya. Nagdesisyon na lamang siya maligo na para mahimasmasan.  Kinuha niya ang tuwalya at isinampay sa kanyang balikat saka lumabas.

Kakamut-kamot pa siyang lumabas ng kanyang kwarto. Pupunta muna siya ng kusina para kumain ng kahit anong pwedeng kainin. Pagbaba niya ay nakita niyang nakaupo sa sofa sa sala ang isang lalaki. Malabo ang kanyang paningin. Hindi kasi niya suot ang salamin o contact lens niya dahil nga maliligo siya. Pero feeling naman niya ay tatay niya iyon. Ito lamang kasi ang lalaki sa bahay nila.

Nilapitan niya ito at hinalikan sa pisngi. Nakaugalian niya iyon sa tuwing maabutan niya ito sa bahay. Madalas kasi ay wala ito at madalas rin siyang wala. Mas type kasi niyang magsulat ng nobela kung saan saan. Mas nakakakuha siya ng inspirasyon.

When Love Takes Over (by iamwriteous)Where stories live. Discover now