Chapter 24: April Fools

140 8 4
                                    

Lexa's POV

"Oo na! Oo na bagay kayo pero bagay din naman tayo di ba?! Bwiset!"

"Oo na! Oo na bagay kayo pero bagay din naman tayo di ba?! Bwiset!"

"Oo na! Oo na bagay kayo pero bagay din naman tayo di ba?! Bwiset!"


Paulit-ulit tumatakbo sa utak ko ang mga katagang yan. Bakit? Paano? Saan? Kelan? Why? Huhu! Hindi ako ang nagsabi nun. Tama hindi ako yun! Sinapian lang ako ng masamang espiritu. Oo yun yun!

"Hoy ano ba? Buong oras ka na lang bang matutulala dyan?" nahimasmasan ako ng marinig ko ang boses na yun

"Ibaba mo nga ako! Dumadaloy na yung mga dugo ko sa katawan papauntang ulo oh!" sabay hampas ko sa likod niya pero walang epekto

"Aray ano ba? Wag ka ngang malikot dyan! Ilaglag kita dyan sa ilog eh."

"Kaya mo? Kaya mo? Di mo naman kaya eh! Bleh!" pang-aasar ko pa

"Waaah wag! Wag! Wag kasi Xy! Mamaya may mga mumu dyan eh!" ipakita nyo na sakin ang lahay ng gusto nyong ipakita wag lang ang mga mumu!

"What? HAHAHAHHAHAHAH!"

"ARAY! BAKIT MO KO NILAGLAG?" walang hiyang Xy to tumawa ba naman kasi ng pagkalakas-lakas sabay ilaglag ako sa sahig?! Hustisya naman dun!

"T-takot ka sa mumu? Hahahaha! Ang tapang-tapang mo na mala-Godzilla tapos sa mumu ka lang pala takot?" naiiyak-iyak na siya kakatawa habang inaasar niya ako. Tss

Chance ko na to na tumakbo ng mabilis para maiwasan siya! Beng sige lang tawa ka pa. Hintayin mong sumakit ang tiyan mo. Bwahaha!

One

Two

Three

Takbo!

Takbo pa Lexa! Go kaya mo yan! Sino nakakaalala ng sakit ko? I'll give you an awrd dali. Tsk! Bastos na sakit huhu bakit ngayon pa naman sumumpong?

*Toink*

"HAHAHHAHA----LEXA!" di pa ko ganun kalayo kay Xy ng sumpungin ako ng sakit ko, and it's the one and only kashungahang sakit.

Nandun na eh! Makakalayo na ko sa kanya tapos bigla akong madadapa? WTF di ba!

"Ayos ka lang ba? May sugat ka ba? May masakit ba sayo? Bakit ka ba kasi tumatakbo palayo sakin e?" sunud-sunod na tanong niya

Bakit feeling ko bumabalik kami sa dati?

Feeling ko super concern sya sakin?

Feeling ko real boyfriend ko sya?

Bakit feeling ko yung mga nafi-feel ko parang mali din?

Ay hindi! HIndi! Nag-aalala lang yan kasi ikaw yung partner niya sa United Nations yun lang yun. Yun lang. Tandaan mo yan Lexa.

*Poke*

"Hoy ayos ka lang ba? Tinatanong kaya kita."

"A-ah ah ano ayos lang ako?" Shems Lexa bakit ka nauutal?! No way!

"Sakay na."

"Sakay? Saan?" takang tanong ko

"Sa likod ko, saan pa ba?"

Di na ko nakaimiik kasi hilahin niya ba naman ako ng walang pakundangan sabay pinasakay sa likod niya. Deym! Why can't I refuse? Why don't you refuse Lexa? Dahil gusto mo rin naman ang nangayayri? No, no!

Does True Love Exist?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon