boyfriend kong wattpader

834 13 6
                                    

BOYFRIEND KUNG WATTPADER

✒: Sakúra Biátch

"Sino yung lalaking kasama mo kanina Rhean?" bungad sa akin ni Carl.

"Kaklase ko." sabi ko sa kanya

"Kaklase mo tas nakikipagtawanan ka" galet niyang sabi sa akin.

"Tae kaba? Alangan naman mag iyakan kami kung nag jojoke siya" sabi ko sa kanya.

Ang seloso talaga ng hayeop na to.

"Ayokong nakikita kang masaya sa iba. Gusto ko ako lang ang nagpapasaya sayu" hays ito nanaman siya.

"That guy makes me happy by his jokes. Pero ikaw napapasaya moko sa lahat kahit nga di ka nag joke basta kasama lang kita masaya na ako eh. Yiieee" sabi ko sabay tusok ng tagiliran niya.

He blushed.
Ang cute niyang tignan

"Stop it babae." sabi niya sabay pigil niya sa mga kamay ko.
"Babae kaba talaga? Diba dapat ako ang nagpapakilig sayu?" ginulo gulo niya ang buhok niya na para bang frustrated siya sa nangyayari.
"Aghh. Fuck what are you doing this to me" sabi niya na parang hirap na hirap.

O.A ng jowa ko ah.

"Babae ako kakasabi mo lang non diba. Tsaka pwede ba wag kang mag selos don, wala lang naman kasi yun" sabi ko sa kanya

Tinignan niya ako sa mata ng sobrang seryoso.

"Nagseselos kasi ako... I know that you love me. Pero mas mahal na mahal kita, that's why I can't help it. I can't control my jealousy, kasi naman ako boyfriend mo pero feeling ko mas masaya kapa sa ibang tao" sabi niya sa akin.

Hays ito nanaman siya.

"Kaninong line nanaman sa Wattpad ang ninakawan mo?" tanong ko sa kanya..

Agad naman siyang napakamot sa ulo dahil sa tanong ko.

"Di yun nakaw ah.. Tsaka iniba ko kaya yung ibang line ni Yuri don" sabi niya sa akin.

Agad ko naman siyang inirapan.

"Suss wag ako.." sabi ko sa kanya.

"Hehehe. Lika na nga kain nalang tayo" sabi niya sa akin sabay dala sa akin sa restaurant.

Umorder ako ng green salad dahil nag da-diet ako dahil malapit na ang prom night namin.

"Bat di mo sinabi sa akin na gusto mo ng gulay di sana pinakain nalang kita ng bermuda grass" sabi niyaa.

"Utot mo. Walang pakialamanan ah, kumain kana di yung kung ano-anong linya sa wattpad nanaman ang sinasabi mo" sabi ko sa kanya.

At agad niya naman sinunod ang sinabi ko.

Pagkatapus namin kumain ay pumunta kami sa kanila.
Legal kami kaya ayus lang sa family niya na andon ako.

"Ano gusto mo gawin natin?" tanong niya sa akin.

"Eut" biro kung sabi.

"Chouuurr" sabi ko sabay peace sign sa kanya.

"Wag kang mag biro ng ganyan baka totohanin ko. Baka maranasan mo kung paano gumalaw ang mala PS men" seryoso niyang sabi.

"Galaw lang? Paano yung size?" tanong ko sa kanya.

"9 inches din naman saakin kaya di kana malulugi" mapagmataas niyang sabi.

"HAHA utot mo. Ako pa lulukuhin mo. 4 inches lang ang natural size ng pinoy kaya wag mo akong ginagago. Siraulo" natatawa kong sabi.

Agad naman umasim ang mukha niya sa sinabi ko.

"Grabe ka naman. Wala ka bang tiwala sa jowa mo? Di man lang marunong sumoporta tsaka 6 inches ang sa akin. Ano masaya kana masaya kanaaa?" sabi niya na parang napikon na.

HAHAHA ang kyuut talaga.

"Aysuusss.. Lika nga dito" sabi ko sa kanya sabay yakap.

"Size doesn't matter as long as we're together " bulong ko sa taenga niya.

Agad naman siyang bumitiw sa pagyakap tapus tumalid sa akin.

"Aysus nahiya pa. Kinilig kaa?" tanong ko sa kanya.

Pilit kong tinitignan ang mukha niya pero tumatalikod siya sa akin. Halata sa mukha niya ang pamumula.

Parang bakla lang ih.

Ang sarap magkaroon ng jowang wattpader lalo na kung may jowa ka talaga. HAHAHA

Short Stories जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें