Chapter 21: Kasi gusto kita

998 23 7
                                    

Chapter 21: Kasi gusto kita

<Melody’s POV>

Uminom si Yannie ng kape at sinabing,  “Melody, napansin ko parang matamlay ka ngayon. Parang may problema ka ah.”

“Oo nga, tapos parang namumutla ka pa.” sabi ni Karen

As usual, nandito na naman sila Yannie at Karen sa bahay ko. Gusto daw kasi nila akong bisitahin araw-araw. Kaya eto nagbe-breakfast kami ngayon.

“Yun na nga eh.” –Ako

“Baka naman meron ka.” –Karen

“Hindi naman. Pero masakit yung ulo ko.” –Ako

Ang sakit kasi nung ulo ko sobra. Tapos parang masama yung pakiramdam ko. Para bang may lagnat ako. Ewan, basta mula nung gumising ako ang sama-sama na ng pakiramdam ko. T__T

“Lagot ka, baka sakit na yan. Patingin ka sa doctor pagkatapos natin dito. Sasamahan ka namin.” –Yannie

“Thank you nalang, pero wag na. Ayoko magpatingin sa doctor.” –Ako

“Wag nang makulit,” sabi ni Yannie tapos hinawakan niya yung noo at leeg ko, “Hala, may lagnat ka nga. Ang init mo oh. Dali tara sa doctor.”

Mainit ako? Kaya pala ang sama ng pakiramdam ko eh. Pero ayokong magpatingin sa doctor. >__<

“Ayoko, lagnat lang naman eh. Mawawala rin to’.” sabi ko habang kinukuha yung mga baso nila para hugasan. Tapos na kasi silang mag-almusal.

“Eh pano naman kung lumala?” –Yannie, pero di ko nalang sinagot. Ang sakit talaga kasi ng ulo ko.

Habang papunta ako ng kusina, napahawak ako sa ulo ko at…

Bigla nalang akong nahimatay.

<Yannie’s POV>

“Eh pano naman kung lumala?” sabi ko pero hindi naman ako pinansin ni Melody at pumunta nalang siya sa kusina

Eh kasi naman pinipilit ko si Melody pumunta sa hospital pero ayaw naman niya. >__<

Pagkatapos nun, parang nakarinig kami ng nabasag na  baso.

“Hala, ano yun?” sabi ni Karen

“Di ko nga rin alam eh. Tingnan mo nga, baka naka-basag ng baso si Melody.” sabi ko

Wala pang isang minuto bumalik na kaagad si Karen at sinabing, “Yannie! Si Melody! O___O”

“Si Melody? Bakit? Anong nangyari?” –Ako

“Nag-collapse siya.” –Siya

Nag-collapse?! O___O

Pumunta kami kaagad ni Karen sa kusina. Tapos nilapitan namin si Melody na nakahiga sa sahig.

“Melody! Gumising ka! Wag mo muna kaming iwan ni Karen! Buhay ka pa diba?! T__T” sabi ko

“Ano ka ba. Nahimatay lang si Melody. Magigising din siya. ‘To naman oh. OA ka naman masyado.” sabi ni Karen na parang natatawa

Edi ako na yung Over Acting. XD

Pero ano namang gagawin namin ngayon? Dapat dalhin namin si Melody sa ospital.

“Dalhin na natin siya sa ospital.” sabi ko

Sinubukan namin buhatin si Melody pero… Hala, ilang ba yung timbang ni Melody at ang bigat-bigat niya? O___O

“Hala anong gagawin natin? Di natin siya mabuha—“ hindi natapos ni Karen yung sasabihin niya kasi may biglang nagdoorbell

*ding dong*

When Hate Turns to LoveWhere stories live. Discover now