Chapter 1: BFF

2K 36 0
                                    

Chapter 1: BFF

“MELODY!!” 

“YANNNIIIIEEE!!!”

“Long time no see ah! Musta na?”

“Eto, panget parin wahaha”

“Mas pumangit naman ako,” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Di ka pa rin nagbabago. Mukha ka paring TOMBOY! HAHAHA.”

In-emphasize pa talaga niya yung tomboy. -____-

Pag-pasensyahan niyo na po kaming mag-bestfriend. Ngayon lang naman kami nagkita ulit ehh. *O*

“Weh? Mas cumute ka pa nga ehh! Salamat sa pag-lait ah! Na-appreciate ko yun.” -Ako

“Che! Ang cute raw malapit pa rin sa pangit! Sorry hahaha. Pero thank you naman sa pag-puri!. Wahaha ^O^” -Siya

Kahit kelan makulit talaga itong bestfriend ko.

Ako nga pala si Melody Jade Miranda. Malapit na akong mag-19 and I'm a Certified NBSB. :3

At nandito ako ngayon sa airport. Susunduin ko kasi yung bestfriend ko.

Siya naman si Yanna Stephanie Ramirez. Pero tawagin niyo daw siyang Yannie. Magkasing-edad lang kami. Kagagaling lang niya sa Canada, kaya nga sinundo ko dito sa airport eh.

“Musta na yung lovelife mo? Balita ko may boyfriend ka na. Totoo ba yun?” -Ako

“ummm… oo eh” -Yannie

“weh? Sino? Nasaan siya? Gwapo? Type mo? Ilan taon na siya? Kasing-edad mo b—” -Teka lang, Atat naman ata ako ng masyado hahaha.

“Oy teka! Isa-isa lang! >___Pinigilan niya ako kasi siguro tanong ako ng tanong sa kanya, “Di ko pa siya pwede ipakita sainyo. Sa sunod na taon nalang daw niyo siya makikita. Mahiyain yun ehh hahaha. Oh ikaw naman, kamusta naman ang lovelovelovelife mo?”

“Ah… siya pa rin naman hahaha” -Ako

“Yiiieee, hanggang ngayon talaga eh noh? Oy, nabalitaan mo na ba na may kanta na pala sila? Dami ko naman tawa dun ehh hahaha. Tsaka may concert daw sila bukas, yun yung isa sa mga dahilan kung bakit bumalik ako dito sa pinas ehh hahaha.” -Yannie

“Oo alam ko na lahat yun. Bumili na nga ako ng tickets ehh. Isa sayo, isa saakin. Tsaka last month pa ako bumili, ako nga ata yung pinakaunang bumili ng tickets ee. Pang-VIP pala yung binili ko. Pinag-ipunan ko yan ah!” -Ako

“Salamat! Magkano pala yung bili mo dito sa ticket ko?” -Yannie

“10,000+” -Ako

Nanlaki yung mga mata niya, “10,000+? Di nga?!”

Hala. Ayaw maniwala?

“Kaya nga VIP ee.” -Ako

“S-salamat! Malaking bagay yun saakin! ^____^” -Yannie

Yung tinutukoy banda pala na tinutukoy namin na may concert bukas ay yung Pretty Boys Company. Wag kayong tumawa, totoo naman kasi na pretty boys sila kaya ayun.

Hindi naman talaga sila sikat na sikat. Sikat lang sila ng konti. Parang mini band ganun ganun. Tatlo lang naman ang members nun. Adik na adik ako doon lalo na kay Ian! ♥_____♥

Tapos yung dalawa pang members ay sila Nathan at Vincent. Tss, ayoko kay Vincent. Ang haba kasi ng buhok niya. Nakakaturn-off. -___- Nagagwapuhan naman din ako kay Nathan.

(Otor: ehem! ehem! Akala ko ba kay Ian ka lang nagagwapuhan? Kay Ian lang, wag mong idamay si Nathan ko. Kasi pag lumala yan lagot ka sakin XD.)

(Melody: Sige na po Otor, Binabawi ko na po. Kay Ian lang, Kay Ian lang ako nagagwapuhan.)

When Hate Turns to LoveWhere stories live. Discover now