mine

1.5K 15 2
                                    

"Love ano nanaman tong nabalitaan ko na may kasama kayung babae kahapon?" andito nanaman siya di nanaman to titigil na hugasin ako.

"Kaibigan lang namin yun" mahinahong sabi ko sa kanya

"Kaibigan? Pero sabi ng kaibigan kung nakakita sa inyu grabe daw makayapos sayu! Ganun naba yung kaibigan huh, Josh!" hayss kahit kailan talaga.

"Babe wala nga yun okay, we're just friends" panunuyo ko sa kanya

"You know what, mag break nalang tayu Josh. Di naman to yung una e, naalala mo last month nag away tayu dahil din sa babae, naalala mo na ikaw mismo yung nangako sa akin na di ka mag papalapit sa ibang babae, di ko naman sinabing gawin mo yun pero ikaw mismo ang nangako diba, ikaw mismo!! Kaya itigil na natin to" sabi niya.

"Babe naman, okay lang na makipag away ka sa akin pero wag mo naman akong hiwalayan, this time gagawin kuna yung promise ko sayu hmm, wag mo lang akong iwan." sabi ko sa kanya pagkatapus ay niyakap siya.

At syempre di naman ako matitiis ni Freya hihihi.
Love niya ako e

Halos 2 years na kami ni Freya she was the girl who stay beside me in good and bad times, she never fail to make me fall everyday.

Pero napakaselosa niya! Ako kasi yung tipo ng lalaki na mas close sa babae kaysa sa lalaki di naman sa bakla o ano, ganun lang talaga ako pero may mga kaibigan naman akong lalaki kaso di ko nakakasama mashado kasi busy sila at ganun din ako, kaya nga babae kadalasan yung kasama ko kaya nga din laging nag seselos si Freya.

Nagrereklamo siya.
Sinasabi niya lagi na 'babe okay lang naman na kaclose mo sila basta distansya lang okay! Nasasantan ako e' yan lagi yung sinasabi niya pag nag seselos siya.

Kaya nangako ako na di na ako lalapit at makikipag close sa ibang babae.
At dahil dito mas lalong naging selosa si Freya.
-
"Uyy pre sa bahay ni John may party daw mamaya, birthday kasi ng kapatid niya,punta daw tayong lahat ng tropa" sabi niya.

"Sige pre sunod nalang ako sa inyu" sabi ko sa kanya

Ring ring*

Tinignan ko ang cp ko.

It was Freya calling.

"Hello babe" sagot ko ng telepono

"Babe busy kaba? Samahan mo naman ako mag shopping oh" sabi niya.

"Ahm sorry babe may gagawin kasi ako mamaya e" sabi ko sa kanya

'Sorry babe minsan lang kasi kami magiging buo ng tropa'

"Ayy ganun ba? Anu naman??" halata sa boses niya ang pang hihinayang

"Sa thesis namin babe" alam ko kasing di niya ako papayagan lalo na pag may inuman pero minsan lang kasi to e kaya kailangan kung pumunta minsan lang kami mabuo ng tropa.

"Hmm, sige babe naiintindihan ko. Pasensya na ahh." sabi niya.

"Nu kaba,okay lang babe. Sige na ahh Iloveyou " sabi ko sa kanya

"Opoo. Iloveyoumore"

Umuwi muna ako sa bahay at nag bihis.
Nang paalis na ako bigla akong tinawag ni mama

"Josh anak? San ka pupunta?" tanong ni mama

"Kila josh ma, may birthday kasi" sagot ko sa kanya at lumabas na.

Nang nasa bahay na ako nila josh di ko akalain na madami pala talagang bisita akala ko kasi kunti lang..

Agad naman nila akong inintertain at nag inuman kami.

Hanggang sa may babaeng tumabi sa akin. Pinabayaan ko lang..

Hanggang sa hinawakan ni yung binti ko.
Agad akong napatingin sa babae at ngumiti ito na parang nang aakit.

Medyo lumayo ako sa kanya pero lumapit pa ito at yumapos sa akin.

Agad namang nag sigawan ang mga barkada ko kaya tumingin ako sa kanila pagkatapus ay binalik ko yung tingin ko don sa babae.

Agad niya akong hinalikan at di na rin ako mashadong naka palag dahil sa kalasingan at napapikit nalang ako dahil sa hilo habang ang babae e patuloy lang akong hinahalikan

Hanggang sa biglang lumayo yung babae at bigla akong nakarinig ng tunog ng sampal.

Agad akong napadilat at don ko nakita si freya na nakatingin sa akin habang umiiyak.

Kaya biglang akong bumalik sa katinuan, tumakbo si freya at agad ko naman itong hinabol.

Nakalabas na siya ng pinto ng mahawakan ko ang kamay niya.

"Babe wait." sabi ko sa kanya kaya agad naman siyang tumigil at tumingin sa akin.

Pakk*

Agad akong napahawak sa pisngi ko kung saan niya ako sinampal.

"I'm done joshh, pagod na ako. Tigilan na natin to" sabi niya

"No!! No! No! Babe let me explain, yung nakita mo kanina di ako yung humalik sa kanya, ni hindi man lang ako tumugon babe, maniwala ka naman oh, please wag mo akong hiwalayan" sabi ko sabay halik ng kamay niya.

Agad niya naman itong binawi.

"Ito ba yung para sa thesis mo? Yung makipag inuman ka? Yung pag pestahan ng mga babae ang katawan mo? Pumunta ako sa bahay niyo para dalhan ka ng snack tas sinabi sa akin ng mommy mo na nandito ka, akala ko naman nag aaral kayu para sa thesis niyo pero tang*na joshhh babae yung pinag aaralan niyo!!" sigaw niya

"Babe it's not what you think it is okay!" sabi ko at sinubukang hawakan ang kamay niya pero nilayo niya to

"Then ano? Ito ba yung lalayo josh?? Na habang sinasabi mo sa akin na nilalayuan mo sila ay parang mas lalo kang napapalapit sa kanila! Ito ba yun huh?!" sigaw niya habang umiiyak

"Babe i'm really sorry kung di ako nagpaalam alam ko naman kasi na di ka papayag e" di ko na rin mapigilang umiyak.

"Di ako papayag kasi ayokong mangyari yung nangyayari ngayun.. Pero nangyari na e, i guess wala na akong magagawa" sabi niya habang pinupunasan yung luha niya " Joshh tigil na natin to huh, ayoko na kasi talaga.. Tama na yung tatlong beses."

"No!!babe please don't do this to me." pag mamakaawa ko

"Pinagod moko e.
Pinagod mo yung taong andyan lagi sayu.
Pinagod mo yung taong handa kang ipaglaban sa kahit na sino.
Pinagod mo yung taong pilit na iniintindi ka.
Pinagod mo yung taong mahal na mahal ka, kaya joshh please lang let's break up, ayoko na! Pagud na ako, kaya please lang talaga wag mo na akong pigilan this time hmm.. Hayaan mo na ako" sabi niya at iniwan ako.

Short Stories Where stories live. Discover now