birthday gift

1.8K 11 3
                                    

Jaime and i were childhood best friend..

Lagi akong present tuwing birthday niya at ganun dins siya.

Pero nag iba yun ng niligawan niya ako.
I was shocked at first kasi syempre magkaibigan kami at di ko iniecpect na ligawan niya ako.

Pinakita niya sa akin na seryoso siya.
At nakita ko naman talaga na mahal niya ako kaya sinagot ko siya..

Kami yung tipong mag jowa na parang barkada lang.
Pero bigla siyang nag bago.

"Woyy Jaime, pasyal pasyal tayu" sabi ko sa kanya habang siya'y nag lalaro.

"Busy ako bukas nalang" sagot niya.

Lagi nalang siyang busy simula non.

Di kona siya nakakasama mashado.

Pero since malapit na ang birthday ko iniisip ko nalang na baka prinaprank niya lang ako at baka gusto niya lang akong i surprise sa birthday ko.. Kaya kahit na miss kuna siya e tiniis ko nalang..

Until my birthday came.

Pinapunta niya ako sa park malapit sa bahay namin..

Agad akong nag bihis at nagmadaling pumunta don..

I was really excited kasi iniisip ko na baka don niya ako i susurprise.

Dumating na ako sa park at agad ko naman siyang nakita..

"Jaimeeeee!!!!" sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanya at agad ko naman siyang niyakap.
Humiwalay ako sa kanya pagkatapus.

"Imissyouuu, bat ngayun ka lang nag paramdam?"masayang tanong ko sa kanya.

"Let's break up" yan ang sagot niya na ikinagulat ko..

"Huhhh!? Bakitt?" naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

"I just realized that di na kita mahal, ilang araw ko din tong pinag isipan kaya di ako nag paramdam sayu ng ilang araw, kasi alam ko naman na di lang yung relasyon natin yung masisira kundi pati ang pagkakaibigan natin" tumalikod siya sakin
" I'm really sorry kung di ko kayang panindigan ang mga pangako ko sayu, ayoko lang na masaktan ka ng todo dahil sa mga ginagawa ko at isa pa ayoko din pilitin ang sarili ko na mahalin ka ulit kasi baka di ko magawa.." lumingon ulit siya sa akin

"iniisip ko lang kasi yung friendship natin na once na sabihin ko sayu to e baka di na natin mabalik sa dati yung pagkakaibigan natin pero ayaw naman kitang lokohin, sorry Tin" i can see how serious he was.

"Jaime naman, wag ka naman ganyan.. Prank mo lang to diba tas sasabihin mo biglang surprise Happy birthday sa akin" pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit sobrang sakit na nang nararamdaman ko sa loob.
Yung tipong di na ako makahinga ng maayos.

"Birthday mo!??" agad akong nanlumo sa tanong niya.
"Shettt Tin I'm sorry i forgot" sabi niya at hinilamos yung kamay niya sa mukha niya.

'So nakalimutan niya'

Di ko nanapigilan ang iyak ko at iniwan siya.

"Salamat sa regalo mo Jaime" mahina kung sabi pero alam ko namang tama lang yun para marinig niya.

Habang papalayo ako naririnig ko ang boses niya tinatawag ako pero dirediretso lang ako at di na siya nilingon.

And that's why i hate my birthday.

Short Stories Where stories live. Discover now