Chapter 2: IKAW!/IKAW!

431 19 28
                                    

Lexa's POV

Haaaaay! Grabe hindi pa din ako maka-move on sa nangyari kahapon. Isang gwapo pero walang modo na lalaki na naka-engkwentro ko. Huhuhuhu. First day ko pa mandin naman 'yon. Pero dalawa silang gwapo na nakasalubong ko. Yung isa nga lang walang modo, tapos yung isa naman mabait at mukhang may respeto sa mga babae. Bukod pa do'n, ang daming beses ko ng nadapa kahapon. Ano ba kasing mayroon ako at palaging nadadapa? Tsss.

Ano kaya mangyayari sakin ngayong araw? Sana naman maganda. May bigla na naman akong naalala.. Hay, kailan ko kaya siya makakalimutan?

"Lexa! Bumangon ka na diyan. Late ka na!" rinig kong bulyaw sa akin ni Mama, para talagang nakalunok ng microphone kapag sumisigaw eh

"Ayy Palaka!" gulat na sambit ko naman

"Anong palaka?! Bumangon ka na at late ka na." nakapasok na pala si Mama sa kwarto ko

"Hehehe wala po ma. Opo ma! Babangon na po."

Ay jusko po. Sa kakaisip ko sa estranghero na 'yon ayan male-late pa yata ako.

After 1234567890 years tapos na din magprepare for school. Okay, ready na ko pumasok. Yeah. Sana lang hindi ko siya ulit makita. Wish me good luck.

"Ma, aalis na po ako." pagpapaalam ko kay Mama

"Sige mag-iingat ha." sweet ni Mama 'no, haha! Kahit na parang microphone ang pagsigaw niyan love ko yan.

"Opo." magalang kong sagot

"Si Papa po pala ma?" dagdag ko pa

"Naku Lexa nauna na ang Papa mo sa trabaho. Alam mo naman yon, gusto niya talagang umasenso ang business natin." pahayag ni Mama

Si Papa talaga kahit kailan negosyo pa din ang nasa utak. Buti na lang si Mama may time pa din na alagaan ako kahit na ang dami nilang kailangan asikasuhin ni Papa sa business.

Pagkatapos sabihin ni Mama iyon nagpaalam na ako at nagbeso sa kanya. Gusto niya daw ganoong way kami magba-bye sa isa't isa.

Sa school...

"Uy girl 'di ba siya yung kahapon na bumato sa prinsipe natin?" Girl no.1

"Oo nga siya 'yon!" Girl no.2

"Naku hindi niya ba alam kung ano at sino si Prince Xy sa school natin?" Girl no.3

Ako ba pinag-uusapan nila? Naku, mukhang ako nga. Ako lang naman ang may naka-engkwentro na batuhan kahapon eh. At teka? Ano daw? Prince Xy? Sino naman 'yon at bakit prince pa ang tawag? May maharlika pala dito. Hindi naman ako na-inform. Chos hahahaha.

Soooo. Obviously ako nga talaga pinag-uusapan nila. Kasi papalapit sila sakin. Ang tres marias. Naku gulo pa yata ito. Help! Somebody help me puh-leaaaaase!

Me is lakad-lakad. Kunyari wala nakita. Oooops! Ouch! Aray! Nabunggo nanaman ako pero hindi sa isang lalaki. Kundi sa isang babae.

"Hey girl! At saan ka pupunta?" Girl no.1

"A-ah? Hehehehe. Papasok na sa klase ko." palusot ko sa mga churva na 'to

"Hindi ka pa pwede pumasok. Hangga't hindi mo nasasagot mga tanong namin sa'yo!" Girl no.2

"Ah idol niyo ba ako, sige tanong na kayo. Dali." 

"Aba! Pilosopo ka ah!" Girl no.3

"So, 'di ba ikaw 'yung bumato kay prince Xy namin?" Tanong ni Girl no.1

Does True Love Exist?Where stories live. Discover now