10

291K 6.5K 1.3K
                                    

Chylee POV

"Ano ba 'yung iku-kwento mo sa'ken, Shan?"

Umayos ako ng pagkakaupo sa kama ko. Nakaupo rin dito si Shanice. Dito kase siya tutulog ngayong gabi.

"Ah, about sa'ken, Chy." Sagot niya. She looks uneasy. Parang mukha siyang kinakabahan. Parang nadudumi, ganon.

Kakatapos ko nga lang pala maligo at magpalit ng pantulog. Ganon din si Shanice. May dala naman siyang spare clothes eh.

"Anong about sa'yo, Shan? Kwento mo na dali. Pa-intense naman!" Naiinip na ako. May itatanong pa kase ako sa kanya. Yung tungkol sa kanila ng ka-kambal ko.

Umayos siya ng upo at huminga ng malalim. "K-kami ni Skyler.."

"OMG! Kayo ni Sky? Boyfriend mo siya? Girlfriend ka nya? Paanong nangyari 'yun?" Gulat na gulat na tanong ko.

"Easy, Chy. Mali ka ng pagkakaintindi. Hindi kami. Hindi niya ako girlfriend at hindi ko siya boyfriend."

Kumunot ang noo ko. "Then what? Anong kayo? Anong meron sa inyo? Kase sa totoo lang, Shan. Napapansin ko talaga eh. I smell something horsey.."

"Chy. We're good friends. But, I'm inlove with your twin brother."

Loading..

"You're. Inlove. With. Sky?" Slow-motion kong tanong.

Tumango siya. "Since the day na naging mag-bestfriends tayo."

Lalong kumunot ang noo ko. "Wait, ang gulo Shanice. Paano 'yun? I mean, ako naman ang lagi mong kasama eh. Paanong na-inlove ka kay Sky?"

"Sa gabi madalas akong tumatambay sa bar malapit dito sa SWU. Dun ko unang nakilala si Sky. And there after that, every nandon siya, we talked, we drink, we..you know, we make out. Kahit nung nasa US kayo, nagkikita kami minsan. Nagbo-bonding.."

Naitakip ko ang palad ko sa bibig ko. Make out? Sila ni Sky? Parang 'di ako makapaniwala. "Paanong..ang gulo. Ang gulo, Shan."

"Chy. Siguro martir na ako pero mahal ko si Sky. Kahit alam kong si Riana ang mahal niya, okay lang saken. Basta we'll stick to each other as friends. Kahit..kahit we kissed, we hug, we.."

Lalong nanlaki ang mata ko. "Don't tell me.."

Tumango siya na parang na-gets niya yung sinasabi ko. "Yes Chy. Kung anuman ang iniisip mo, tama ka."

"What? No..bakit? Hindi eh! Hindi ka ganon, Shan!"

"Akala mo lang hindi, Chy pero ganon ako. Nagpapaka-martir ako kay Skyler."

Hindi ko napigilang maggilid ang luha ko. "Shan, ilang beses mong pinamukha sa'ken na mali na nagpaka-martir ako kay Miko tapos ikaw.."

"Sorry, Chy. Pero totoo nga yata ang kasabihang, ang taong magaling mag-advise, pagdating sa sarili, nganga na. Masarap mahalin si Sky. Hindi niya ako tinataboy Chy. He's been good to me."

Huminga ako ng malalim. Parang hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang sinabi ni Shanice. "Shan, no. Totoo talaga? Totoo bang may nangyari na sa inyo ni Sky? Nag-chukchakan na kayo?"

Ngumisi siya. "God, Chy! Drama na natin oh tapos bigla kang magpapatawa. Chukchakan ka dyan! San mo napulot ang word na 'yan? Psh. Sabi ko nga, oo."

Psh. Narinig ko lang 'yun sa katulong namin nung nagtsi-tsismisan sila ng isang katulong. "Pero Shan.."

"Chylee.."

Childish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon