Not Enough

833 12 1
                                    

I really hate my Mother for making me feel that I'm not enough.

___

Patakbo akong umuuwi ngayun para ibalita kila mama na second ako sa ranking sa room namin.

"Maaaaa.." tawag ko sa kanya ng makapasok ako sa bahay. Nandon silang lahat. Si kuya, ate, si mama at si papa.

Agad kong pinakita ang card ko sa kanila

"Look ma oh.. Second ako sa ranking namin." agad naman kinuha ni mama sa akin ang card na hawak ko..

"Second?? Really Chloe? Yan lang ba ang kaya mo? Bat di ka gumaya dito sa mga kapatid mo. Always on top! Never naging second o ano pa man dyan" sabi ni mama.

"Ma hayaan niyo na si Chloe bata pa yan e. Tsaka malay mo next sem siya ang mag top" sabi ni ate.

"Malay ko?? Malay natin? Ang sabihin mo. Mahina talaga utak yan" sabay turo sa akin

"Na kahit anong turo mo sa kanya. Di man lang maintindihan ng maayos. You're a disgrace on this familyy!!" sigaw niya sa akin.

Agad naman akong tumakbo sa kwarto at umiyak.

I was really trying my best to be enough. Naiintindihan ko naman sila e. Mama graduated as Magma at ganun na rin si papa at yung mga kapatid ko.. They really are intelligent may magagandang trabaho. Kaya siguro ganito sila kahigpit sa akin basta pagdating sa pag-aaral ang pinag uusapan.

~~~~~~~~~~~~~~

"WHERE IS CHLOE??? WHERE IS THAR GIRLLL" isang araw umuwi si mama na galit na galit at tinatawag ang pangalan ko.

Agad naman akong lumabas sa kwarto para puntahan siya..

Bumaba ako sa hagdan ng nakita ko siyang paakyat palang kasama yung mga kapatid ko na parang nag aalala.
Nang makita niya ako ay agad siyang nagmadaling umakyat para puntahan ako.

PAKKKKK***

Para akong mabingi sa impact ng sampal sa sumalubong sa akin.

Agad naman akong napahawak sa pisnge ko dahil pakiramdam ko namanhid ito.

"YOU REALLY ARE A DISGRACE!!!!" sabi ni mama at hinawakan ang buhok ko ng mahigpit.

"NAGAWA MO PANG MAG BOYFRIEND KAHIT DI MO MAN LANG MAAYOS ANG SALITA MO" galit na galit niyang sabi

"Ma arayyy.. Ano baaa" naiiyak na ako sa sakit ng pag sabunot niya sa akin.

"DI MUNA AKO BINIGYAN NG KAHIHIYAN. BOYFRIEND PA NONG ANAK NG KASOSYU KO ANG NILANDI MONG BATA KA" sabi niya habang di parin niya binibitawan ang buhok ko.

"Maa tama na yan nasasaktan na si Chloe" sabi ni kuya

"TUMIGIL KA MIGUEL!! DAPAT LANG SA KANYA TO" sigaw ni mama sa kanya.

Bunaling sita sa akin
"ALAM MO BANG NAPAHIYA AKO SA KALANDIAN MO. MABUTI PA NGA YUNG ANAK NG KASOSYO KO AY MATALINO. SHE MANAGED HER OWN BUSINESS KAHIT WALANG SUPPORTA NG MAGULANG NIYA NAPALAGO NIYA ITO" sabi niya mama. Halatang gigil na gigil siyang saktan ako dahil yun ang nakikita ko sa mga mata niya

"Ikaw ba! Ano ang kaya mong ipagmalaki sa amin?? Yung lalaking yun? Huhhh yun baa??? Ano bang pagkukulang namin sayu Chloe???? Halos binigay na namin sayu lahat. Pinag aral kapa namin sa magandang eskwelahan pero bat ba di mo kayang mag tino" sabi ni mama. Sa wakas din ay binitawan niya na ang buhok ko

"Di ko naman kailangan ng mga binibigay niyo e. All i need is your love. Yung pag mamahal mo lang Ma!!! Yung pagmamahal na di nag aantay ng kapalit, kasi pagod na akong gawin yung mga gusto mo kapalit ng pagmamahal mo" sabi ko.. Halos ng hihina ang tuhod ko kaya humawak ako sa hagdan para makatayo ng maayos.

"Nung naging second ako sa ranking imbes na maging masaya ka sa akin e nagalit ka kasi sabi mo dapat FIRST!!! FIRST dapat akoooo. Yun dapat ang makuha ko. So i did, nag aral ako ng mabuti para lang sayu.. Parang lang maging proud ka sa akin.. Nung naging first ako akala ko matutuwa kana. Pero HINDI!!! Nagalit ka kasi kunti lang ang naging lamang ko sa second" tinignan ko sila kuya at nakabalatay sa mukha nila na nasasaktan sila para sa akin

"You always compare me to someone na di ko naman kilala. I'm so lost and broken at the same time.Yung boyfriend ko na sinasabi mo? Siya yung tumulong sa akin sa lahat. Siya yung naging sandigan ko nung mga panahon na kailangan kita. He love me the way that i wanted you to love me. Pero kung tutuosin ikaw lang naman ang gusto kung mahalin ako. Ma e. Ikaw lang" di kuna talaga mapigilang mapa hagulhol.

"Ma can you just love me unconditionally?? Pagod na akong manghingi ng pag mamahal mo. Pwede bang ibigay mo nalang ito ng kusa?? Yung wala kang hinihinging kapalit. Please Ma" sabi ko.. Di kuna nakayanan yung bigat ng pakiramdam ko kaya napa upo ako. Tinignan ko si mama may luhang lumabas sa mata niya.

"Mahal na mahal kita Ma. Alam moba yun. I tried to do the things that you want me to do. But Ma I'm not good in it. Pero pwede bang tanggapin mo nalang ako kahit na di ko kaya yung mga pinapagawa mo? Kahit na di ko kayu mapantayan nila kuya at ate? Please " sabi ko na nag mamaka awa

Lumapit si mama sa akin at lumuhod ito..

"I'm so sorry anak.. Di ko alam na naging selfish na pala ako sa mga pinapagawa ko sayu.. I'm really sorry for being a bad mother to all of you. Ang gusto ko lang naman na walang mang api sa inyu in the near future kaya ngayun palang tinuturuan kuna kayu sa mga dapat gawin.. I'm sorry anak" sabi ni mama habang yakap yakap ako..

"All i need is you to be proud of me. Kaya kahit sobra at imposible yung pinapagawa mo i really try my best para magawa lang ito para lang maging proud ka" sabi ko na umiiyak sa balikat niya.

"I'm proud of you. Hindi ko lang yun mapakita kasi i want you to see me as a tough mother" sabi niya at hinalikan ang ulo ko

Tinignan niya sila kuya at ate na parehong umiiyak din.

"Come" sabi ni mama.

Agad naman lumapit sila kuya at ate at sumali din sa yakap namin.

"I'm so sorry mga anak. I was a bad mother to all of you.. Ang iniisip ko lang naman ang magandang future niyo e. Di ko alam na sobrang higpit kuna pala sa inyu. I didn't realize na kinokontrol kuna pala buhay niyo. All i want is best for all of you. Gusto ko makahanap kayu ng magandang trabaho yung tipong di kayu aapihin dahil sa pinag aralan niyo, and also of course. I wanted to be proud as a mother kasi may mga anak akong successful.. Di ko tuloy na isip na sarili kuna ang naiisip ko.. Sorry mga anak" sabi niya mama at yinakap kami ng mahigpit.

Ang sarap pala ng ganito na nailabas mo lahat ng sama ng loob mo..

Short Stories Where stories live. Discover now