4

5 0 0
                                    

Andrina

Unti-unti kong inusog ang one-way glass sliding door. May mga tao sa pool area, isang may ka-edarang lalaki na siguro ay tagasanay ng binatilyong naka-lusong pa sa tubig.

Mukhang pinapagalitan ang isang 'to. Maya-maya pa umalis na ang tagasanay at ang binatilyo na lang ang naiwan.

Wala pang ilang minuto umalis na din ang lalaki bitbit ang tuwalya. Sandali, bakit ba ako sumisilip? Baka may makakita sa akin at sabihin namboboso ako rito.

Tuluyan ko na binuksan ang glass at pumasok. Mukhang ito ang pinaka-paborito ko sa lahat. Lumapit ako sa unahang bahagi ng palanguyan at yumuko. Ang aliwalas ng disenyo at nakaka-ingganyo ang tubig.


Unti-unti nagbalik sa akin ang alala nang gabing 'yon.


Walang buhay na nakatitig ako sa ilog. Parang nakaka-anyaya ang itsura nito. Hindi ako makagalaw sa aking puwesto. Hindi ko maalis ang tingin ko rito.

Nagsimulang gumalaw ang aking mga paa. Sandali! Hindi naman ito ang pinunta ko dito, hindi ba? Unti-unti akong sumampa sa malamig na bakod.





"Hey..."

"Hey! Miss!"

Nagulat ako sa nagsalita, kaya napatayo ako bigla. Dahil sa bilis ng pangyayari hindi ko alam kung paano ako napunta sa mga bisig nito.

"Woah, there!" Bulalas nito marahil dahil din sa gulat.

Isang matangkad at may pag-ka-moreno ang nasa harapan ko. Hindi na siya naka-swimming trunks lang, bihis na bihis na 'to. Pero ang pina-litaw sa lahat ay ang mata nitong mala pulot-pukyutan. Sandali lamang ano ba itong pinagiisip ko.

"You're quiet jumpy, aren't you?" Bulalas nito sabay marahang tumawa habang naka-kapit pa rin sa aking beywang. May himig ng biro sa pagkasabi nito.

Nang matauhan sa kung ano ang itsura namin, pabalya akong bumitaw rito. Masiyado siyang malapit. Inayos ko ang aking sarili. Kamuntikan na akong mapa-paypay sa mukha. Bakit parang ang nag-i-init ang pisngi ko?

"Naliligaw ka ba? You're not supposed to be here. You're a freshman, no?" Bakit ang dami nitong tanong? Samantalang hindi pa nga ako nakakahuma mula sa kamuntikan ko na sanang pagligo sa tubig.

"Uh...uhm..." Nauutal ako sa nerbiyos. Nasaan na ba si Esther sa mga panahong kailangan ko siya?

"Sorry. Natakot ba kita? I can help you get your way back to the main building if you want?"

"H-hindi na, ayos lang. Salamat." Tinalikuran ko ito at tinungo ang daang pinasukan ko kanina.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo naramdaman ko na may sumusunod na sa akin.

"Let me at least help you on your way out here." Hindi naman halatang makulit ang isang 'to ano? Hinayaan ko na lang siya sa nais niya gawin. Tinotoo nga niya ang sabi niyang ihahatid ako hanggang sa labas ng gymnasium.

Naramdaman kong huminto na ito, habang ako ay nagpatuloy sa paglalakad.

"Ingat Ms. Jumpy!" Sigaw nito. Doon lamang ako napalingon rito. Nakita ko kung paano tumaas ang gilid ng mga labi nito, at nagawa pa niyang kumaway bago tuluyang nawala sa aking paningin.

Iiling-iling kong nilisan ang lugar na iyon atsaka tinahak ang daan pabalik sa unibersidad.

UnwrappedWhere stories live. Discover now