Chapter 12: Missing Ave

9.1K 120 5
                                    

COPYRIGHTED© 2012 ALL RIGHTS RESERVED BY HARRIETH ALOIS

"SA wakas tapos na rin ang exam!" bulalas ni Reese sabay hagis ng mga libro sa ere at sakto namang bumalik sa mukha nito. "Aray..." sapo-sapo nito ang nasaktang mukha.

"Napapala." aniya habang patuloy niyang binabasa ang libro nila para alamin kung tama ang mga naging sagot niya sa exam nila at nang masigurong wala naman siyang mali ay agad niyang isinara ang libro. Kakatapos lang ng third quarter exam nila kaya naman wag na kayong masyadong magtaka kung bakit parang ang saya-saya ni Reese dahil sa wakas ay natapos na rin ang quarterly exam nila that means na pwede na naman itong maglaboy kung saan-saan dahil nga tapos na..(ang gulo ko yatang kausap ngayon.)


So here ilang linggo na ang nakakalipas since nang mag-dinner si Ave sa kanila na turn out to be one of the longest dinner she have ever had. Pano ang kulit ng dalawa usually si Kaiser naman talaga ang laging nagse-serve ng pagkain niya at ito ang taga-abot ng mga necessity sa kanya palagi at dahil nga nandoon si Ave ayun kagulo sila kasi unahan sila kung sino ang makakakuha ng kailangan niya kaya ayun, riot talaga. Kung hindi pa niya siguro sinaway ang dalawa baka hindi pa siya makakakain ng maayos but so far everything went well lalo pa at dumating na rin ang mga magulang niya.



So far balik sa dati ang mga magulang niya busy pa rin ang daddy niya sa mga negosyo nila at busy naman ang mommy niya... sa kanya. Well here mother have an obsession na ayaw nitong mukha lang siyang basta-basta estudyante kailangan laging nakaayos ang buhok niya at dapat may light make up siya sa mukha which na talagang kinaiinis niya though she always indulge her mother since 'yun lang naman ang kaligayahan 'non.

Anyway so ayun nga katatapos lang ng test nila at pareho silang nasa paborito nilang tambayan ni Reese sa ilalim ng malaking puno ng mangga sa malawak nilang campus.



"Ang sama mo talagang kaibigan kahit kailan." nagtatampong wika ng katabi niya sabay dukot sa bag niya at kinuha ang sandwich na itinago niya para kainin ngayon. Ang bait na kaibigan ano? nangunguha ng pagkain ng may pagkain then she bite on it.

"Tama ba kasing ihagis ang libro?" aniya habang kinukuha niya ang sandwich at idiniretso na niya sa bibig niya.

"Kasi naman eh..." pagkatapos ay kumurot na lang ito ng sandwich niya.

"Sige na, kasalanan na nga ng libro tanga hindi umilag." iiling-iling na wika niya bago  niya ibinigay na ng tuluyan kay Reese ang sandwich niya mukhang hindi talaga siya nito tatantanan kapag hindi nito nakukuha ang sandwich na gawa ni Kaiser nakalimutan niya bang sabihin na masyado 'tong mahilig sa sandwich? lalo na kapag gawa niya o ni Kaiser.

Hay.. napabuntong-hininga na lang siya ang totoo niyan inaantay lang talaga nila si Ave nitong mga nakalipas na araw ay talagang naging busy ito dahil palapit na ang school festival nila. Nitong mga nakalipas na araw ay hindi na siya nito nasasamahan na umuwi dahil sa sobrang busy pero sina Jeff at Marlon naman ang laging naghahatid sa kanya para lang masigurong hindi na ulit mauulit ang mga nangyari sa kanya ang nangyari sa grupo nila Justin. Hanggang ngayon kahit hindi sabihin nito alam niyang ito ang may kagagawan ng mga nangyari sa binata pero hindi lang niya alam kung paano.



Well actually kahit na medyo naging normal naman ang mga nakaraang araw niya dahil walang Ave na basta-basta na lang sumusugod ng yakap o tinatalon siya para mayakap kaso nga lang parang lagi na lang tuloy na may kulang wala na kasing makulit na lalaking umaaligid-aligid sa kanya kaya nga parang nakakamiss din pala. Siguro kasi ay nasanay siyang ganoon ito simula pagkabata kaya ayun eto para tuloy laging may kulang sa mga araw niya.


Anyway nasabi ba niyang wala na rin siyang saklay? kaya naman nakakakilos na siya ng maayos pero ahh.. basta gusto na talaga niyang makita si Ave. napabuga lang siya ng hangin saka lang niya napansin si Reese na may itinuturong ano sa tabi niya.

Then sitting beside her and leaning on the tree is none other than Aveial. Mukhang natutulog ito at kanina pa nandoon hindi niya siguro ito napansin hanggang sa nakatulog ito. Napangiti na lang siya kahit kailan talaga laging nasa tabi niya 'to tuwing nalulungkot siya.


Marahan niyang hinawi ang buhok nitong nakatakip sa mukha saka dahan-dahang pinaunan sa kandungan niya para naman makahiga ito ng maayos.Alam din niyang pagod ito ng mga nakaraang araw sa sobrang busy nito.



"Ano ba 'yan? bakit parang feeling ko third wheel lang ako?" nakaismid na wika ni Reese saka kinuha ang gamit nito at iniwan silang dalawa ni Ave.  Ngayon poprobelamahin pa niya kung paano niya makakauwi habang tulog ang binata kaya ang mabuti pa siguro antayin na lang niyang magising 'to . Napabuntong-hininga na lang siya habang marahang hinahaplos ang buhok nito then she somehow see something weird.


She and the familiar face none other Seth. Sa nakikita niya nasa isang malaking puno sila at nakapaloob siya sa yakap nito habang pareho lang silang nakatingin sa kawalan.

"It's really nice to see you again my Rina."

"Whatever nomad just say thank you that I am here."

"Thank you." then she kiss her on her lips.

Saka lang niya napansing nakatingin na rin pala sa kanya si Ave at nakangiti.... ginantihan lang din niya ito ng ngiti.

WRITTEN BY:MISS_REDANGEL

My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon