Chapter 25: Court is on session

108 7 1
                                    

Lexa's POV


Matapos namin marinig ang iyak na yun, grabe lang ang sumunod na mga pangyayari. Jusme! Buong akala namin ni Trish eh multo yun. Yun naman pala iyak lang ng Bratinellang si Lexinne!

Aba eh kung makayakap kay Xy akala mo naman sila! Bwiset talaga panira ng mood. Hmp! After ng madrama naming tagpo ni Xy at ng bratinellang yon, umalis na kami dun.

"BFF! Ang bilis ng araw 'no?"

"Bakit naman BFF?"

"Eh kasi dati parang aso't pusa lang kayo ni Xy tapos ngayon sobrang sweet niyo na sa isa't isa." drama naman ng BFF kong ito haha!

"Oo nga eh. Pero ang mas matindi BFF, eh one week na lang at United Nations na!"

"Ay oo nga BFF! But no worries, because I know na kayang-kaya niyo yan ni Xy! Fighting!" So sweet ng BFF ko, ano kaya nakain nito?

"Let's go na BFF baka ma-late pa tayo sa next class natin." Kung nagtataka kayo bakit kami nakakalabas pa ng room namin dahil vacant time namin haha! Di kami mga pasaway na bata, though minsan lang.


*Ay palaka!*


Alam niyo naman na siguro kung ano ibig sabihin niyan di ba? Edi yung sakit ko na palaging nadadapa. Tsk!

"Hahaha! You're so lampa naman pala eh." ugh! Kung mamalasin nga naman ang lola niyo oo! Bakit nakita pa ko ng bratinellang ito?

"Shut up girl. She's not lampa. Kasalanan niya ba kung nadapa siya?" ay ang sweet talaga ni BFF!

"Yes she is. Wala naman na tayong magagawa if she is lampa di ba girls?"

"Yeah" sabay-sabay na sagot ng dalawang alipores niya

"Loser! Hahaha" aba talaga inuubos ng batang ito ang pasensya ko ah?

"Let's go girls!" at saka walk-out kasama ang mga alipores niya

Kung di lang talaga siya bata pinatulan ko na siya. Naku! Mabuti na lang at umalis na sila kundi napatulan ko pa. Pagkaalis nila umalis na din kami at dumiretso sa room namin.

Pagdating namin nagkakagulo, bakit?

"Hoy bakit kayo nagkakagulo?" okay, si BFF na nagtanong ng tanong sa isip ko

"Ito kasing si Xy eh! Nagsa-suggest na nga kami ng magandang talent para sa talent portion niyo eh." si Kyle pala na nagwi-wave pa ng kamay habang nagsasalita haha ang cute lang niya!

Si Kyle Domingo, isa sa mga tropa ni Xy at Matthew. Ang lakas maka-WOW or Words of Wisdom niyan. Minsan nga napagkamalan kong bakla yan dahil ang dami niyang alam na banat. Whogoat kumbaga! Pwedeng-pwede ngang love guru yan e. Jolly ang personality ni Kyle. Di tulad ng kay Riu na serious guy from the outside.

"Eh kasi naman masyadong ewan yung suggestion mo! Saka buti sana kung papayag si Lexa na gawin yun 'no?" naka-pout na si Xy ang cute din shems!

"Anong ewan ka diyan? Astig nga bro eh! Di ba Matthew? Panuodin mo muna kasi yung video. Bagay kaya sa inyong dalawa yun!" sabat naman ni Riu

Riu Enriquez, ang huling miyembro ng samahan ng mga bading. Ay este samahan nila Xy, Matthew at Kyle. F4 lang ang peg? Haha! Isa sa mga cool guy sa Trinity Academy. Sa paningin ng nakararami, cool sya. Yung nababasa sa mga books na naka-headset at tahimik lang. Yung ideal guy ng kababaihan. Pero ang hindi nila alam kapag kasama niya ang mga tropa at ka-close niya dun mo pa lang siya makikilala. Sobrang galing magdrama, balak yata nyan maging artista e. Kung sa panlabas, eh serious guy sya. Sa panloob naman, sobrang kalog.

Does True Love Exist?Where stories live. Discover now