16

238K 6.2K 1.5K
                                    

Chylee POV

Pababa ako ng salas bitbit ang jersey na galing kay Miko. Binigay nya sa'ken 'to kahapon eh. Hindi naman yata para sa'ken.

"Yo, Ate!" Bati ni Renzo.

Nasa salas ang triplets. Kanya-kanya sila ng ginagawa. Kailangan ko pa bang sabihin isa-isa? Obviously, si Enzo kinakausap ang bilog na pakwan habang kalong kalong nya 'yun. Baliw na yata ang kapatid ko. Si Kenzo, naglalaro ng XBOX. At si Renzo? Hulaan nyo. Ayan, pagkatapos akong batiin, deadma na ulit. Pose ng pose sa harap ng phone niya. Retrica yata gamit. Nine shots. Haha!

"Busy kayo ah!" Sabi ko.

Nakuha ko naman ang atensyon nila. Naupo ako sa couch. Nakatingin silang tatlo sa'ken.

"Ano 'yang hawak mo Ate?" Tanong ni Enzo.

"Baka pakwan ang hawak nya, Enzo. Tch. Nakita mo ng damit oh!" Sabi ni Renzo.

Lakas talaga mambara ng mga 'to eh. Manang-mana sa pinagmanahan. He-he! Parang 'di ko naman matandaan na nambabara ako nung bata ako? Hmm.

"Alam kong damit! Tch. Jersey 'yan ng SWU Tigers 'diba?" Tanong ni Enzo.

Nakuha ang atensyon ni Kenzo kaya tumayo sya at lumapit sa'ken. Kinuha nya ang jersey. Ibinuka nya iyon at tinaas para makita ang print.

"Misis Abellano. Aba matinde. Galing kay Kuya Miko?" Basa nya.

Teka lang, anong pagkakabasa nya? Misis Abellano? Wait. Inagaw ko sa kanya ang jersey at tinitigan ang likod noon.

MRS ABELLANO

          25

"Anong basa mo dyan?" Tanong ko kay Kenzo.

Dumikit na rin sa'men sina Enzo at Renzo para tingnan ang jersey.

"Misis Abellano, 25." Sagot nya.

"Misis?! Paanong misis yan? MRS yan! Initial yan! Isasauli ko 'yan kay Miko. Baka nagkamali sya ng bigay. Hindi naman MRS initial ko eh!" Sabi ko.

Nagkamot ng ulo si Renzo. "Parang loading, Ate ah."

"Ha?!"

"Ayun oh! Turtle, lumilipad!" Sigaw naman ni Enzo.

"Ha?!"

"May virus 'yan, nagha-hang eh." Sabi naman ni Kenzo.

"Ha?! Teka nga, ano bang sinasabi nyong tatlo?" Tanong ko.

Sabay-sabay silang tumingin sa'ken. Mga naka-poker face pa. Jusko! Magkakamukha pa.

"ANG SLOW MO ATE!" Sabay sabay na sigaw nila.

"Ba't ako naging slow?" Tanong ko.

Napakamot ulit ng ulo si Renzo. "Kita mo na, kita mo na, Ate! Loading talaga, Ate."

"Tch. Akala mo initial ang MRS, Ate?" Tanong ni Kenzo. Tumango ako. "Sa US ka naka-graduate, Ate tapos simpleng MRS lang 'di mo pa mabasa."

Oo nga 'no. MRS. Pag binasa sya..

O_____O

"Misis?!" Napasigaw ako.

"Ayun! Nakuha din!"

"Di na slow!"

"Tanggal virus! Di na nagha-hang!"

Etong tatlong 'to laging may side comments eh. So misis abellano 'to?!

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon