Chapter 25: Sorry and Bye

395 16 2
                                    

Update! ♥

Si Vincent nga po pala yung nasa right side. *O*

___________

Chapter 25: Sorry and Bye

<Melody’s POV>

“Vincent, ano bang nangyari sayo kagabi? Tinatawagan kita pero naiwan mo naman pala yung phone mo.”

Kararating lang namin dito sa bahay nila Vincent. Waahh, sabi ko na eh. Hinahanap talaga ni Ate Tiffany si Vincent. Kaya pala wala akong nariring na tumatawag kagabi kasi naiwan pala ni Vincent yung cellphone niya dito sa bahay nila. >__<

“Ate, wag po kayong mag-alala. Sa bahay ko naman po nag-stay si Vincent eh.”

“Ah ganun ba? Nakakahiya naman sayo Melody.”

Hala naman, nahiya pa saakin si Ate Tifany. Dapat nga si Vincent yung mahiya saakin ee. Wahaha pero joke lang yun. ^o^v

“Di naman po.” sabi ko

“Oo nga pala, kumain na ba kayo? Gusto niyo magbreakfa—“

“Ah kaka-breakfast lang po namin.”

Oo nga pala, bakit parang kami lang ata ni Ate Tiffany yung nagsasalita. Nandito rin kaya si Vincent. Ang tahimik na naman niya. Di na naman umiimik. Baka na-OP na naman. Hahaha.

“Tss, dun nga muna ako sa kwarto. Sakit ng ulo ko. -__-“ sabi ni Vincent

“Ano?! Masakit yung ulo mo?! Uminom ka na naman ba?!”

“Di naman bawal diba? -__-“ 

Pffft, ang sungit talaga nitong lalakeng 'to. Sinungitan pa niya talaga yung ate niya. Eh ate niya yun. Tapos ayun, umakyat na si Vincent papunta doon sa kwarto niya.

“Sungit. Ate mo yan eh.” –bulong ko sa sarili ko

 “Melody, pwede bang dito ka muna mag-stay?”

 Ano daw sabi nung Ate ni Vincent? Dito muna ako mag-iistay sa bahay nila? Waaahh bakit naman? Anong gagawin ko dito? O__O

“B-bakit po?”

“Samahan mo yung kapatid ko dito. Tsaka alaagaan mo narin siya. Ayaw niya kasing mag-isa dito sa bahay. Kaya lumalabas nalang siya paminsan. Eh ayaw din niyang lumabas. Pfft, ewan ko ba dyan sa kapatid ko. May pagka-allergic kasi yan sa mga tao. Uy sorry ah, may emergency meeting kasi ako eh.”

 Hahaha. May pagka-allergic pala sa mga tao si Vincent. Kaya pala laging naiinis pag tuwing may lumalapit sa kanya. Pero ayaw na nga niyang lumabas tapos ayaw pa niyang mag-isa sa bahay? Ang gulo naman nun.

"Ah, sige po.”

“Kthanks. Umm… oo nga pala. Sa susunod wag mong hahayaan na uminom si Vincent ng marami. Matagal kasing mawala yung hangover niya pag marami yung ininom nya.”

 Ganun ba? Kaya pala hanggang ngayon masakit parin yung ulo ni Vincent. Matagal palang mawala yung hangover niya. Pfft, ayan kasi. Inom kasi sya ng inom ng marami.

Buti nalang at may ate si Vincent. Kasi dahil sa ate nya, marami akong nalaman sa kanya. Pfft, kay Ate Tiffany lang pala ako magtatanong pag may gusto akong malaman tungkol kay Vincent.

“Sige na Melody, alis na ako. Alagaan mo yung kapatid ko ah. ^__^” Tapos kinuha niya yung bag niya at nag-‘goodbye’ saakin. Kumaway nalang din ako.

Umupo ako doon sa isang sofa at nag-isip ng gagawin ko dito.Sasamahan ko nga si Vincent diba? Eh pero ano nga kasing gagawin ko? Pano kung puntahan ko nalang siya sa kwarto niya? Pfft, baka sungitan na naman ako nun. Heh bahala na nga.

When Hate Turns to LoveWhere stories live. Discover now