Chapter 33: Secrets

5.9K 97 8
                                    

A/N:


At dahil patapos na ang story na to ngayon lang ako magde-demand....

Comment, vote or Fan! just do sooomehing!!!! hahaha

Yun lang para naman masayahan naman ako kahit papano nakakaloka na itong mga nakalipas na araw sa paligid ko kaya wag kayong magtaka kung bakit bangag ako hahaha




ALL RIGHTS RESERVED 2012


KINUWELYUHAN niya si Jerome dahil sa sobrang galit niya pasalamat na lang siguro ito at ito ang hinihinging kapalit sa kanila ni Faust kundi kanina pa niya ito ipinadala sa impyerno.

"Veil relax, wala tayong makukuha sa kanya kung papatayin mo siya." Awat sa kanya ni Jeff.

Pabalibag niyang itinapon ito sa lupa, "Make sure you'll have a better excuse on the reason why you let them get Rina or I'll freaking get your heart and hang it on a wall." He said menacingly.

Tumayo lang ito at seryosong tumingin sa kanila. "Wag kang mag-alala sasabihin ko sa'yo pero sa tingin ko hindi ditto ang tamang lugar para pagusapan ang bagay na 'to."

In a blink of an eye he transferred them on his study in his house.

"Well that was fast." Sabi ni Marlon dapat ay hindi na ito magtaka sa kakayahan niya dahil lahat ng kapangyarihan niya ay nagawa narin niyang mabawi.

"Now." He sits on his swivel chair. "Explain."

"I care for her a lot. Siya ang dahilan kaya nagging masaya ang mga magulang ko kahit wala ako sa tabi nila pero hindi ko basta-bastang isuko ang sarili ko sa kanila."

"Just go to the straight damn point." He said irritably mukhang nahahawa na yata siya kay Marlon pero kung pagdating kay Rina ang paguusapan ay hindi siya ganoong kapasensyoso lalo na at nasa kamay ito ng kaaway.

"Fine." He huff. "They were creating a damn hybrid army."

"A what?!" they all said in a shocked voice. Kahit siya ay hindi mapigilang magreact. A hybrid army? Are they nuts? Para saan naman ang bagay na 'yon?

"A hybrid army, ang mga taong katulad naming na ineksperimentuhan nila ang gagamitin nila par pabagsakin ang Hari. At ako ang gagamitin nila para mamuno sa army na 'yon, hindi lang 'yon oras na makuha na nila ang kapangyarihan na gusto nila ay saka naman nila sasakupin ang mga tao."

Nagtagis ang bagang niya, hindi niya pwedeng hayaan ang mga ito sa mga plano nito lalo na kung sangkot ditto ang hari.

"Kaya ka ba tumakas?" tanong ni Marlon.

"Oo saka hindi ko pwedeng hayaang saktan nila ang pamilya ko." Sadali itong huminto. "Pero hindi ko hahayaang madamay ditto si Euey kaya ako na ang bahala."

Napabuntong-hininga siya alam niyang oras na isuko nito ang sarili ay mas malaking gulo ang mangyayari isa pa sigurado siyang magagalit rin sa kanya si Rina sa oras na malaman nitong sumuko si Jerome at isa pa pala kailangan pa rin pala niyang pagproblemahin ang paano niya ipapaliwanag rito ang lahat. Parang biglang sumakit ang ulo niya.

"Aveial Lumeira!" then Reese burst into the door while Emerson is tailing her.

Ito pang isa aniya sa sarili sapo sapo ang noo habang nakatingin sa nanggagalaiti na si Reese.

My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon