Kabanata 1

1.6K 68 2
                                    

"Vaks, ayos ka lang ba talaga?" Napatingin ako kay Troy sa tanong niya na iyon. Kinuwento ko kase sa kaniya ang nangyari kanina at ang gaga ayaw ata maniwala na okay pa sa alright ang lola niyo.

"Bakit mukha ba akong hindi okay?" sabi ko rito bago tinulak ang gate.

Napatingin ako sa kanan ko kung saan nandoon ang kariton ko noon. Mukhang tama nga si tatay noon. Matibay nga ito at tingnan mo nga, nakatayo at buong buo pa rin ang katawan. Though may kunting anay lang pero I'm sure magiging maganda rin 'yan kapag pininturahan.

Narinig ko ang mahinang pagbuga ni Troy na nagpakunot lalo sa noo ko.

"Sa flawless mong kutis halatang okay na okay ka," he paused.

"pero yung ito? Okay ba?" He pointed my chest where my heart located.

Natawa na lang ako. "Vaks ang drama mo. Sabi ko naman sa 'yo. Wala na akong nararamdaman ni katiting sa lalakeng iyon."

Lumapit ako sa kulungan ni cutie ko. Ang pinakamabait kong buwaya. Natatawa na lang talaga ako sa mga pinanggagawa ko noon. I'm so unmatured.

Itinulak ko ang pinto ko at agad na bumungad sa akin ang malinis na tiles at buong sala. Nakakapagtaka at anim na taon na ang nakalipas pero malinis pa rin ang sahig. Ikinibit balikat ko na lang iyon. Malay mo nilinis ito ng mga dagang nakiki boarding sa bahay ko? O ni Troy?

Nilibot ko ang tingin ko.Wala pa ring pinagbago nandoon pa rin yung mga luma kong gamit at ang mga box sa gilid.

Walang hiya hiyang pumasok si Troy sa sala at agad na pinalibot ang tingin.

"This house is full of happy memories." Napatingin siya sa akin. Napangiti na lang ako ng maalala ang mga alaalang iniwan namin sa bahay na ito.

He's right, this house is full of memories. Dito ako unang natutong maglakad,madapa,umiyak. Saksi ang mga butiki kung gaano ako kabaliw noon habang kasama ang baklang ito. Kung gaano ako pinapa-stress  ng mga baklang nagrarambulan sa kalsada noon na kalaunan ay naging alarm clock ko na. Kung gaano kasintunado ang boses ko,saksi at pinagsawaan ko ang banyo. At dito mismo sa bahay na ito nabuo ang masasakit na alaala na binaon ko na sa limot.

Lumapit sa akin si Troy tsaka hinawakan ang kamay ko." Pasensya na talaga vaks ha. Kung hindi ko naasikaso ang bahay mo." Nakahalumbaba niyang sabi. Puno ng pagtatakang tiningnan ko ang kaibigan ko. Seryoso ba siya? E mas malinis pa nga ang bahay ko ngayon kay sa noong nakatira pa ako dito. Ikinibit balikan ko na lang iyon. Baka nagpapaka humble na naman ang gaga.

"Ikaw talaga,okay lang yun. Sabihin mo na lang sa asawa mo na dadaan ako bukas sa inyo. Sasambunutan ko lang ng bulbol iyang asawa mo at pinayat ka niya ng husto."

Napansin ko kaseng pumayat nga siya. Hindi naman siguro ito nag d-drugs or pinahithit ng medyas ng asawa niya. Oh baka naman naging maintenance na nila ang ramble sa kama? Nakuuu nakakapayat nga 'yon.

Natawa na lang siya bago pinaghahampas ako. "Ikaw nga talaga si Genevieve." Napaikot ako ng mata.

"Gaga, pumuti at umunat lang ang buhok ko but that doesn't mean na hihinto na itong bibig ko kakabunganga. Hindi ako si Genevieve kapag walang bulbolan ang usapan."Tinaasan ko siya ng kilay bago nag-cross arms.

Tumawa naman ito ulit. Ang gara na talaga nito at may pa brace na. Paano niya kaya kinakain ang asawa niya samantalang may harang naman ang mga ngipin niya?

"Oo na, hindi talaga mabubuo ang isang Genevieve Dyosaña kung walang bulbolan." Natatawang sabi ni Troy.

Matapos naming mag-usap ay nagpaalam itong uuwi na. He offer me na doon na lang muna matulog sa bahay nila habang nagbabakasyon ako but I insist.

VAMPIRE KA LANG, DYOSA AKO! BOOK II (COMPLETED!)Where stories live. Discover now