Chapter 18

949 26 5
                                    

30 Days To Win Her Heart Again

Chapter 18-A brave heart

~If you love someone then fight for it~

Shai's POV

"Sorry talaga Jush~ pero di ko pa kaya.", sabi ko.

Sana maunawaan niya.Alam kong masakit para sa kanya pero ayaw ko namang isugal ang puso ko sa pagkakataong ito.Hindi ko na siguro kakayanin na masaktan pa ulit.Pero ba't ganito?! Ayaw ko rin naman masaktan siya pero wala akong magagawa.

Hindi niya ako matingnan sa mga mata.Yumuko lamang siya.At para bang maluluha.

"Hindi ba talaga pwede?!",tanong niya.

Tinitigan ko siya.

"Sorry~" , at tumakbo na ako.Hindi ko kayang nakikita siyang ganun.Ba't ba kasi nagawang saktan ako ng ganto ng litseng taong una kong minahal?! Yan tuloy damay damay na.

Sorry Jush~ May iba pa naman dyan.

Mint's POV

Ito na yun.Ito na ang pagkakataong hinihintay ni Jushtine.Sa wakas! Sana naman maging successful to para naman hindi na kami madamay pa. -___________-

Huminto na siya sa pagkanta.Kami naman ay parang naging background music.Lumuhod siya at inamin niya ang lahat ng nararamdaman niya.Pshh.Corny lang?!

At hinihintay na namin ang magiging sagot ni Shai.Tahimik kaming lahat.Nagulat na lamang kami sa naging sagot niya.

"Sorry Jush~ hindi pa ako handa.Hindi ko pa kayang isugal ang puso ko ulit." , yun ang nasabi niya.

Yumuko lang si Jushtine.Takte! Wag na wag kang iiyak.Lalo na sa harap niya.

"Hindi ba talaga pwede?!", tanong niya.

Ganun ba talaga niya kamahal si Shai?!At ganun ba talaga kasakit ang ginawa ng taong yun sa kanya?! Hindi naman talaga namin alam.Hindi naman nagkwekwento si Jushtine tungkol sa kanila.Ang alam lang namin ay mahal na mahal niya si Shai.

"Sorry~" , at tumakbo na siya.

Naiwan kaming andito.Hindi namin alam kung ano ang ikikilos. Parang na freeze si Jushtine sa kinatatayuan niya.Nakayuko lang siya.Alam kong iiyak yan sa sobrang sakit any moment.Pero ano ba ang magagawa namin?

Tumingin ako kay Jessy.

"Anong gagawin natin?!" , bulong ko.

"Hayaan na muna natin siyang mapag-isa." , si Jade.

Hanep din tong si Jade! Woah!Siya tinatanong ko noh?! Tsk.Tsk.Sabat ng sabat.Nilapitan namin si Jushtine.

"Pre, ganun talaga hindi ibig sabihin gusto mo ay makukuha mo na.May mga pagkakataon kasi na ang pag let go ang pinakamabisang gawin para hindi na masaktan.Alam kong masakit pero kung mahal mo siya kakayanin mo.Magpaparaya ka. Pre, alam naming kailangan mo ng space pero wag na wag kang magpapakamatay.", sabi ko.

"So call me maybe!Tawagan mo kami pag kailangan mo ng resbak!" , si Jessy..

Ang hilig talaga nito sa gulo! -_________-

"AJA! Nasabi na nila lahat eh!" , sabi namn ni Jade.Kahit kelan panira ng moment.

Natawa lang si Jushtine.

"Salamat.Tatawagan ko na lang kayo pag di ko na talaga kaya." ,sagot niya.

Umalis na kami.Aissh.Kaya ayokong ma in love eh. Sakit lang sa ulo.

~~

Shai's POV

Ilang araw na siyang di nagpaparamdam.Ni text wala.Nag aalala na ako sa kanya.

"Shai, kung nag aalala ka sa kanya edi tawagan mo." , si Ate Tiffany.

Eh yun na nga eh! Ano naman ang sasabihin ko?!Nag try na rin ako pero off yung phone niya.

"Eh yun na nga ate eh off yung phone niya.Sana naman ok lang siya." , sabi ko habang nakatingin sa bintana. Ang sama naman ng panahon.

"Alam mo Shai di ba ni reject mo siya?!" , tanong ni Ate Hyoyeon.

Tumango lang ako.

"Eh ano pa ba ang ineexpect mo?!Sigurado akong magpapakalayo layo yun. Masakit kaya yun!" , sabi niya.

Tama nga naman!Pero hindi naman siguro yun ang end ng friendship namin diba?!

"Eh hindi naman siguro ibig sabihin nun na tapos na ang friendship namin diba?!", sabi ko.

Napasapo na lamang si Ate Yuri.

"Naku Shai naman! Napaka manhid mo teh?! Ikaw kaya babastedin ka ng bestfriend mo may mukha ka pa kayang kausapin siya?!" , bulalas ni Ate Yuri.

Eh. Ganun ba yun?!

"Uy Shai tumingin ka sa bintana.Dali!", si Yanna na para bang aatakihin sa kahihingal.

Kami naman nataranta.Ano bang meron?! Tsunami o Hurricane? O di naman kaya si Sadako?! Uso na ngayon yan! Malapit na kaya ang Nov. 1. Aissh. Makatingin na nga lang.

Mas nagulat ako sa nakita ko.

"Uy si Jushtine yun diba?!" , si Ate Sunny habang tinuturo ang taong nasa labas na nababasa ng ulan habang may dala dalang poster.

~Pasensya na matigas tong puso ko~

~Mahal kita kaya hindi ako susuko sayo!~

"Shai! Makinig ka kahit pagtulakan mo pa ako! Kahit magalit ka! Ikaw pa rin sinisigaw nito! Tandaan mo to hindi ako susuko sayo!" , sigaw niya habang nababasa nang ulan.

At nanginginig na siya.

Habang ang mga kapatid ko hinahampas ako.Anong trip nito?!

"Aray naman ate Yuri! Akala naman oh para namang sinusuntok mo na ako niyan! Hindi po ako punching bag." , sabi ko.

"Uy shunga! Bilisan mo puntahan mo na yang prince charming mo magkakalagnat yan eh!" , si ate Jess.

Puntahan ko na nga lang.Kaya nagmadali akong bumaba at kumuha ng payong.Pinuntahan ko siya.At pinayungan.

"Ano ba ang pinaggagawa mo?! Alam mo bang magkakasakit ka niyan?!Gusto mo bang lagi mo akong pinag aalala?!", inis kong sabi.

Ngumiti lang siya.

"Oo, gusto ko ako lang laman ng isipan mo." , sabi niya.

"Baliw.",sabi ko.

Ngumiti lang siya kahit na kitang kita na nilalamig na siya.

"Ba't ngayon ka lang?!" , tanong ko.

Sumeryoso ang anyo niya.

"Gusto mo ba talaga akong masaktan lalo?" , tanong niya.

Wala akong maisagot.

"Galit ka pa ba sa akin?!", tanong ko.

Tumitig siya sa akin.

"Pano ba ako magagalit sa taong minahal ko ng sobra sobra.Shai~ Last na 'to. Pwede bang subukan natin kahit one week lang.Malay mo ma realize mong kaya pala." , sabi niya.

"At kung hindi gumana?", tanong ko.

Napatigil siya.

"At kung hindi gumana, hindi na ako magpapakita pa sayo ni kahit anino ko di ka na guguluhin.Pangako." , sabi niya.

Hindi ko inaasahan ang mga narinig ko sa kanya.Pano kung di gumana?Pano na friendship namin?Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang natumba.

"Jush~~" , sigaw ko.

Nawalan siya ng malay.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon