you change me

1.1K 12 1
                                    


Dumating si Thalia sa bahay.
"Babe, date naman tayu. Miss na kitang kasama lagi kana lang busy" sabi sa akin ni Thalia.

Girlfriend ko si Thalia for almost 1 year and half. Sanay narin naman ako sa presensiya niya lalo na ang pangungulit niya.
She's extra sweet. Yung tipong nakaka umay.

"Babe I'm busy. Next time nalang" sagot ko sa kanya.. Di ko alam sa sarili ko kung bakit parang gusto ko muna siyang iwasan. Siguro gusto ko muna ng space parang nakakasawa na kasi e.

"Busy nanaman? Lagi nalang ah. Wala kana ngang time sa akin, ano ba pinagkakabusihan mo?" sagot niyang may pag mamatol.

"Basta! Ano bang pake alam mo? Alam mo siguro dapat mag cool off muna tayu Lia. Nasasakal na ako sayu" di ko alam kung bat ko yun nasabi siguro dahil yun talaga ang nararamdaman ko.

Gusto ko sanang bawiin ang mga sinabi ko ng makita ko ang mukha niya.. Naawa ako bigla. Pero NO papanindigan koto

"Babe namn.. Wag kang mag joke ng ganyan di nakakatuwa" sagot niya habang pinipigilang di mapaluha

"Please Lia, i really need space right now" sabi ko sa kanya.
Ayokong tumingin sa mukha niya dahil alam ko naman na maaawa lang ako sa itsura niya.

Tumayo ako.
"Umuwi kana" sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko siyang tumayo at lumabas ng bahay.
Agad akong naka hinga ng maluwag.

___

Since that day di na pumunta si Thalia sa bahay. Pero nag tetext parin siya kung kumusta ako o kumain naba ako..

I slowly missing her.

"Uy Marcus, birthday ni Josh diba. May inuman daw para sa barkada. Pupunta kaba??" tanong ng isa kung barkada.

"Sige punta nalang ako" sagot ko dito.

Pumasok ako sa bahay para magbihis.

"Oh anak san ka pupunta? Dapit hapon na at nakabihis ka" sabi ni mama na nasa kusina.

"Ma punta lang ako kila josh birthday niya kasi e" sabi ko.

"Ah sige. Ingat ka.." sabi ni mama.

Agad akong pumunta kila josh.

Andon lahat ng barkada at may mga kasama itong babae.
"Uyy pare. Akala ko di kana dadating" sabi ni Josh

"Tsk, pwede ba naman yun" sabi niya

"Yan tayu e" sabi niya sabay nakipag apir sa akin

"Happy birthday nga pala" sabi ko
"Salamat tol" sabi niya.

Pumwesto kami sa garden nila kung kitang kita sa labas ang ginagawa namin sa loob. Sinimulan na rin namin ang inuman.

Pero may napansin ako sa isang babae na kasama namin ngayun..
Kanina niya pa ako tinititigan. Pero binabaliwala ko nalang..

Medyo lasing na ako ng mag aya sila ng laro
"Truth or Dare tayu" suggestion ng isang barkada

"Sigeee maganda yan" sagot ng iilan.

Ibang iba ang larong nilalaro namin sa nakasanayan.

Katulad nalang ngayun.
Nakaturo ang buti doon sa babaeng tumititig sa akin

"T or D?" tanong namin

"Dare" sagot niya habang naka tingin sa akin. Nahalata ata ng barkada na sa akin siya nakatingin kaya pinag katwayan kaming dalawa.

"Oh sige dahil parang gusto mo si Marcus bibigyan ka namin ng favor. Kiss him passionately " sabi ng isa sa barkada.

Agad naman nanlaki ang mata ko sa dare. Tumayo ang babae at lumapit sa akin.
Umupo ito sa hita ko.

Short Stories Where stories live. Discover now