Kabanata 6

1.1K 60 6
                                    

Naiinis ako ngayon! Napaka raming nangyari sa akin kanina tapos dito sa hinintuan ng bus lang pala yung HDA Camille. I mean unahan lang nung may kanto ang bahay ni Mary Ann. Tapos nag joy ride pa kami ni manong papunta sa taniman ng sugar cane. Naku kung sino man ang nag-copy ng boses ni Ann malilintikan talaga sa akin. Sayang 'yung binayad ko. Buti sana kung hindi pawis ang pinuhunan ko makabuo lang ng TEN PESOS! Na scam tuloy ako. Nyeta!

Kanina pa siya naghihintay at kitang-kita naman yun sa kili-kili niyang nababasa. Nabatukan pa nga ako. Buti na lang at naintindihan niya raw.

Naintindihan na yan sa lagay na 'yan.

Anyways, akala ko kanina nailigaw ko na si Kaizer, yun pala ako ang naligaw at kanina pa raw siya rito. Nakasibak na nga siya ng kahoy, nakasaing na nga raw ang ulupong. But what there's more! Hakot award ang lolo niyo at nagdagsaan ang mga feeling chix na mga babae da tapat ng bahay ni Ann. Mga kinulang naman sa vulcanizing ang mga dyosa. Tapos yung iba halatang dugyot! Oops hindi po ako nanlalait. Nagsasabi lang ako ng totoo. Ako po iyong kapuso kapamilya kapatid Jessica Soho —Che!

Yawaaaa! Edi sya na!

Nang magtagpo kami ay agad niya akong nginitian. "Hey wife," aniya bago ibinababa ang malaking kahoy.

Tila nang-init bigla ang kili-kili ko sa gagong ito. Napaka kapal naman talaga ng bolbol—este mukha ng taong ito! Hindi porque natatabunan ng foundation ang mukha niya at binabad siya sa harena sa kaputian ay makikisabay na ako sa kaniya. Tse!

Agad akong namaywang, "wife? Gago ka ba? Tapos na pagpapanggap mo kaya kung ako sayo, umuwi ka na sa pinanggalingan mo!" bulyaw ko rito.

"Wife ayiiieeeeeee ang sweet naman ng tawagan niyo," kantiyaw ni Mary Ann na nasa likod ko.

"Naku 'wag ka maniwala d'yan, assuming lang 'yan at isa pa may asawa na yan. Ayaw ko maging kabit."

Tumawa naman ng malakas si Mary Ann. "Defensive ah...Kayo ba ay may nakaraan?"

Agad na nanlaki ang mata ko. Tiningnan ko si Kaizer, pero wala akong nakita doon kun'di ang inosente niyang mukha at ang nagpuputukan niyang muscle na halos bumabakat sa puti niyang damit. Nakaka boyset talaga! Pati ang abs niya nakakaboyset.

"Wala!" ako na ang sumagot. Mukha naman kaseng na amnesia 'tong ex ko.

"Talaga?" Mary Ann tease me.

"Talaga!" giit ko.

"Oh sya, p'wede ko na palang ipasa' tong si fafa Kaizer kay Nehka." Agad na kumunot ang noo ko.

"Who is Nehka?" Tinuro niya naman yung babaeng nagsasalin ng tubig sa baso habang titig na titig kay Kaizer.

Actually, maganda siya. Medyo pikot yung mata at matangkad, malaman at medyo maputi. Tseh! Mas maganda pa rin ako. Lamang na lamang ako sa pagmumukha niya. Mukha siyang espiya ng China.

"Okay," saad ko tsaka naglakad.

Narinig ko namang tinawag si Kaizer na kung sino man. Pinapapasibak nila yung mga kamoy. Mabuti nga yan at maysilbi naman yang nagpuputukan niyang muscle sa lipunan.

Tinuro na ni Mary Ann ang titirahan ko for a month, sinabihan ko na rin yung anak ko. Since matagal pa yung end ng klase nila, I also update Jovi about my situation. Hindi ko lang sinabi na kasama ko ang demunyu kung ex. Akin na mona 'yon at baka makakaapekto pa yun sa buhay niya sa England. At isa pa duh! Hindi na ako yung dating Genevieve na marupok ano. Promise!
Nagpahinga na mona ako dahil nakakahagard naman talaga bumyihe, dumagdag pa 'yung mapino, mahumok kag manamitnamit gid ya. Tse! Kung ano na naman pinagsasabi ko. Kasalanan to nong advertising ng radio. Nilipat ko sa ibang station 'yung radio.

VAMPIRE KA LANG, DYOSA AKO! BOOK II (COMPLETED!)Where stories live. Discover now