Chapter 2♥

6.7K 160 5
                                    

"Sir Lewis!" tawag ko sa nagsisilbing guide namin sa banda.

                Sabay na kaming pumasok ni Shawn sa loob ng studio. Si Sir Lewis din ang may-ari nitong studio. Ang pagkakaalam ko ay mayaman talaga siya kaya nakapagpatayo na siya ng sarili niyang business. Dream din ni Shawn na magkaroon ng ganitong klaseng business dahil mahilig nga kasi siya sa music. Hindi ko nga lang alam kung kailangan matutupad ang dream niya. Hindi rin naman kasi niya masabi sa parents niya ang tungkol do'n dahil baka bigla-bigla na lang daw siyang bilhan ng sariling studio nila Tito.

                "Lewis na lang," nakangiting sabi niya. "Late na naman kayo, ha." He then patted my head.

                "Si Shawn kasi ang bagal kumilos!" Tiningnan ko ng masama si Shawn, pero dedma lang siya.

                Si Sir Lewis or Lewis Henderson ang nagtuturo sa 'min. Magaling kasi siya sa music. At ang maganda do'n, ang gwapo niya. Super gwapo na, super hot pa. Plus, ang bait pa niya. Ano ba 'yan, kinikilig ako. Hmp. Galing din sa America si Lewis, kaya naman close siya sa 'min ni Shawn. Twenty-four na siya. Hindi ko nga lang alam kung may girlfriend na siya. Hindi naman kasi siya pala-kwento sa 'min. Kumbaga, close kami pero nirerespeto pa rin namin ang privacy ng isa't isa. Super close kami ni Shawn kay Lewis. Ang tagal na rin kasi naming magkakasama. Siya kasi ang nag-recruit sa 'min ni Shawn para makasali sa banda niya. Akala nga namin no'n ay masungit si Lewis, pero kapag nagpa-practice lang kami, saka lang siya nagiging istrikto. Ipinapaliwanag naman niya kung bakit niya kami napagsasabihan kaya hindi kami nagtatanim ng sama ng loob sa kanya.

                "Game na," sabi ni Lewis. Okay, hindi na Sir Lewis ang tawag ko sa kanya. Masasanay rin ako.

                Nilagay ko muna sa isang tabi ang gamit ko at saka ako pumunta sa pwesto ko. Halos katabi ko lang si Shawn kaya naman napatingin ako sa kanya. "Shawn, okay ka lang?" tanong ko kasi parang hindi siya okay. Ayos din ako, eh, 'no? Nakatulala lang kasi siya at parang ang lalim ng iniisip. Parang nanlalata rin siya. Kumain naman kami kanina bago umalis ng bahay ha.

                "Oo," maikling sagot niya habang inaayos niya ang gitara niya. Ang sungit naman nito. PMS? Dinaig pa ako.

                "May masakit ba sayo? Nilalagnat ka ba?" Inatake na naman ako ng pagiging maalalahanin kong best friend.

                "Okay nga lang ako."

                "Sabihin mo kapag masama na lagay mo ha? iyong tipong mamamatay ka na."

                "Leigh!" inis niyang sigaw. Nagbibiro lang naman ako sa patay thing, eh. Takot ko lang. Baka mamaya, multuhin pa niya ako. Bawal na bang mag-alala sa best friend ngayon? Wala naman sa batas na bawal pakialaman ang kaibigan, 'di ba? Okay, ang drama ko na naman. Bakit kasi ang weird niya ngayon? Baka naman naiinis pa rin siya dahil do'n sa babae kanina?

                "Sungit, mayro'n ka, 'no?" Sinundot ko iyong tagiliran niya pero tinanggal niya kaagad iyong kamay ko. "Nagbaon ka ba ng napkin? Baka tagusan ka d'yan. Wala pa naman akong dala. Hayaan mo, ibibili na lang kita. Sabihan mo na lang ako, ha." Ang sarap talagang asarin nitong si Shawn, kahit na minsan, kulang na lang ay sapakin na niya ako sa sobrang inis.

                "Tigilan mo ako." Inirapan niya ako. Mas mataray pa talaga sa akin 'tong nilalang na 'to. Buti na lang at gwapo pa rin siyang tingnan kahit nagtataray na siya. Ang ganda kasi ng kilay niya, eh. Pantay na pantay kahit medyo makapal. Lalo siyang gumagwapo kapag nakakunot ang noo niya.

                "Oh, baka magkatuluyan kayo niyan," biro ni Lewis.

                "YUCK!" sabay pa naming sagot ni Shawn.

My Best Friend is Actually  Gay?!Where stories live. Discover now