Chapter 16

1K 29 4
                                    

30 Days To Win Her Heart Again

Chapter 16- Pretending

~One big reality in life , you cannot undo everything but there's always a new beggining.

Shai's POV

"Are you ready?" , tanong niya.

Nakatitig lang ako sa kanya. Ba't pag nakikita ko siya ang sakit. Ganunpaman gusto kong lagi siyang kasama. Ewan ko ba pero parang ang sarap sa pakiramdam kung andyan siya.

Sino nga ba siya sa buhay ko!?

"Yes." , sabi ko.

Naglakad na kami.Papasok na kami ng gate.

Naaalala ko to. Alam ko tong lugar na to! Ah tama! Ito yung school ko dati.

"Diba dito ako nag-aaral dati?!" , sabi ko.

Lumingon siya sa akin.

"Naalala mo?!" , manghang tanong niya.

Tumingin ako sa kanya. Ba't ba nasorpresa siya.

"Oo naman. Pano ko ba 'to malilimutan! Pwera na lang kung may malaking rason para makalimutan ko to." , sambit ko.

Umiwas siya ng tingin sa akin.

At naglakad na naman. Lumilingalinga naman ako habang nakasunod sa kanya.

"Jushtine , di ba bestfriend kita?!" , pauna ko.

Gusto ko lang naman malaman baka kasi meron.

"Oo , bakit?" , nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Nagmahal na ba ako dati?Kung oo, sino siya?!" , tanong ko.

Baka kasi kasali siya sa di ko maalala.

Napahinto siya.Ako naman naghihintay lang sa magiging sagot niya.

Baka nga meron.

"Ba't mo natanong?" , sabi niya.

Di ba pwdeng malaman ang mga tauhan sa buhay ko?! Tss. Karapatan ko naman yun diba?

"Baka kasi siya yung dahilan ng aksidente ko." , sabi ko.

Jushtine's POV

Una akong naglalakad sa kanya.Kanina pa siya tanong ng tanong. Pero ok lang naman.Mas mabuti nga yun.

Pero ikinagulat ko ang naging kasunod niyang tanong.

"Nagmahal na ba ako dati?Kung oo, sino siya?!", tanong niya.

Nahinto ako sa paglalakad.Ba't niya natanong yun?!Ano ba ang dapat kong isagot.

"Bakit mo naman natanong?" , tanong ko.

Kinakabahan ako. Ewan pero ang weird ng feeling ko. Baka maalala niya.

"Baka kasi siya ang dahilan kung bakit ako naaksidente." , sabi niya.

Ang sakit ng sinabi niya.Para kasing pinapalabas niya na sinisisi niya ang taong yun.At ang taong minahal niya ay walang iba kundi AKO.

Pano ko ba ipapakilala ang sarili ko. Pano ko sasabihin na ako yung taong yun?! Pano kung magalit siya sa akin?!

"Sa tingin mo ba siya ang dahilan, kung meron man?" , kinakabahang tanong ko.

Hindi siya sumagot.

"Tara na--" , naputol yung sasabihin ko ng tumikhim siya.

"Sa tingin ko sinaktan niya ako ng sobra,sobra,sobrang sobra! Di naman siguro hahayaan ng sistema ko na kalimutan na lang siya ng ganun kung hindi niya ako sinaktan , diba?!" , sabi niya.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon