Chapter 12

1.1K 26 5
                                    

30 Days To Win Her Heart Again

Chapter 12- Sawi na naman

Jushtine's POV

Nasa kwarto ako ngayon nagmumukmok. Hindi naman ganun kadaling kalimutan ang babaeng tinuruan akong mahalin siya. Ang babaeng handa kong makasama sa hinaharap. Kahit gaano nya ako nasaktan naiisip ko pa rin sya. Kung kumain na ba sya o nakatulog ba sya ng maayos. Kung masaya ba sya sa piling ni Kristan. Nakakapraning.

Biglang nag vibrate ang phone ko.

1 New Message Received From :

Bestfriend Shai

Ini-open ko ang message.

~Bestfriend.Punta ka dito.Choir tayo.

Oo , palagi siyang ganyan. Lagi niya akong ininvite, tinutulungan at inaalagaan. Sana siya nalang si Shara . Kasi feeling ko pag sakanya di niya ako sasaktan.

Siguro time na rin para bumalik ako sa choir. Nagbihis ako. At pumunta na sa simbahan.

"Uy Jush!Nandito ka?!"

Tsk.Tsk. Kahit tumanda na kami ay shunga at parang nakalunok pa rin ng mic sa lakas ng boses.

"Ay malamang ! " , pang-iinis ko sa kanya.

Tumawa lang siya. Yung tawang lagi nyang binibigay sa akin. Tss. Okay pikon ako kaya para maiwasan ang bangayan ay umalis na ako sa harapan nya.

"Uy wait lang! Sumpungin talaga oh!" , at hinawakan niya yung braso ko at sabay na kaming naglakad papasok.

Shai's POV

Masaya ako ngayon .Eh kasi naman sumali uli siya sa choir . Gulat nga kaming lahat eh.Hindi namin inaasahan ang pagdating niya.

Katatapos lang ng misa namin. Pumunta ako sa kusina kasi kinukuha ko yung merienda para sa lahat.Nang biglang may tumawag sa akin.

"Uy Shai!",sigaw niya. Walang duda si Jushtine yun. Memoryado ko yata lahat ng tungkol sa kanya. Kabisado ng puso't isip ko.

Ba't ba sumisigaw na naman tong sungit na broken hearted pang lalaking to?!

"Oh kailangan talagang sumigaw?!" , tanong ko.

Nag smile lang siya. Yung smile na matagal ko ng di nakikita. Napahinto ako nang bahagya.

"Eh may naghahanap sayo! Mga babae eh.At yung isa ang ganda parang anghel!" , sabi niya.

Sa sinabi nya parang may kumirot sa loob ko. Di ko maalis ang pangamba.

"Che. Umalis ka na nga.Lande oh!" , sabi ko. Ngumiti lang siya.

Kaya lumabas na kami. Meron ngang mga babae na nasa labas. Magaganda talaga sila.
Eh bat kaya nila ako hinahanap? Eh baka may utang ako na nakalimutan ko?!Patay.Wala pa naman akong pera ngayon.

Nagpasalamat sila kay Jushtine.At totoo nga ang ganda ng tinutukoy niyang parang anghel. Napayuko ako. Binalot ng insecurities.

"Sige na umalis ka na." , sabi ko kasi naman nag papacute pa eh.

Siniko niya ako. Sign na ayaw niyang umalis. Naasar ako sa inaasal nya.

Tumalikod muna ako.

"Sige na may pag-uusapan ata kami nito eh !" , sabi ko at nag bleee.

Bago siya umalis ay nag wink pa siya dun sa babae. Kainis talaga pero wala naman akong karapatang mainis.

"Hello po." , bati ko at nag bow pagbibigay galang ko.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon