35

108K 2.9K 902
                                    

Chylee POV

Ilang gabi akong nagmukmok. Pinag-isipan kong mabuti ang desisyong gagawin ko. Ayokong maging selfish, ayoko na ring masaktan.

"Mom." Umupo ako sa kitchen stool. Nagluluto kasi si Mom ng lunch namin. Sunday ngayon, at family day.

Ngumiti siya sa akin. The best mother on earth. "Yes, anak?"

"Can I ask you a question?" Tanong ko.

She turned off the stove then sit at the stool beside me. "Of course, anak. Ano 'yon? Hindi mo na kailangang tanungin kung pwede kang magtanong. You can talk to me anytime. I'm your mother. And you're still my baby girl."

"Mom, dalaga na ako."

"Talaga? Hindi na megaphone ang boses?" She's teasing me. And I love this side of her.

"Mom naman, e."

Ginulo niya ang buhok ko. "Dalaga na nga ang anak ko. Anong itatanong mo?"

"Kasi po..."

"Is it about love?"

I gulped. She knew it. "Mom.."

"It's fine. Go on, tell me."

I bit my lower lip. "I want to ask you something, Mom. What if you love the first guy. But he's so rude and he hurt you before that's why you're trying to avoid him now even he told you that he loves you too. Then, there's this second guy who's always there for you. He's like a friend but he loves you not as a friend, but as a woman? Sino po sa tingin niyo ang dapat kong piliin?"

Saglit na namayani ang katahimikan. "I remember my teenage days. When your dad is kind'a irritating. He hurt me before but we love each other. But on the other side, nasa tabi ko lang din lagi si Tito Adrian mo. Like a friend, yes. But he fell for me. He love me as a woman and not as a friend. It's hard to choose. 'Yung mahal mo, o mahal ka. Yung nanakit sa 'yo, o 'yung never kang sinaktan. But this is love, anak. Hindi naman porke nasaktan ka, katapusan na ng mundo, na parang ikaw lang ang nasasaktan. Hindi porke nasaktan ka, wala ng karapatan ang taong nanakit sa 'yo na bumawi. Isa pa, hindi mo naman malalaman na nagmamahal ka na talaga kung hindi ka nasaktan."

Open naman sa amin sina Mom. And I know her love story.

"Si Adrian, kahit alam kong nariyan sya lagi para sa akin, na kahit alam kong hindi niya ako sasaktan tulad ng ginawa ng Dad mo before, hindi ko siya pinili. Hindi ko siya hinayaang mas mahulog sa akin lalo't alam kong simula't sapul, ang Dad niyo na ang laman ng puso ko. Hindi naman tama na porke andyan si Tito Adrian mo para sa akin ay siya na ang pipiliin ko at siya na ang deserving. Kase unfair iyon. Parang ginagawa mo lang siyang panakip butas. At para 'yung playing safe. You're choosing the safest place--in him dahil natatakot ka ng masaktan ulit. Pero may kasiguraduhan ka ba na hindi ka rin niya sasaktan? Wala 'di ba? Kaya kung ako ang tatanungin? I'd still choose the man I love kahit ilang beses pa niya akong nasaktan. Kasi nga kahit aminin natin o hindi, 'yung mga taong dahilan kung bakit tayo nasasaktan, sila din ang madalas na nakakapagpasaya sa atin. Nasa kanila 'yung happiness na hinahanap mo kasi nga mahal mo. Tandaan mo na, hindi mawawala ang pain sa love. Lagi 'yang magkakabit."

Tama si Mom. Tama siya. "Pero Mom... Paano kung willing naman ako na mahalin siya?"

"Si second guy?"

Tumango ako.

"Hmm, willing ka ba talaga? O pilit mo lang iniiwasan si first guy? Wait, who's that boys? Is it Phoenix? Miko?"

Bahagya akong tumango. "Mom, I like Phoenix. I'm happy with him and I'm always thankful to him because he's always here beside me when I need him."

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon