Chapter 21: Stranger in the night part 2

7.2K 97 13
                                    

AUTHOR'S NOTE:

As I promise ito na po yung part 2^^

pasensya na kung natagalan some things came up....

COPYRIGHTED© 2012 ALL RIGHTS RESERVED BY MISS_REDANGEL

NAGISING na lang si Rina dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan nang lingunin niya ang alarm clock niya sa bedside table ay alas-dos na pala ng umaga. Sinubukan niyang makatulog ulit pero hindi na niya magawa. Ang totoo niyan ay nagisng siya dahil sa isang napaka-weird na panaginip.

Pakiramdam niya ay parang totoo ang lahat, na para bang minsan na niyang naranasan iyon sa buhay niya.

Nasa isang pamilyar na lugar siya, sa ilalim ng malaking puno na madalas niyang makita sa mga panaginip niya. Ang dalawang pares ng mga tao na nakikita niyang palaging naroroon. Then she heard something rustle from her back. Agad siyang lumingon and she see Ave standing far from her nakayuko ito kaya hindi niya makita ang itsura nito.

"Rina." tawag nito sa kanya.

"Bakit?" akmang lalapit siya rito nang maramdaman niyang hindi niya maigalaw ang mga paa niya.

"Kung sasabihin ko sa'yong may itinatago akong sikreto magagalit ka ba?" patuloy lang ito sa pagyuko.

"Anong meron? Saka isa pa kung ano mang sikreto 'yon may karapatan ka namang hinidi sabihin sakin kung hindi ka pa handa." aniya.

"Pero pa'no kung..." his head shot up and she shivered as she see his eyes. Dangerous as night scary as a nightmare... she can't believe it parang hindi ito ang Ave na kababata niya na minahal niya. Then with a blink of the eye he i now in front of her with a evil smirk on his face. "Would you really say that if I tell you who I really am?"

His usual dark blue eyes is now like a saffire blue just like she see when he fight with Justine. "Ave." she almost chroaked.

She became terrified as she sees him with canine fangs. "Would you really love me if I'm a... monster?" then everything went black.


Hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga, gusto sana niyang puntahan ang Mommy niya pero alam niyang nagpapahinga na ang mga ito. It's only a dream, tama imposibleng mangyari iyon sa totoong buhay. Then she spotted Mokona-kun na kay Ave ang puti habang nasa kanya yung itim. Wala lang ibinigay niya rito ang isa para naman may katabi rin ito sa gabi. Weird basta 'yun na yun tinatamad na siyang mag-isip.

She hugged black Mokona at hindi niya mapigilang mapangiti paano ay naalala niya ang ka-sweetan ni Ave sa buong linggo. Kaya tuloy kumalat sa buong school ang tungkol sa kanilang dalawa ang iba pa nga nagtaka dahil ang akala ng mga ito ay matagal nang sila ni Ave kundi ba naman mga intregero numero uno. Kainis lang. Habang si Ave naman walang ginawa kundi nakawan siya ng halik tuwing may pagkakataon parang ewan lang.

But still he manage to make her whole week enjoyable kaso palagi na lang ito nagtatago sa ibang student council member dahil ayaw nito ng mga istorbo ang katwiran pa nga nito napilitan lang naman talaga itong maging SCP kung hindi lang niya ito pinilit. So 'yun naging maganda naman ang lahat maliban lang yata kay Reese.

Nalaman niyang si Sir Emerson pala ang naging bidder nito and though she always say how happy she was that she is with her crush it seems like she's just pretending. Paano niya nalaman? kasi tuwing nakatalikod ang teahcer nila ay matalim nitong tinititigan ang binata na para bang gusto niyang maging dead-on-the-spot na ang binata. Tuwing akala nito walang nakatingin ay ayun ang sama na ng tingin kay Sir.

So ayun start na ng school break nila at sa nakalipas na mga araw ay kundi palaging tinatawagan siya ni Ave sa telepono ay palagi namang nasa bahay nila. Kaya ayun parang halos wala ring pinagkaiba ang mga nangyari pero masaya siya kasi ngayon alam niyang hindi na siya iiwan nito. Kaso itong mga nakaraang araw napansin niya ang pagiging antukin nito at ang pamumutla nito sabagay noon pa man ay putlain na ito pero parang mas lumalala ngayon baka nga may sakit na ito hindi lang sinasabi sa kanya.

Ipinilig na lang niya ang ulo at humiga na sa kama kasama ang mokona niya. Pero hindi pa siya tuluyang nakakatulog ay nakarinig siya ng doorbell sa labas. Napakunot siya ng noo tumingin sa labas. Malakas pa rin ang buhos ng ulan at alam niyang wala nang gising sa mga kasambahay nila. Sinuot na muna niya ang robe niya at binitawan ang hawak niyang stuff toy sa may kama bago siya naghanap ng payong at lumabas.

She saw a shadow of a man leaning on there gate. Dahan-dahan siyang lumapit sa gate pero hindi pa rin niya binubuksan ang gate. But her eyes narrowed as she see blood dripping from his arms kaya naman agad niyang nabitawan ang hawak na payong at agad na binuksan ang pinto alam niyang magagalit sa kanya ang mga magulang mamaya pero bahala na...

"Daddy!!! tulong!" agad niyang sigaw habang inalalayan ang nawalang malay na binata. Sana naman dumating agad ang mga ito bago pa sila tuluyang matumba pareho. Ang bigat pala ng binata.

"Mister, wag muna kayong matulog dadalhin namin kayo sa ospital." aniya sa lalaki hindi pa niya matantiya ang edad nito dahil nahihilam siya sa lakas ng ulan.

"Wag sa ospital." he manage to croak bago ito mawalan ng malay.

"Sandali, mister." aniya malapit na siyang matumba! Buti na lang at agad na may nakasalo sa kanya at napansin niyang nasa tabi na pala niya si Kaiser.

"Why, your soaking wet Lady Rina." komento nito para ngang wala lang rito ang bigat ng binata habang siya muntik nang humalik sa lupa.

"Kai! please let's take him inside."

"Lady Rina, he's a stranger at baka kung ano lang ang mangyari kung ipinasok natin siya ba't hindi na lang natin siya dalhin sa ospital?" anito. Nakasuot lang ito ng white t-shirt at pantalon soaking wet like her.

Umiling siya. "Ah, basta dalhin mo na siya sa loob." utos niya.

Napailing-iling ito. "I'll be dead if Ave learned about this." he murmured pero hindi niya masyado na itong naintindihan dahil sa lakas pa rin ng ulan. They both strode towards the house with the stranger in a town.

weeeeeeeeeee...... another character on the house! abangan kung anong magiging kinalaman niya sa relasyon nila Ave at Rina! nga pla... sorry for the late update dapat last week pa 'to..

WRITTEN BY: MISS_REDANGEL

My Boyfriend is a Vampire (Published under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon