3

4 0 0
                                    

Andrina

"Heto po ang bayad." Bumaba na kami ni Esther sa tricycle.

Tumambad sa amin ang mala-rehas na gate ng Unibersidad. Dumaan kami sa security check bago tuluyan nakapasok. Lahat ay halos naka-Bughaw na damit pang-itaas dahil ito ang pinakakulay nila.

Ang daming tao, nakakalula kung sabagay ang unibersidad na ito ang pinakakilala sa buong Alfonso. Kung saan dinadayo pa ito ng mga taga sentro para lang makapagaral dito.

Karamihan sa mga nagaaral dito ay may kaya at mayaman, ayon lamang ang dalawang basehan kasama na doon ang aking pinsan.

Samantalang ako, sinuwerte pa sa pag-apply bilang Iskolar.  Gusto sana ng aking Tiyo at Tiya na sila na ang mag-paaral sa akin pero tinanggihan ko ito. Nakakahiya at malaking abala sa kanila 'yon para sa akin kahit na bukal sa loob nila ang paggawa noon.

Sa pamamagitan na lamang ng pagtulong sa gawaing bahay at pagbigay kahit kaunting halaga ay tinatanggihan pa nga nila. Buntong hininga akong nakatingin sa malawak na espasyo.

"Andie, panlima mo na atang buntong hininga 'yan. Ano ba iniisip mo?"

"Wala naman. Nalulula lang ako sa dami ng tao."

"Hayaan mo na ang mga tao. Halika doon tayo sa may upuan. Mukhang may magtutugtog na banda ngayon." Hinayaan ko na lang na tangayin ako ni Esther. Mapapagod lang ako makipag-bangayan sa kanya.

Nang makaupo sa bleachers, tumutok na lamang ang kasama ko sa pagtipa ng selpon. Inabala ko na lang ang sarili sa bawat taong dumadaan. Baka sakaling maaliw pa ako.

"Dinig ko inarkila ng UDSM ang Pen and Pen!" kwento ng mga tao sa unahan. Hindi ko ugali ang makinig sa ibang usapan, pero kasi malakas ang boses nila.

"Talaga ba?! Yung kumanta ng paborito kong Paglingon?!" impit na tumili ang mga ito.

Pen and Pen? Paglingon? Ano 'yon?

Wala kasi akong selpon kaya wala akong alam sa kung ano ang usap-usapan ngayon. Tanging sa telebisyon lamang ako bumabase.

Mukhang hindi ako nababagay dito hindi ako makasunod sa usapan. Tsaka naging bato na ang kasama ko, mukhang nakalimutan ako. Panigurado busy na naman kaka-wherepad.

"Esther, diyan ka lang ha. Maghahanap ako ng banyo." doon lamang natuon sa akin ang atensyon nito.

"Ha? Samahan na kita..."

"Hindi na ayos lang, kaya ko naman. Basta diyan ka lang." Kunot noo itong nakatingin.

"Sige, pero bumalik ka agad ha? O 'di kaya dito na tayo magkita mamayang uwian kapag hindi na tayo nag-kaabutan." Tumango ako rito at naglakad patungong hallway.

Diniretso ko ang daan pagdating sa dulo may pakaliwa at pakanan. Lintek, wala bang pananda kung saan ang banyo dito?

Gusto ko sana magtanong pero wala masyadong tao ang dumadaan sa gawing ito. Marahil nandoon sila lahat sa Quad. Pumihit na lamang ako pa-kanan. Bahala na nga alam ko naman saan kami magkikita ni Esther.

May pintuan ng marating ko ang dulo ng espasyo. Baka eto na yung banyo. Binuksan ko ito pero tanging malawak na football field ang tumambad sa akin.

Wow. Bakit kasi hindi ako sumama sa paglibot ng eskwelehan na 'to pagkatapos namin mag-entrance exam. Ngayon ay eto't naliligaw na ako.

Sulitin ko na lang nga itong pagkakataon, makalibot na lang habang hindi pa nagsisimula ang klase.

Tuluyan akong lumabas mula sa building. May mga ilang manlalaro akong nakikita. Mukhang nag-e-ensayo sila. Ang dinig ko magagaling ang mga estudyante nila dito pagdating sa mga palaro. Taon-taon inilalaban sila sa "Palarong Bayan" sa sentro.

Napahinto ako ng may tumigil na bola sa aking harap. Yumuko ako para pulutin 'to. Humahangos naman na lumapit sa akin ang isa nilang miyembro.

"May I have the ball?" ilang dipa lang ang layo nito sa akin, kaya naman hinagis ko na ito sa kanya.

"Nice throw!" Nag-thumbs up pa ito bago tumakbo pabalik sa gitna ng field. Weird, binato ko lang naman yung bola? Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad sa gawing kanan ang football habang sa kaliwa naman ang track and field. Nakakalula sa laki ang bahagi na ito, marami ding nage-ensayo na runner dito na karamihan ay puro babae.

Narating ko ang isa pang building na puro bughaw at puti ang kulay na may malaking ukit na sulat na "GYMNASIUM". Pumasok ako sa loob nito. Walang katao-tao sa basketball court, wala kahit ni isang varsity ang nandito.


Naagaw ang aking atensyon nang may pumito. Nilampasan ko na ang court at tinawid ang isang connecting door.

UnwrappedWhere stories live. Discover now