Kabanata 15

1.1K 55 1
                                    

Tinanggal ni Kaizer ang maskara niya at tinitigan ang mama niya. Ayaw niya pa ring bitawan ang pakikipag titigan challenge sa akin.

Tumaas ang sulok ng labi nito bago nagsalita, "I won't help you." Tiningnan niya si Kaizer.

Kapag kuwan ay biglang lumabas ang mga butler galing sa kung madilim na parte. Parang mga anino ang galaw nila at hindi naman napansin ang presensya niya.

Nakita kong humigpit ang hawak sa akin ni Kaizer.

" You already read her mind. Now you know that she's pregnant kaya mo bang makitang unti-unting mamatay ang apo mo sa loob ng sinapupunan niya?" seryosong sabi ni Kaizer na nagpagulat sa akin.

I-I'm pregnant?

Napahawak ako sa tiyan ko. It's kinda weird pero naramdaman ko siya. This is impossible.

Nalipat ang tingin ko nanay ni Kaizer na ngayon ay walang emosyon ang mukha. Pero, may nakikita ako sa mata niya. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yun o nakita ko talaga ang biglang pagkislap ng kasiyahan nito?

"Kung siya lang din, hindi na bali," puno ng pride na saad nito.

"Idespatsya sila," utos ng nanay niya. Bago umupo sa upuan niya't napangisi sa akin.

Naalarma naman kami maging si Gen ay hindi alam ang gagawin. Lumapit na yung mga butler sa amin.

"Sa likod ka lang, Ki. I won't let them hurt you," saad ni Kaizer tsaka sinugod ang mga lalake. Hinataka ako ni Gen at nilayo doon.

May sumugod sa amin pero agad din namang tinumba ni Gen sa isang pitik lang. Natanggal ko ang maskara ko't napasigaw nang matamaan si Kaizer ng tubo. Mahigit sampo ang kalaban niya at lahat sila'y mga mga hawak na pwede ikamatay—kahit na bampira.

Nanghihinang tiningnan ko Si Kaizer. Binubogbog na ito ng mga alagad ni Ares. Nakadapa na siya habang pinagsisipa at pinaghahampas ng bitbit nilang tubo. Iyong iba ay pala ang gamit.

No!

"Gen do something!" sigaw ko kay Gen. Natataranta na ako't naluluha. Tiningnan niya lang si Ares.

"Let them stop Ares," he said it in warning way.

Nakatingin lang sa kaniya si Ares bago inirapan ito. Paano niya nasisikmura na makita ang anak niya na binubogbog ng mismong mga alaga nito?

How cruel!

Napaka walang kwentang ina.

Napatingin naman siya sa akin. Galit na galit. Tinapatan ko naman ito ng isang nakakamatay na tingin.

"You read my mind right?" matapang kong saad dito bago tinabig ang nakahawak na kamay ni Gen. Tumayo ito at akmang idadampi ang mahabang kuko sa leeg ko. Nilalabanan ko pa rin ang sakit sa dibdib ko. Shit

"Genevieve!" sigaw pareho nila Gen At Kaizer.

"You want to kill me? Then  do it. Alalahanin mo hindi lang ako ang mamatay kun'di itong batang nasa sinapupunan ko." Matapang kong sinalubong ang tingin ni Ares.

Humakbang ako. Ramdam ko na ang kamay niya sa leeg ko. "It's your choice. Kill your grandchild or save this child from death"

Ibinaliwala ko ang pagsigaw nila Kaizer at Gen. Mas lalo pang dumami ang mga alagad ni Ares at maging si Gen ay nakipagbakbakan na rin, matulungan lang si Ares.

Natigil naman siya at tinitigan ulit ang mata ko.

"Impressive," saad niya.

"Kaigan, is here," dugtong niya pa bago ibinaba ang kamay sa tiyan ko.

VAMPIRE KA LANG, DYOSA AKO! BOOK II (COMPLETED!)Where stories live. Discover now