Chapter 32

783 13 1
                                    


Unti-unting nag lakbay ang kamay ko papunta sa aking bibig. Para akong na-estatwa sa mga oras na 'to. Hindi ko alam... hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pinipigilan kong marinig nila yung bawat hikbi ko. Itinatago ko ang pag iyak ko habang kaya ko, dahil hindi ko alam ang gagawin ko sa oras na mag tagpo ang mga mata namin.

Bakit?

Ang saya... ang saya nila, nag hihiyawan habang sina Ricci at Elise ay nag hahalikan. Sobrang sakit, ang sakit sakit. Pero bakit? Bakit hanggang ngayon ay hindi ko paring magawang iwanan sila. Hindi ko rin maatim na tanungin at kwentyunin sila sa utak ko.

Paano nila nagagawa 'yun? 'Yung makita at suportahan yung kaibigan nila na makipag halikan sa ibang babae? Hindi ba nila naisip na may kasintahang tao yung kaibigan nila? Paano nila nagagawa 'yun? Bakit?

Naging kaibigan din naman nila ako, diba?

Nararamadaman ko ang unti-unting pagkawasak ng puso ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko pa nakakayanang tignan silang dalawa. Hindi ko alam kung paano pa kinakaya ng sistema ko na tanggapin lahat ng nangyayari at nakikita ko ngayon.

Unti-unti akong winawasak ni Ricci. Hindi ko maiwasan na mapaisip at  maitanong sa sarili kung hindi ba ako naging sapat. Hindi sapat sa lahat ng aspetong puwede mong mabanggit. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya sakin 'to. Akala ko all this time, ako lang. Na... ako lang yung mahal niya. Kasi, diba?

He made a promise.

Nung natapos na silang mag halikan, kasabay nito ang pag pahid ko sa mga luha ko. Tama na, Hailey... you don't deserve this. Sa hindi ko masabing dahilan ay biglang napadako ang tingin sakin ni Ricci. Nang mag tama ang mga tingin namin, wala akong ibang naramdaman kundi galit. Nagagalit ako, nagagalit ako sa sarili ko. Bakit? Dahil hinayaan ko siya na gawin sa akin ito. Bakas sa mukha niya ang pag kagulat. Napatawa ako ng mahina, Gulat? Wala kang karapatan na magulat dahil sa mga pinag gagagawa mo ngayon.

Hindi na ako nag aksaya ng panahon at agad na tumakbo papalayo sa kanila. Dapat kasi ay kanina ko pa ito ginawa. Nahihirapan akong makadaan palabas dahil sa mga taong nag sasayawan at tila ay mga lasing na rin. Panay ang tulak ko sa mga tao sabay sabi ng pasensya na sa bawat katawan na aking mababangga.

Naririnig at nararamdaman ko ang pag tawag ni Ricci sa pangalan ko at pati na rin ang pag habol nito sakin. Hindi ko kayang harapin siya ngayon eh. Sobrang sira na ako, hindi ko na alam kung kilala ko pa ba ang sarili ko.

Nang makalabas ako ay agad akong nag hanap ng taxi. Shit! Bakit naman walang taxi ngayon? Bakit ngayon pa? Bakit ba ganito? Ayoko na, tadhana! Parang awa mo na! Quota na ako sa araw na 'to! Sagad na sagad na... please naman oh.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo nalang ako papalayo. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay makaalis dito. Ayoko siyang harapin. Dahil baka kung ano ang magawa ko sa kanya. Hindi ko na kaya.

Pero nung akala kong nakalayo na ako, naramdaman kong may isang malakas na pwersa at humila sa braso ko dahilan para mapatigil ako at mapaharap sa direksyon na iyon.

Pag lingon ko,

Oh, It's him.

The cheater.

"B-bub... Listen to me first, okay? Please, please listen to me. I'm begging you," he said while pleading and holding both my shoulders. I smirked to him.

"Why would I, Ricci? Huh? Oh, no... D-do I need to? Because as far as I'm concern, I've seen enough," I said to him. Umiyak na ako ng umiiyak sa harap niya. 'Yan. Tingnan mo ako Ricci. Tingnan mo kung ano ang ginawa ko sakin. Tignan mo ako!

"Y-yes! Y-you need to listen okay? Everything was just a pure misunderstanding," he said while crying. Oh, totoo ba 'yang iyak na yan? O paawa lang?

A PromiseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora