Chapter 5: The Chase

13.1K 170 14
                                    

"HABULIN niyo!" niyang sigaw ng isa sa mga saka niya narinig ang mabibilis na yabag ng mga ito. Kaya naman mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo at nagpalusot-lusot sa mga eskinita. Shortcut lang ang kabisado niya kaya siguradong mamaya lang ay ligaw na siya. But who cares? as long as she can get out of that place, fast.

Hindi na niya sinubukan pang lumingon dahil baka mas lalo lang siyang kabahan kaya naman hindi na niya napansin ang pagdating ng isang tao na agad puwesto sa tabi at bahagyang inilabas ang paa.

Ang siste dahil naka-focus sa pagtakbo at humahabol na lalaki sa kanya ay hindi na niya napansin ang nakausling paa at napatid siya sabay subsob sa lupa. Ang saklap ng kapalaran niya 'di ba? Ang hirap pa man ding maglaba ng uniform dahil maputi ito pa ang nangyari? Kung siya lang naman sana ang naglalab ayos lang kaso hindi naman kawawa tuloy ang labandera nila.

Nalukot naman agad ang mukha niya nang makita niya kung sino ang may dahilan ng pakakadapa niya. Kung mukha lang sana niya ang sumubsob sa lupa mas masaya pa sana. He standing there with a freaking devil's grin subukan kaya niyang suntukin ito nang mawala ang bwisit na ngiti nito?

"Hello there Euey, Going somewhere?" lumapit ito sa kanya.

Tatayo na sana siya nang mabigyan na niya ito ng kahit isang suntok nang maramdaman niyang kirot sa paa niya. Malamang sa hindi nakuha niya iyon nang basta na lang siyang tinisod ng hudyo added na nagkasugat pa siya sa may tuhod.

Nanlaki na lang ang mga mata niya nang mapansin niyang paparating na pala ang grupo ng mga lalaking humahabol sa kanya kanina. Kasunod nang paninigkit ng mata ng pahintuin ito ni Justine. Obvious na yatang ito ang nagpahabol sa kanya ng mga lalaking 'yon.

"Anong kailangan mo?" asik niya. Grabe siya na nga yata ang babaeng nasa panganib na't lahat-lahat nagagawa pa ring maging matapang.

He didn't even flinch instead he casually kneel his one knee in front of her and lift her face using his tw fingers. Agad naman niyang pinalis ang mga kamay nito.

Lalo lang lumawak ang ngisi nito bago muling tumayo. "Matapang ka pa rin kahit alam naman nating pareho na wala ka nang kawala, Euey." Doon lang niya napansin na namumungay at namumula ang mga mata nito at parang slurred ang mga words nito. Then realization hit her, his under the influence of drugs! Mukhang tama yata ang mga naririnig niya tungkol dito na gumagamit ito ng droga. Doon na siya nakaramdam ng takot, hindi niya kabisado ang ugali ng isang tao na nasa impluwensya ng droga baka kung ano ang gawin ng mga ito sa kanya.

Pinilit niyang makatayo pero hindi niya magawa dahil mukhang talagang masama nag naging bagsak niya kanina.

Napansin iyon ng lalaki bago malaswang sinuyod siya ng tingin. "Mukhang magiging maganda ang pakikipaglaro namin sa'yo."

Lalo lang siyang kinabahan sa sinabi nito at sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Masama na talaga ang lagay niya.

"'Langya, alam mo bang pinahirapan pa kami ng babaeng 'yan ikaw lang pala ang makakahagip." aniya ng isa sa mga ito habang nila may kung anong sinisinghot sa mga kamay nito.

Akmang hahawakan na siya nito nang makarinig sila ng isang babalang sigaw.

"Don't touch her!"

Sabay-sabay silang napabaling sa nagsalita none other than Ave himself with his two cousins on his opposite sides. Kilala niya ang mga ito mas matanda lang ang mga ito kay Ave ng tatlong taon, Marlon and Jefferson. Ang kaso nga lang bakit ba pairamdam niya laging huli ito tuwing kailangan niya ng tulong? Oh, well at least magaling naman ito sa timing.

Ang ikinagulat lang siguro niya ay ang mabalasik na anyo ni Ave. She knew Ave as a gentle person at nunca niyang nakita itong nagalit o nagpakita ng galit sa ibang tao. The first time he saw him remove his nice mask.

"Well, well, well,. What do we have here? Mr.I-don't-know-who at ang kanyang mga alalay." nakita niyang tumalim din ang titig dito ng mag pinsan. "Wag mong sabihing hanggang dito ay lalabanan mo ako? Baka nakakalimutan mong wala ka sa teritoryo mo?" nakakalokong saad nito habang hinahaplos ang mga binti niyang agad niyang iniiwas.

Nagtagis ang mga bagang nito kasabay ng tila pagbabago ng mga mata nito. Kailan pa ito natutong magsuot ng contact lens? And in less than a second? mali mukhang hindi iyon contact lenses. Ano ba naman kasi ang pinagiiisip mo Euerina? Ave usually hzel colored eyes became light blue with specs of red. Kasabay rin ng mga pagbabago ng kulay ng mga mata ng mga pinsan nito sa likuran, Jefferson's charcoal black eyes turned to grayish white while Marlon's chocolate eyes became golden yellow. What the hell is going on?

"So ano na? pwede na ba nating tuluyan ang mga 'to? Ano sa tingin mo Jeff?" nagawang pang mgatanong ng sira-ulo hindi ba pwedeng tulungan muna siya ng mga ito na makatayo bago gumawa ng gulo?

"It's the boss' call." nakita niyang tinignan ng mga ito si Ave na tila ano mang oras ay siguradong aatake na.

"They're mine." he said in almost a growl. Remind her not to make him angry. Nakakatakot. Nagkatinginnan lang ang dalawa bago sabay na umatras.

Tinawanan ito ni Justin. "Sige kayo nang bahala diyan." para yatang nakalimutan na siya nito.

Siguro sa normal na pagkakataon ay tatawanan din niya ang kaibigan pero hindi ngayon. he's furious as hell at alam niyang marunong ito sa martial arts pero hindi naman niya masasabing professional ito lalo pa't away kalye ang alam ng mga kalaban nito siguradong mandadaya ang mga 'yon. And as if on cue naglabasan ang mga ito ng mga bakal na tubo! Now, how nice. Sana naman hindi masaktan ng grabe ito.

Tatlo sa mga ito ay sabay-sabay na umatake at hindi niya magawang pumikit na lang sa takot na baka duguang bangkay na ni Ave. Okay a little morbidity though but she cannot help it. Pero hindi siya halo makapaniwalang madali nitong nailagan ang mga atake ng kalaban at nagsitalsikan ang mga ito ng bigyan ito ng isang malakas na sipa ng kaibigan.

Halos mapanganga ang lahat sa nakita considering wala naman sa itsura ni Ave ang pagiging basagulero at magaling makipaglaban. Habang ang mga pinsan naman nito ay walang puknat sa pagngisi.

"Ano pang itinatanga-tanga niyo dyan? Sugurin siya!" utos ni Justin nang makahuma ito sa pagkabigla. Kung siya na kaibigan nito sa halos na ilang taon ay hindi makapaniwala sa mga nakita niya malamang ito rin na alam niyang kilala si Ave sa reputasyon nitong hindi mahilig sa anumang gulo.

Agad na tumalima ang mga 'tauhan' nito pero sa isang kisap-mata lang ay tumba na ang mga ito habang ang iba naman ay tumilapon sa iba't-ibang direksyon.

Nang balingan niya si Justin ay agad niyang nakita ang takot sa mga mata nito. Tiningnan ito ni Ave at nilapitan pero agad naman itong kumaripas ng takbo.

"Oh, nabahag ang buntot." sabay pang bumunghalit ng tawa nag pinsann at napansin niyang bumalik na sa dating kulay ang mga mta nito.

Habang si Ave naman ay nagaalalang dinaluhan siya. "Are you alright, Rina?"

Tumango siya still amazed on what he had just done. "Just, just a little sprain." aniya ng makahuma.

Pero nang hawakan niya ang may pinsala niyang paa ay hindi niya maiwasan ang impit na pagtili at saka napansin pa nito ang sugat niya sa tuhod. Lalo lang na dumilim ang mukha nito and it's really starting to scare her.

"Ave, a-are you alright? Bakit ganyan ang mga mata mo? You're really starting to scare me." hindi niya mapigilang masabi ayaw niyang ganito ang kaibigan niya mas sanay pa siya sa nakakainis na Ave kaysa sa lalaking nasa harap niya ngayon.

Nakita niyang lumambot ang ekspresyon ng mukha nito at masuyong hinaplos ang buhok niya. "It's better for you to rest first, Rina. Sleep tight." matamang tumitig ito sa mga mata niya.

Doon lang niya napansin ang pamimigat ng talukap ng mga mata niya kasabay ng unti-unting pagdilim ng paligid. Ang mukha nito ang huli niyang nakita bago tuluyang lamunin ng dilim ang kamalayan niya.

My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon