Kabanata 2

1.4K 58 1
                                    

Maaga akong nagising ngayong araw na ito para umorder ng mga materyales na gagamitin ko for my house. Wala naman akong babaguhin don, except yung pintura and other stuff sa room ng anak ko. Kulay pink kase lahat e, ayaw pa naman ng anak ko sa kulay na yun.

Matapos kong umorder ng mga materials ay dumiretso ako sa palengke. Namiss ko rin yung ganito. Yung siksikan. Yung ingay ng mga tao. Yung baho ng paligid at tawarang bongang bonga. E, wala namang ganito sa England, 'di ba?

"Manang magkano po itong bangus?" Turo ko sa preskong isda.

"200 lang yan eneng."

"Napaka mahal naman po, wala na bang tawad yan manang? E ang ganda niyo pa naman." Pambobola ko.

Bumungisngis naman si manang. Naku,nakita ko pa yung absent niyang ngipin sa taas. HAHAHAHA

"Talaga ba? Kamukha ko na ba si Alyana?"

Medyo nabulunan ako sa sarili kong laway sa sinabi niyang 'yun ah.

"Ah–oo naman po! Napaka artestahin ng mukha niyo manang! Kabog na kabog si Alyana sayo!"

Panginoon, patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling ko ngayon.

"Tapos, may off-shoulder oh! Pak na pak!"

Sige bulahin pa natin.

"Naku, ikaw na bata ka. Oh pili ka na at libre na lang para sa'yo."

Tingnan mo nga naman ang swerte at kumagat tong kupal na ito. Hahahaha

Napangisi naman ako sa sinabi niya na yun. "Talaga po? Okay sabi niyo, e."

Nagpaalam na ko kay manang at sunod na tumungo sa mga gulayan.

Habang tumatagal ay pansin ko yung dalawang pares na matang nakatingin sa akin. Napalingon ako pero wala naman akong ibang nakikita. Ikinibit balikat ko na lang iyon at nagpatuloy.

SA WAKAS! Nakalabas na rin ako bitbit ang mga pinamili kong gulay, isda at prutas. Napakarami din nito ha.

Nag-aabang ako ng sasakyan nang may humablot sa mga pinamili ko. Sisigaw na sana ako pero laking gulat ko ng tingnan ko kung sino iyon.

Naka-navy polo ito. Porbida de santa Maria! His buttons are open. May suot naman siyang sandong puti pero potangena!

Agad na umakyat ang dugo ko sa ulo ng makitang nakangisi ito.

"Maling magbuhay ng mabibigat ang mga dalagang tulad niyo," he wink.

"Who told you na dalaga pa ako? Hindi mo ba ito nakikita?" Ipinakita ko sa kaniya ang engagement ring ko sa daliri.

Nagpalinga-linga pa siya na para bang hindi kumbensido sa sing sing na pinakita ko.
Nauna na siyang maglakad sa nakaparadang kotse.Agad niyang nilagay ang mga bayong sa backseat.

"What the hell are you doing? Bingi ka ba!?" Bulyaw ko rito.

Kinuha ko yung mga pinamili ko. Ayaw kong makasama ang EX ko kaya please lang ipabaril niyo na ang kupal na ito. Potangena!

Tiningnan niya lang ako habang naka-smirk pa. Pota nang-iinis pa.

"Ano pa? Edi ihahatid ka. Sakay ka na."

Lumaki ang mata ko at nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"No, thanks mister! Kaya ko ang sarili ko!" Pagmamatigas ko tsaka sinarado ng malakas ang pinto ng kotse niya.

Nag marcha ako papunta sa sakayan ng jeep. Siksikan at halos magkapalit palit na ang mga mukha namin. Naku pati yung kili-kili ko ay nanunubig na rin kahit naka upo ako. Napahawak ako ng maigi sa bayong ko nang bigla promeno ang driver.

VAMPIRE KA LANG, DYOSA AKO! BOOK II (COMPLETED!)Where stories live. Discover now