2

16 0 0
                                    

Andrina

"Bumitaw ka na Andie!"Sigaw ng isang banda sa aking isip. Kapag dinilat ko ang mga mata ko, sigurado mawawalan na ako ng lakas ng loob na gawin 'to.

Isa. Dalawa. Tatlo. Magbibilang na lang ako. Baka sakaling hindi ko maramdaman ang sakit kapag bumagsak ako sa tubig.

Siguro nga ito na talaga 'yon.






Tuluyan na akong bumitaw.






"An...."

"And..."

"Andie...." Nakaramdam ako ng kaunting yugyog. Unti-unti akong dumilat. Anong oras na ba?

"Tiya?" Inabutan ako nito ng tubig. Kinuha ko naman ito.

"Nananaginip ka na naman iha." Hinaplos nito ang noo ko. Mukha nga po tiya.

"Pinagpapawisan ka ng malamig. Anong oras ka umuwi kagabi?" Ininom ko ang tubig.

"Alas diez po nakauwi na ako." Bumangon na ako at nagligpit ng kama.

"Nakita ko sa lagayan mo ng gamot na hindi mo 'yon nabawasan." Sh**. Natampal ko ang noo ko. Dalawang gabi na akong ginagabi ng uwi, kaya dalawang beses ko na nahakbangan ang pag-inom ng gamot.

"Oo nga po Tiya, ngayon lang po ito kasi late ang schedule ko."

"Huwag ka masyado magpaka-pagod ha? Baka kasi..."

"Opo. Hindi na mauulit." Nararamdaman ko ang pagtitig ni Tiya. Mukhang hindi siya kumbinsido. Naiintindihan ko naman na nag-aalala siya para sa akin. Nilingon ko ito.

"Naka-alis na po ba si Esther?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Nandoon na siya sa baba nag-aagahan. Hindi ba kayo sabay na papasok? Halika na aantayin ka namin." Tango na lamang ang itinugon ko habang abala sa pagliligpit. Nang tuluyan na siyang makalabas doon lamang ako napasalampak sa pag-upo sa kama.

Magta-tatlong taon na simula nang insidenteng 'yon. Hindi ko akalain na napapanaginipan ko pa rin hanggang ngayon.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo. Mukhang kailangan ko na ulit mag-punta sa hospital.




Tanging kalampag ng mga kutsara't tinidor ang sumalubong sa akin pag pasok ko ng komedor.

"Andie! Muntik ka na malate, hindi ka ba excited na pumasok?" Bati ni Esther habang punong-puno ang bibig ng pagkain.

Excited? Kailan ko ba huling naramdaman 'yon?

"Hindi masiyado. Wala naman bago sa unang araw ng pasukan. masyadong gagawin." Umupo na ako at kumuha ng gusto ko kainin dalawang longganisa, isang itlog at tapa. Tipikal na agahan ko.

"Mama, eto na naman si Andrina. Pagsabihan mo nga na bawas-bawasan ang pagiging nega."  sumbong ng aking pinsan kay Tiya na nasa kabilang upuan lang.

Tumawa na lamang si Tiya sa maagang misa ni Aling Esther. Tanging boses lamang ni Esther ang nangingibabaw sa hapag, pulos pagkain ang iniisip kahit lumalapa pa siya.

Nang matapos ang agahan nagkanya kanyang hugas kami at nag-pasiyang lumakad na.

Mula dito sa Blu Coast na isang subdivision sa Alfonso, kailangan lang namin mag-tricycle papuntang Unibersidad de San Miguel. Pero maglalakad muna kami palabas ng subdibisyon.

"Andie sa layo ng lalakarin natin magugutom na naman ako! Nag-baon ka ba kahit biscuit?" Iling ang isinagot ko habang kipkip ang dala kong backpack na walang ibang laman kundi isang manipis na notebook.

"Kakain mo lang Esther pagkain na naman ba? Bumili ka na lang sa Cafeteria mamaya pagdating. " Inakbayan ako nito.

"Alam mo insan, mas mabuti na 'yon kesa sa boypren sa ganon mas mabubusog pa nga ako eh, diba?" Winaksi ko ang pagkaka-akbay nito atsaka inirapan ito.

"Ang bata mo pa Esther para sa relasyon. Kakatungtong lang natin ng kolehiyo, boypren agad nasa isip mo!"

"Ang aga-aga ang nega mo teh! Biro lang 'yon! As in joke! Hindi uso sayo yung joke? Bilisan na nga natin baka mahuli tayo sa assembly."

Hinayaan ko na lang na kaladkarin ako nito hanggang sa gate ng subdivision. Mas mabuti pa nga.

UnwrappedWhere stories live. Discover now