Valentines Special

852 31 11
                                    


30 Days To Win Her Heart Again

Valentines Special-The worst Valentines ever.

Shai's POV

Umupo na lang ako sa bench.Masyado yata akong maaga pero ayos lang mas mabuti yun.Binuksan ko yung bag ko at kinuha ang foundation ng makita ko ang isang lalagyan.Napangiti ako sa nakita ko.Eh araw araw pala kitang daladala,ngayon ko lang napagtanto.Kinuha ko ang lalagyan na yun.

Nilabas ko ang nakalagay dun.Mga pictures namin.Dalawang buwan na rin pala ang mabilis na lumipas.Limang buwan na rin pala nang magmula nang sinagot ko siya.Ang bilis ng panahon.Hindi ko kasi namalayan dahil pagkasama ko siya parang kaming dalawa lang ang tao sa buong mundo.Yung tipong siya lang ang nakikita ko.Ewan ba.Kung ba't ko siya minahal ng ganito.Hindi ko rin alam kung ba't may parte ng pagkatao ko na nasasaktan sa tuwing kasama siya.Parang yung feeling na takot na baka panandalian lang ang lahat ng to.Na baka sa susunod na araw mawala siya sa akin.Mawala yung feelings niya para sakin.Baka magsisng ako balang araw na biglang may maalala na ako na maging dahilan ng paghihiwalay namin.

Yun ang ayokong mangyari.Ayokong mawala ako sa kanya.At mawala siya sa akin.

Aissh.Ano ba tong iniisip ko.Hindi mangyayari yun.Hindi magagawa sa akin na magsinungaling ni Jushtine .Speaking of him, nasan na ba yung kulangot na yun?!Aissh.Tiningnan ko yung wrist watch ko.7:30 na pero wala pa rin siya.Sabi 6:30 ang usapan.

Kinuha ko yung phone ko at dinial ang number niya.Pero walang sumasagot.Naka 12 tries yata ako or more pa.Nasan na ba kasi siya?!Valentines pa naman.Grr.Binabawi ko yung lahat ng sinabi ko kanina.Bukas na bukas din wala na kami. -____________-

Nasan na ba siya?!Nakakabwesit talaga.

Dinial ko ulit ang number niya.At nag leave ng message.

"Sa oras na matanggap mo to sana marelaize mong wala na tayo ha!Wala ka na sa buhay ko.As in erase.Wag ka na ring magpapakita sakin!Hindi na ako madadala sa mga paharana harana at mga ka echusan mo!Promise yan.At ngayong gabi na to maghahanap ako ng ka date yung mas gwapo pa sayo!Bahala ka sa buhay mo.Kulangot!Grr." >_________________<

Kaya tumayo na ako at naglakad na papaalis.Siguradong pagtatawanan ako ni Ate Siga nito.Ba't kasi todo effort pa akong nagpaganda eh.Tsk.

Kaya yun mapapahiya ako nito.Kainis naman kasi tong kulangot na to eh!Hindi nagpasabi na macacancel tong oh-so-called date namin.T___________T

Biglang nag ring yung phone ko.Sinagot ko agad.

"Hello.Shai~cries~ si Jushtine.~cries~",sabi ng nasa kabilang linya.O__________OAnyare sa Jushtine ko?!

"Teka wag ka nga munang umiyak,Mint.Nasan siya?!Nasan kayo?!Pupuntahan ko agad kayo.",tarantang sabi ko.Pagkatapos niyang ibigay ang exact na hospital kung nasan sila ay dali dali akong lumakad.

Hindi maipinta ang itsura ko.Sana naman mali ang nasa isip ko.Hindi mangyayari ang mga naiisip ko.Hindi ako iiwan ni Jush sa ganung paraan.Unti-unting tumutulo ang mga luha ko.Hindi ko mapigilang umiyak sa nararamdaman kong takot.Be strong Jush, papunta na ako.Pinahiran ko agad ang mga luha ko.

"Ok ka lang ba hija?!", tanong sakin ni Manong Taxi driver.

Ngumiti lang ako.Pilit na ngiti.

"Sana nga po maging ok.Ayaw ko siyang mawala.",sabi ko.

"Hindi naman siya mawawala hangga't nasa puso mo siya.",sabi niya at ngumiti.

Oo,hinding hindi siya mawawala dito sa puso ko.

~~

Kabababa ko lang ng taxi.Dug.Dug.Dug.Ang lakas ng tibok ng puso ko.Please Papa God, wag naman po.Wag sa ganitong paraan.

30 Days To Win Her Heart Again (Very Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon