Chapter 18: O___O

846 18 0
                                    

Chapter 18: O___O

<Melody’s POV>

“Eto bagay sayo oh.”

Nandito kami ngayon ni Jean at Kristelle sa mall. Wala lang, gusto lang daw kasi nilang bumili ng damit kasama ako.

“Wait lang, pano kung makita tayo ng mga alam mo na. Mga fans nila.” –Ako

Sinuot ni Kristelle yung shades niya at sinabing, “Yaan mo yun, mag-shades nalang tayo. ^o^”

“Tama ba namang mag-shades sa gabi? Wag ka nang mag-shades. Maya-maya mapagkamalan ka pang baliw.” –Jean, Oo nga naman

“Pfft,” yun nalang ang nasabi ni Kristelle

Pumunta ako dun sa shop ng mga sandals at high heels. Nakakita kasi ako ng magandang high heels na kulay black. Waaa, Gusto ko yun bilhin. >o<

Kukunin ko na sana yun nang biglang may kumuha din nung high heels. O___O

“Sorry Melody, ako yung unang naka-kita eh.” Si Jessica na naman?!

Bakit ba lagi ko nalang nakikita si Jessica? >____<

Tapos ngumiti pa siya ng masama. Edi sayo na yung high heels. Ayokong mag-away kami. Pero galit parin ako sa kanya. Muntikan ba naman ako malunod ng dahil sa kanya. -___-

“…”

Di ko nalang siya pinansin. Bakit ko naman siya papansinin eh galit nga ako sa kanya.

“Hey, Galit ka pa ba dun sa nagawa ko sayo noon? Look, I’m sorry. Di ko naman yun sinadya eh.”

Buti naman alam niya kung bakit di ko siya pinapansin. May pagka-mind reader din pala siya.

“Oo na.” sabi ko

“Talaga? So let’s be friends,” sabi niya tapos niyakap niya ako pero hindi naman mahigpit.

Weh? Baka naman nakikipag-bati lang siya saakin dahil girlfriend ako ni Vincent. Hmm, Pwede rin.

“Oh, I have to go na pala. Bye Melody.” –Jessica

Nginitian ko nalang siya. Pero tss, Binili parin niya yung high heels. Ako dapat bibili niyan ee. Kabanas naman oh. >___<

_  _  _  _

Nasaan na nga pala yung dalawa? Nakuu, Baka naman iniwan na nila ako. Iniwan na nga ako nila Yannie tapos pati ba naman sila. Haayy, Forever alone ata talaga ako. T___T

Bumalik ako dun sa bilihan ng mga damit pero wala na sila. Iniwan na ata talaga nila ako. T___T

Tiningnan ko yung cellphone ko kung may nag-text. Para kasing may naramdaman akong vibration galing sa cp ko kanina.

1 new message!

Sabi ko na nga ba. >__<

Jean:

Sorry Melody, nka-uwi n kmi. May emergency lng kc. Sorry tlaga.

--end--

Mag-isa na naman pala ako. T___T

Nung pumunta ako dun sa exit ng mall…

Umuulan pala! Bat di ko napansin yun? O___O

Pfft, Wala pa naman akong dalang payong. T__T

Heh! Gusto ko nang umuwi. Pero parang ayoko pa. Hala ang gulo ko naman. Dito na nga lang muna ako sa mall. Stranded ako dito pero kakain nalang ako mag-isa sa food court. XD

When Hate Turns to LoveWhere stories live. Discover now