Chapter 14: Stay with me

138 14 7
                                    

Lexa's POV

"Hoy mga gurang! Hindi niyo pa ba ako paaalisin dito, ha?! Kating-kati na ako sa suot ko alam niyo bang dalawang araw ko lang itong suot pero pakiramdam ko dalawang taon na siya sa'kin!" sigaw ko sa kanila
"Kinakausap ko kayo kaya sumagot kayo!" galit kong sambit

"Tumahimik ka nga diyan! Ang ingay-ingay mo, hindi ka naman maganda!" inis na tugon ng lalaking baduy manamit

"Aba't! Hoy para sabihin ko sa'yo hindi ako pangit. Duling ka ba?! Ang ganda-ganda ko para sabihan mo akong pangit! Humanda ka talaga kapag nakawala ako kung sino ka man na uranggutan ka!" pagdada ko sa harap nila kahit na alam kong wala akong magagawa

"Tumi---!" naputol ang sasabihin ng lalaki dahil may biglang pumasok

**Tuuuugsh!**

"Lexa?! Nasaan ka?" si.. Xy?

"Xy nandito ako!" sigaw ko at saka tinakpan ng lalaking baduy manamit ang bibig ko, kagatin ko nga.

"ARAAAAY! SHT! BAKIT MO 'KO KINAGAT??!" galit na sigaw niya sakin

"PWE! PWE! PWE! Ang pangit ng lasa ng kamay mo, ang alat! Yuck!" pandidiri ko, totoo naman eh ang alat-alat. Eeeew!

"Lexa! Nasaan---" naputol niya ang sasabihin ng nakita niya kung nasaan na ako naroroon.

Bakit ka pumunta? I mean, ng mag-isa? Baka mapahamak ka..

"Bakit mag-isa ka lang?! Hindi ka tumawag ng mga pulis?" nagtatakang tanong ko

"Well! Well! Well! Nadito na pala ang night in shining armour mo Lexa. So sineryoso mo pala ang sinabi kong mag-isa ka lang pupunta kung hindi may mangyayaring masama kay Lexa." sabat naman ng pinuno marahil nila, sino ka ba?

"Oo kaya pakawalan mo na siya!" matapang na bulalas ni Xy

"Haha! Sino may sabi sa'yo na basta ko na lang siyang pakakawalan? Pinapunta kita dito para makita mo kung paano ko siya dungisan." then he grin at me enough to tell that he has something to do very bad to me.

"T*ngna! H'wag na h'wag mo siyang dudungisan hayop ka! Kung sino ka man umuwi ka na sa lugar kung saan ka nararapat, sa impiyerno!" galit na galit na si Xy, ngayon ko lang nakita na nagkaganyan siya mula ng makasama ko siya sa school namin. Ibang-iba sa Xy na mapang-asar, puro kalokohan ang alam, walang matino na ginagawa, pero itong pinapakita niya sakin ngayon kakaiba. Parang may kung anong kumirot sa puso ko na nagsasabing mali ito.

**Booogssh!**
**Booogssh!**

Napasinghap ako ng biglang suntukin ni Xy ang lalaking kausap niya. Dumugo ang kanang bahagi ng labi ng lalaki. Napalakas yata ang suntok ni Xy.

Ginantihan ng lalaki si Xy, nakailag siya sa unang tangka na pagsuntok pero sa pangalawang pagkakataon hindi siya nakailag. Dumugo din agad ang ibabang bahagi ng labi ni Xy.

"Xy! Mag-ingat ka please!" pagsumamo ko

Napapikit na lang ako dahil sa mga nangyayari. Masyadong ng madugo ang mukha ni Xy. Hindi ko siya magawang tignan dahil nagi-guilty ako na pinapunta ko pa siya dito. Kahit na siraulo at walang modo naman ang lalaking 'yan, may mabuting loob pa din naman siya kaya hindi ko magawang makita na sinasaktan lang siya ng kung sino-sino. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad kung sino man ang may pakana ng lahat ng ito.

Tanging ungol lang ni Xy ang naririnig ko at ang mga tunog dahil sa pagsuntok at pagsipa kay Xy. Nang imulat ko ang isang mata ko para makita ang kawawang si Xy ay halos manlumo ako dahil sa hitsura niya, nanghihina siya at hindi siya makalaban dahil mas lamang ang mga kalaban niya kesa kanya. At kung sisipatin, mga maskulado pa ang mga ito. Nahagip naman ng mga mata ko ang lalaking nagpasimuno ng lahat ng ito, tuwang-tuwa sa nangyayari. Walang puso! Natutuwa siya na nasasaktan si Xy. Ano ba ang atraso ko sa kanya?

Does True Love Exist?Where stories live. Discover now