5

7 0 0
                                    

Andrina

Wala na akong naabutan sa quad, tanging mga tindahan na lang ang nandoon. Ang kaninang pinag-pi-piyestahan ng mga tao sa stage ay wala na din.

Malamang pumasok na sa klase si Esther. Napabuntong hininga na lamang ako. Bahala na. Tinahak ko muli ang kanina kong dinaanan, ngayon tinatantiya ko kung saan ang mas maraming tao bago umakyat.  Lahat sila ay pa-kaliwa kaya kung saan sila ay doon din ako.

Ang sabi dito sa papel ko, ang aking unang paksa ay Purposive Communication at ito ay sa pangalawang palapag pangatlong pinto.

May walo na elevator sa ground floor, apat sa Hallway A at apat sa Hallway I. Ang kaninang pasilyo na pinuntahan ko ay A kaya ngayon ay nandito ako sa I. At katakot-takot na pila ang tumambad sa akin na puro nag-aantay ng sunod na  sakay.

Makapag-hagdan na nga, sa second floor lang naman ako.

Binalewala ko na ang pag-sakay sa elevator at dali-daling nag-lakad paakyat. Ala una y medya pa ang klase kaya halos isang oras pa ang bakanteng oras ang mayroon ako. Marami rin akong kasabay paakyat dahil halos ngayon lang magsisimula ang orientation ng bawat klase.

Mabuti na lamang ay malawak ang hagdan at hindi nag-kakasikipan. Sa ilang libo ba naman na estudyante ang mayroon dito mabuti at napag-ka-kasiya nila lahat.

Wala pang ilang minuto nakatayo na ako sa harap ng pinto. Bigla akong nakaramdam ng kaba, parang tinatambol ang aking dibdib. Ngayon ko lang 'to naramdaman muli, naninibago ako. Hinawakan ko ang seradura, pinagpapawisan ako ng malagkit. Parang gusto ko umatras bigla.

Paano kung mabigo sila Tiya at Esther, paano na aking ina? Paano kung hindi ko makayanan ang mga pag-aaralan? At mawala ako sa pagiging iskolar?

Napa-iling-iling ako sa aking naiisip. Heto na naman ako. Nandito na ako't lahat-lahat saka pa ako aatras? Tumikhim ako bago tuluyang pinihit ang hawakan ––– nang biglang may humawak din sa seradura kasama ang aking kamay kaya naman nasama ako sa pagbukas ng pinto.

Napatingin lahat sa akin ––sa amin–– ang mga tao sa loob. Doon ko lamang naisip tingnan ang kung sinong hudas 'yon. At kamuntikan pa akong mapasinghap, nang mamukhaan ito.

Yung lalaki sa pool kanina!

Nagawa din nitong lumingon sa gawi ko. Bahagyang nanlaki ang muli — mala pulot-pukyutang kulay nitong mata at bahagyang humugis bilog ang mga labi. Malamang ay namukhaan ako nito.

"Kaklase pala kita?" Tanong nito habang ako'y patuloy na nakatitig –– Uhmm...tingin rito.

Nagkunwari akong bingi at hindi ko siya narinig. Tuluyan na akong pumasok sa loob at naghanap ng mau-upuan. Nararamdaman ko ang pag-sunod na tingin nung lalaki sa akin. Sa bandang gitna ko napili umupo. Mabuti na dito hindi masyado matatawag, kesa sa likod.

Nanatiling nakatayo sa harap yung lalaki, at nanatiling pa ring nakatingin sa akin. May kailangan ba 'to kaya hindi maialis ang tingin? Hindi ko na siya pinansin, nahagip na lang ng aking paningin na umupo ito sa kaliwang banda ng silid. Halos magka-pantay lamang ang bilang ng babae sa lalaki. 

"Tobias! Dito!" Malakas na sambit ng medyo blonde ang buhok sabang tinatapik ang upuan katabi nito. Sinenyasan ito pabalik nung "Tobias" na manahimik.

"Ryker ang ingay mo!" Saway nung naka-yuko ang ulo na lalaki. Tumango-tango naman ang katabi nito sabay sabat. 

"Siguro nag-red carabao ka na naman bago pumasok ano?" 

Nagpatuloy ang grupo na 'yon sa pag-putak. Binaling ko na lang sa ibang pwesto ang tingin ko. Mukhang normal naman ang iba kong kaklase, bukod tangi ang apat na nasa i-isang hilera lang ang nangingibabaw sa loob.

Iidlip na muna ako sandali. Parang nandidilim ang paningin ko sa matinding kaba ko kanina.

Atsaka mukhang may kanya-kanya nang mundo ang iba. Napabuntong hininga ako. So far maayos naman ang lahat. Wala pa naman hindi pangkaraniwang ang nangyayari.

Yata?

UnwrappedWhere stories live. Discover now