Chapter 14♥

5.2K 118 9
                                    

G*go 'to, ha! Sapakin ko kaya 'to nang magising. Lasing na, eh. Baka mamaya may nakarinig pa sa sinabi niya at baka ma-misunderstood pa kami. "Sabi ko, hilot! Massage!" sigaw ko naman. Pati ako nababaliw na sa sinasabi niya. Wala siyang pinagkaiba sa ibang kaibigan ko. May lahi nga talaga siya. Kadugo niya sila Lewis. Masyadong malumot ang utak.

                "Awww. Sarap. Kiss with massage." Napangiwi na lang ako dahil sa pinagsasasabi nitong si Cyrus. Sabog na ang loko. Pauwiin ko na kaya? Kaya lang baka hindi naman siya makapag-drive ng maayos. Kasalanan ko pa kapag napahamak siya.

                "G*go! Bahala ka nga sa buhay mo!" Tatayo na sana ko nang bigla niyang hinatak ang kamay ko at natagpuan ko na lang ang mukha namin na konting-konti na lang ay magdidikit na.

Napatitig na lang ako sa mapupungay niyang pilik-mata pati na rin sa mapupula niyang labi. Lord, please. Pigilan niyo po ako. I mean, 'wag po. Please. "Leigh." Tumaas ang palahibo ko nang bigla niyang banggitin ang pangalan ko. Alam niyo iyong ang hot pakinggan. Maygudness!

                "May first kiss ka na ba?" seryosong tanong niya.

                Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang tanong niya. As if may balak siyang gawin. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, kaagad ko na siyang hinalikan... nilayuan pala. Pero may first kiss na talaga ako. Hello? Modern na tayo ngayon. 'Di na uso iyong mga pa-virgin. At alam naman nating lahat na pati si Shawn ay nahalikan na ako. Ewan ko ba. Bakit parang ang weird sa pakiramdam kapag may nagtatanong ng gano'n. Hindi naman ako in-denial. P'wede ko namang sabihin na, 'Oo, may first kiss na ako".

                "Uy Leigh!" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Cyrus. Ano ba 'to. Ang awkward! "Galit ka ba?" tanong niya pero hindi ako sumasagot. I just need to keep myself busy.

"Uy. Joke lang naman 'yun, eh. Saka tiningnan ko lang iyong magiging reaksyon mo. Sorry kung na-offend kita," paghingi niya ng sorry. Tiningnan ko lang siya na parang wala manlang emosyon ang mukha ko. "Leigh," pangungulit niya.

                "Ano?" medyo inis kong sagot. Ni-hindi ko nga rin alam kung bakit ako naiinis ngayon, eh. iyong totoo, Leigh?

                "Did I ever tell you how much of a turn on it is when you're angry?" sabi niya with matching kindat pa. Kung akala niya effective sa akin iyong mga gano'ng galawan niya, p'wes, nagkakamali siya. Hinding-hindi niya ako madadaan sa pakindat-kindat niya.

                "Hindi ako galit. Wala lang ako sa mood," sagot ko naman sa pang-aakit niya. Mga lalaki nga naman. Hindi naman talaga ako galit. Siguro, may gumugulo lang sa isip ko.

                "Pero, sorry pa rin. Akala ko kasi nasa mood ka pa para sa biruan, eh." Napakamot pa siya ng ulo.

                "'Wag mo nang isipin 'yun. Sige na, bumalik ka na do'n. Baka hinahanap ka na nila Shawn." Pero sa totoo lang, gusto kong mapag-isa. Gusto kong mag-isip ng mga bagay-bagay na hindi ko naman mawari kung ano.

                "Okay. Mukhang wala ka nga sa mood." Napaatras ako nang bigla niya akong hinalikan... sa lips. "Peace na tayo, ha?" paalam niya at hindi na ako nakasagot.

                "F*ck you," bulong ko. As if naman may kakaiba akong naramdaman. Sa America nga natural lang iyong mga gano'n. Eh, bakit ka defensive, Leigh? Tss.

                Nababaliw na ako. Nagpunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Feeling ko uhaw na uhaw ako. iyong pakiramdam na parang isang buwan akong hindi nakainom ng tubig? Grabe. Bakit ako nagkakaganito? Binuksan ko iyong ref at doon ako nagpalamig. Ang init, eh. Ramdam ko na ang summer kahit apat na buwan pa.

My Best Friend is Actually  Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon