43

107K 2.8K 918
                                    

Chapter 43.

Chylee POV

Kinusot ko ng dalawang beses ang mga mata ko pero gano'n pa rin ang nakikita ko sa screen ng phone ko. Kababalik ko lamang dito sa kwarto ko pagkatapos naming mag-breakfast ng sabay sabay. Nakauwi na sina Mom and Dad galing Paris.

Message lang naman galing kay Miko ang kanina ko pa tinititigan.

Hera, let's meet.

Simple lang 'yung laman ng message pero ayaw mag-sink-in sa utak ko. Nagtext ba talaga siya? Bakit? Saka, anong rason?

I gulped. Hindi ko alam kung anong isasagot ko pero wala sa isip ko na hindi siya paunlakan. Kapag naaalala ko ang mga advice ng nanay ko, naiisip ko na parang ang sama sama ko na hindi bigyan ng real chance si Miko.

"Ate!" Nakarinig ako ng sigaw kasunod ang pagkatok sa pinto. Linggo ngayon. Kapag linggo, hindi ako pumapasok sa fastfood.

Bumangon ako mula sa kama saka pinagbuksan ang kumakatok.

Nakasimangot na mukha ni Kenzo ang bumungad sa akin. "Yes, Kenzo?"

"You have visitor. Tch."

"E, bakit nakasimangot ka?"

"Nothing. Tch. Babain mo na bisita mo, Ate. Bago ko pa 'yun paalisin."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Bakit? Sino ba 'yon?"

"Kuya Miko. Tch."

Dug, dug..

Si Miko? Bakit siya pumunta dito? Kaka-text niya lang kanina, ah. Let's meet daw. Pupunta lang din naman pala siya dito sa bahay.

"Ate, bababa ka ba o paaalisin ko?"

Ginulo ko ang buhok ni Kenzo. "Bababa na po." Napakasungit talaga ng batang, 'to.

"Ate! Ate! Bumaba ka! Si Kuya Miko andiyan!" Humahangos na sigaw ni Enzo. "May dala siyang pakwan. Hehe."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Seriously, Enzo?"

Nagkamot siya ng ulo. "Hindi naman kay Kuya Miko galing, e. Pinabigay daw ni Reiko bilang pasasalamat sa paghahatid namin sa kaniya no'ng isang beses. Noong nagpasukat kami ng uniform. Siya kasi ang muse namin."

"Tch. Ikaw ang pinadalhan ng pakwan. Samantalang ako ang nagpasakay sa kanya sa kotse natin. Unfair." Sabi ni Kenzo. "Baba ka na, Ate." Pahabol niya saka tuluyan ng umalis.

Tiningnan ko ng masama si Enzo. "Tuwang tuwa ka naman, may pakwan ka?"

"Hindi lang natuwa, Ate. Pakiramdam ko, nakita ko ang forever ko."

Nag-pokerface ako. "Talk to yourself, Enzo." Sabi ko nalang at nilampasan na siya.

Kahit kailan talaga, weird. Pakwan talaga. Hay, naku.

Speaking of Miko. Baka naman pumunta lang siya dito kasi nga nagdala ng pakwan?

Pagbaba ko ay nakita ko agad si Miko. Kausap siya ni Skyler. Bakit biglang kumabog ang dibdib ko? Ngayon ko lang yata ulit sila nakitang nagkausap ng solo. Galit na galit pa naman nuon si Sky kay Miko.

"S-Sky.."

"Hera. I have no idea that this kiddo is welcome here."

I bit my loiwer lip. "Sky naman..."

"I want to punch him now, Hera."

Kinabahan ako bigla. "Skyler." Hinawakan ko siya sa braso niya. Kasi baka bigla niyang suntukin si Miko.

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon