Kabanata 9

1K 55 3
                                    

Dapit hapon na nang makarinig ako ng tatlong katok sa pintuan. Dali-dali akong naglakad at pakiramdam ko'y mawawasak na ang pintuan ko. Iniwan ko na mona ang ginagawa kong cake sa mesa.

"Sandali lang!" bulyaw ko tsaka nagtali ng buhok.

Agad na kumunot ang noo ko nang makita si Gen. Nakangiti pa siya. Nakatanggap agad siya ng batok sa akin. Ilang araw na siyang walang paramdam at hindi ko man lang alam kung saan siya nagsusuot. Depungal!

"Saan ka ba galing? Alam mo bang tatlong araw ka ng wala? Tangena pinapahanap na kita sa mga tanod na taga rito. Saan ka ba galing?" Agad kong putak dito.

Nakahawak pa rin siya sa ulo niya at mangiyakngiyak na nakatingin sa akin. "Miss din kita kahit brutal ka!"

Hinawakan ko ang patelya niya. Oo mga kababayan close na kami nitong lalake nag ito. Madalas pa nga kaming mapagkamalan na mag-jowa. Kaloka.
Mga ma issue talaga! Sabagay nasa Philippines ka at uso talaga iyan ngayon.

At ewan ko ba sa lalakeng ito at hindi ko na nakita sa loob ng tatlong araw. Ni anino niya hindi ko mahanap.

Sana all hinahanap.

"Nagpunta lang ako sa kabilang barangay nakiki fiesta," paliwanag niya.

"Nakiki fiesta ka?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tumango naman siya tsaka ngumiti nang pagkalapad. Pambihira.

Hinila ko ulit ang patelya niya. "Kakatapos lang ng fiesta rito? Hindi ka pa rin ba nagsasawa sa lechon!?"

Agad naman siyang tumakbo papalayo sa akin ng mabitawan ko ang paghila sa patela nito.

Napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood siyang nagtatago sa ilalim ng punong mangga.

Tsk.

Isinabit ko ang hibla sa likod ng tainga ko nang marinig ko ang maganda kong kapangalan.

"Genevieve!"

Napalingon ako sa lalakeng akala mo'y nakipagsapakan sa mga aso. Gutay-gutay ang damit at napakaraming gasgas pati na rin mga bugbog sa buo nitong katawan.

At sino namang kalahi ang nanggahasa sa lalakeng ito?

"We need to talk!" Hinawakan niya ang braso ko't hinila ako. Pero bago pa man niya ako mapapasok ng tuluyan sa loob ng bahay ay may humawak sa kabilang braso ko.

"Let her go bro!"

Napatingin ako kay Gen na ang sama ng tingin kay Kaizer. Hinila ulit ako ni Kaizer papunga sa direksyon niya.

"No. Let her go, fucker. Kailangan naming mag-usap," nagtitiim bagang na sabi ni Kaizer.

Mag lalong humigpit ang hawak nilang dalawa habang nakikipagtitigan na kulang na lang ay may lumabas na kuryente sa mga mata nila.

Napapangiwi na ako sa sakit. Walang gusto magpatalo. Palipat-lipat din ang tingin ko sa kanilang dalawa pero mga Gago!

Naghilaan ulit sila. "A-aray!"

"Tangena, Bitawan niyo nga ako!"

Tila mga bingi itong mga ito at ayaw talaga pakinggan ang pagsusumamo kong bitawan nila ako pareho.

"POTANGENA BITAWAN NIYO KO MGA GUNGGONG!" sigaw ko.

Na s-stress na yung buhok ko sa kanila. Mga giatay!

Napatingin sa akin si Gen bago ngumiti at bumitaw. Tiningnan ko si Kaizer. I eyeing him saying take his hands off my wrist. "Ano? Nganga? Ayaw bumitaw?" I said.

VAMPIRE KA LANG, DYOSA AKO! BOOK II (COMPLETED!)Where stories live. Discover now