Chapter 3♥

5.3K 148 8
                                    

Ang aga-aga kong gumising para mauna akong makaligo kay Shawn pero pagkamulat ng mata ko, nasa CR na siya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong unahan sa paliligo. Ano ba ang ginagawa niya sa CR? Napapansin kong ang tumatagal na rin siya sa paliligo.

                Ayaw kong nauunang maligo si Shawn sa akin dahil marumi siyang gumamit ng CR. Lahat ng pinaggamitan niya, nakakalat. iyong mga damit na sinuot niya, kung saan-saan nakasabit. Lagi tuloy nagmumukhang fiesta sa loob ng CR namin. Parang gusto ko na tuloy maghanap ng ibang bahay. iyong bahay na may dalawang kwarto para kanya-kanya na kami sa paglilinis. Minsan kasi, kalat niya, linis ko. Nakaka-stress. Naaapektuhan ang beauty ko. Palibhasa, kahit anong gawin ng best friend ko, fresh na fresh pa rin ang itsura niya.

                "Shawn, bilisan mo namang maligo! Isang oras ka na diyan sa loob! 'Wag mong ubusin iyong tubig sa gripo kasi hindi mauubos 'yan!" sigaw ko.

Kanina ko pa siya sinisigawan. Kanina pa rin kasi siya sa loob ng CR, ang tagal niyang maligo. Nakakainis! Dati naman 30 minutes p'wede na sa kanya, tapos ngayon, halos isang oras na siya sa loob! Maygudnes! Gano'n ba siya karumi kaya inaabot siya ng oras-oras sa loob ng CR? Ang paliligo niya rin ang nagiging cause ng pagka-late namin sa mga practice namin minsan.

                "Shawn ano—" Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla niyang binuksan iyong pinto ng CR.

                "Ano?" inis niyang tanong sa akin. Nakita ko lang naman ang basa niyang katawan, pero naka-takip ang lower part. Badtrip. 'Yun na 'yun, eh. Medyo tinitigan ko pa iyong tubig na umaagos sa katawan niya. At medyo nag-slow motion din nang pagmasdan ko siya habang ginugulo niya ang buhok niya para mabawasan ang pagkabasa.

                At bumalik na ako sa katotohanan. "Bakit kasi ang tagal mo? Parang walang naghihintay dito. Hmp!" Hinatak ko iyong towel na nakatakip sa kanya at dali-dali akong pumasok sa CR.

                "Hoy—" 'Yun na lang narinig ko mula kay Shawn. Bahala siya do'n! Ang bagal-bagal niya kasi. May CR naman sa baba, bakit hindi na lang siya do'n maligo?

Hawak-hawak ko pa rin iyong towel niya. Maamoy nga. Hmmm. Bango. Ang bango-bango ng bestfriend ko. Ang pervy ko na yata? Sorry naman. Sayang hindi pa ako nakasilip kahit konti. Tsk. Chance ko na 'yun, eh.

                "Ano na naman 'to?!" inis kong sabi. Kasi naman, ang daming kung anu-ano dito sa CR. Ang daming lotions, perfumes at kung anu-ano pa. Hindi naman sa akin 'to. Jusko, kung anu-ano talaga ang binibili ni Shawn. Tss. Kung bumili na lang siya ng pagkain, baka nabusog pa kaming dalawa.

Nilinis ko muna iyong ibang kalat ni Shawn sa CR at saka pa lang ako naligo. Lagi na lang niyang dinadagdagan ang trabaho ko. Hmp! Sa susunod talaga sasabihin ko sa kanya na gawin na lang niya akong katulong kaysa maging best friend niya.

                "Shawn!" sigaw ko pagkalabas ko ng CR.

                "Yes?" Ang sweet ng boses niya.

"Ano'ng ginagawa mo?" Naabutan ko siyang naglilinis ng kwarto. Wala na rin iyong mga tambak na damit sa paligid at ang ayus-ayos ng kama namin. Parang ang sarap nang tulugan ulit. Anong mayro'n?

                "Ang kalat kasi, eh, sakit sa mata. Saka sabi mo, isang linggo akong maglilinis, 'di ba?" sagot niya habang naglalampaso. Oh, 'di ba? Ang bait niya ngayon, sabi ko naman kasi sa inyo, eh.

                "Maayos ka naman palang kausap." Nginitian niya lang ako at saka niya ipinagpatuloy ang ginagawa niya. "Magbibihis na ako ha?" Tumango lang siya at parang wala naman siyang balak lumabas ng kwarto.

My Best Friend is Actually  Gay?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon