3

360K 7.5K 2.5K
                                    

Chylee POV

"Yan kasi. Shopping pala ha? Oo nga naman! Shopping ng luha. Ayan oh. Baha na, pwedeng pwede ng pakyawin ng customers."

Ang napaka-pranka kong bestfriend, malapit ko ng lunurin sa luha ko. Sa hindi ko mapigilan na maiyak eh. Pakiramdam ko kasi, ito na 'yung mga luha na hindi ko nailalabas mula pagkabata, mula sa una, pangalawa, pangatlo, pang-apat and so on..na rejection mula sa kanya. 

Wala akong idea sa kung anong meron kina Miko at Riana pero nasaktan talaga ako. Matatanggap ko pa 'yung, ay si Riana pinasakay sa kotse nila, ako hindi. Pero yung makikita ko 'yung genuine smile niya towards Riana, parang may higanteng thumbtacks na nag-landing sa puso ko. Sapul na sapul! Kirot eh. 

Ako? Mula pagkabata, puro pagsusungit lang ang pinapakita sa'ken ni Miko. Never niya ako nginitian ng ngiti na tulad ng pinakita niya kay Riana. Siguro nangitian na niya ako ng ilang beses, kapag may okasyon. Pero alam mo at makikita mong fake smile lang yon, just for the sake of the visitors at kung sinu-sino pa. 

Kaya nga nang makaalis sila, tinatagan ko ang sarili ko pero masakit talaga! Nagyaya akong mag-shopping kay Shan. Pero pagdating namin dito sa mall. Dumiretso lang kami dito sa quantum at nagkulong sa videoke room and here, dito ako nag-iiyak. 

"Chy, tama na. He's not worth of your precious tears."

"Kasi..kasi mahal ko talaga siya. He's the man of my dreams. He's the perfect guy for me and he's the guy, my heart chose to fall in love with." Umiiyak na sabi ko. Kanina pa ako humihikbi. Hindi ko pa kayang itigil sa ngayon, basta gusto ko lang mailabas ang sakit. 

Hinahagod ni Shan ang likod ko. Thankful ako na may bestfriend akong kahit harap-harapang pinapamukha sa'ken na katangahan na ang ginagawa kong paghahabol kay Miko, she's still here beside me when I needed her most. 

"You know what, Chy? You can't stop loving someone. But if they're bad for you, then you need to leave them and love them from a distance."

From a distance? Hindi ko yata kaya. Gusto ko nga 'yung pilit akong lumalapit sa kanya kahit ayaw niya. Pero may point naman si Shan. 

"Shan, ang sakit talaga eh..I want to stop crying but, it really really hurts. Dito oh! Dito sa puso ko..parang may thumbtacks na nakabaon na tanging si Miko lang ang makakatanggal para mawala na 'yung sakit.." Napahagulhol na naman ako. Kaya ko pa ba? May iluluha pa ba kaya ako?

Bakit ba sa tinagal-tagal na pagre-reject niya sa'ken, ngayon ko lang naramdaman na sobrang sakit pala? Masyado na yata akong nagpaka-manhid para sa pagmamahal ko sa kanya kaya kahit nare-reject niya ako dati, parang balewala lang saken. 

"Alam mo, tumahan ka na and cheer up. Umuwi na tayo. Baka naiinip na sa school ang driver nyo. Call him and sabihin mong nandito ka sa mall para masundo ka na." Sabi ni Shan. 

I wipe my tears. Sampung roll yata ng tissue ang naubos ko. Pero sa isip ko lang yon dahil wala naman akong tissue. Panyo lang. Panyong may nakaburdang pangalan. 

ChyKo

Ayan ang nakaburda. Ipinaburda ko siya nung mag-highschool ako. Nakita nga 'to ni Mommy pero natawa nalang siya sa'ken. Si Daddy at Sky, hindi nakikita 'to kasi 'pag nagkataon, lagot ako. Masyado kasi silang protective sa'ken. Iniisip siguro nila na ang lagi kong pagko-confess kay Miko, is like a childish act lang. Pero it's real. True feelings. 

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon