1

10 0 0
                                    

Andrina

Ang lakas ng ulan, tila ba wala itong balak na tumila. Kanina pa ako nag-lalakad pero parang hindi man lang nakakaramdam ng pagod itong mga paa na 'to.

Saan nga ba ulit ako papunta?

Ahh, hindi ko na alam pero ang gusto ko lang lumayo — ang makalayo sa lugar na ito.

Bagsak ang balikat at nakayuko lamang akong naglalakad. Bakit ba sa dinami-dami ng araw ngayon pa umulan? Pebrero pa lang naman. Mukhang nakikisama yata ang panahon sa akin.

Mukhang ako na yata ang sumalo ng lahat ng kamalasan. Ako lang siguro ang bukod-tanging gising nang nag-paulan ang mga Diwata noon.

Tumingala ako at dinadamdam ang malalaking patak ng ulan sa aking mukha. Bakit? Tanong ko sa kawalan.

Nabalik ako sa ulirat ng makarinig ng malakas na agos ng tubig. Tubig? Saan na ba ako nakarating? Lumakad ako kaunti at hinarap ang barandilya.

Hindi masyado nasisinagan ng ilaw ang parteng ito. Pero naaninag ko ang lakas ng daloy ng tubig. Sa sobrang lakas nito ay panigurado walang buhay ang makakalusot dito.

Walang buhay na nakatitig ako sa ilog. Parang nakaka-anyaya ang itsura nito. Hindi ako makagalaw sa aking puwesto. Hindi ko maalis ang tingin ko rito.

Nagsimulang gumalaw ang aking mga paa. Sandali! Hindi naman ito ang pinunta ko dito, hindi ba? Unti-unti akong sumampa sa malamig na bakod.

Hindi dapat ganito. Mali ito. Wala ito sa isip ko.

Tuluyan ko nang naisampa ang isa kong paa. Ayaw sumunod ng katawan ko sa gusto ng isip ko. Hindi na talaga ito tama!

Patuloy lamang akong nakatitig sa kawalan. Lalo pa lumakas ang ulan mas lalo lang nakadagdag sa lamig na kanina ko pa dinadamdam. Mukhang ayaw akong pahirapan ng kalikasan.

Hinga muna ng malalim. Unti-unti akong pumikit.

Tulong!

UnwrappedWhere stories live. Discover now