Chapter 13♥

4.4K 123 13
                                    

Oh, 'di ba? Ang harot lang, may gano'n pang nalalaman, p'wede namang mag-text na lang. Pero ang sweet niya. Can't wait to see him din. Kidding. Ano naman kaya ang reason ng pagka-late niya mamaya? Sinubukan kong buhatin iyong box. Medyo mabigat. I mean, mabigat talaga siya. Buti nabuhat 'to no'ng driver niya. Sana pala pinabuhat ko na hanggang sa loob ng bahay. Baka mabali pa ang buto ko dahil dito. Uhm. Ngayon ko lang napagtanto, ang yaman pala talaga ni Lewis. May driver pang nalalaman. Siya na. Inggit much! Sana p'wede ko ring gawing driver si Shawn. Wala naman kasi akong sariling kotse.

                Binuhat ko na nang bongga iyong box. Muntik na akong matumba nang bigla akong salubungin ni Shawn sabay kuha niya sa akin ng box. At hanep! Parang hindi mabigat iyong dala niya. Napatingin tuloy ako sa biceps niyang naka-flex. Oh my gulay. Uhm. Ang hot naman talaga nitong nilalang na ito. Kahit titigan ko yata siya maghapon, hindi yata ako mapapagod. Gustong-gusto ko iyong mga ganitong eksena, eh. 'Wag lang talaga ipapaalala sa aking bakla siya.

                "Nakaligo ka na?" tanong ko. Parang ang bilis kasi niyang matapos, eh. Dati nga, kulang na lang hindi na siya lumabas sa CR.

                "Bakit? Mabaho na ba ulit ako?" tanong niya rin. Ako naman 'tong si lapit sabay amoy sa kanya. Haaaay. Heaven. Ang bango-bango talaga ng best friend ko. Gustong-gusto ko talaga iyong amoy niyang ang lakas maka-akit. Bigla ko tuloy naalala, hindi nga pala kami talo nito. Tsk tsk.

                "Inubos mo naman na iyong amoy ko," inis na sabi niya. Mabango nga, mayabang naman. Napansin kong seryoso ang mukha niya kaya hindi na ako nag-react pa. "Leigh, we have to talk." Bigla naman akong nakaramdam ng kaba nang sabihin niya iyon. Ang seryoso niya kasi, eh. Dinaig pa ang problema ni PNoy sa bansang Pilipinas.

Sinundan ko lang siya. Ibinaba niya muna sa sahig iyong box at saka siya naupo sa sofa. Ako naman 'tong si upo rin. Nakakatakot tingnan si Shawney. "Okay," sabi niya at saka siya ngumiti ng bongga. Napataas na lang ang kilay ko dahil sa nakita ko. Ano ito? Lokohan? Amp.

                "Ano ba 'yun?" nagtatakang tanong ko.

                "Alam kong matutuwa ka sa sabihin ko. Matagal mo nang gustong mangyari 'to." Hindi naaalis sa mukha niya ang kanyang ngiti. Para bang nakakatuwa nga iyong sasabihin niya pero bakit iba iyong pakiramdam ko?

                "Sabihin mo na kasi. Pa-suspense ka pa, eh," medyo inis kong sabi.

                "'Wag kang eggzoited, ati. Siguro naman alam mong tumawag si mother dear kanina, 'di ba?" maarteng sabi niya.

                "Oo. Tapos?"

                "Guess what? Pinapauwi ako nila Mommy! I think it's for two months? Gravity! Ang bongga, 'no? Ang sarap magbakasyon. Iwas na rin sa init ng Pinas!" Halos magtatalon pa siya sa tuwa nang ibalita niya sa akin ang bagay na 'yon.

                Pero ako? NGANGA. Ewan ko ba. Gusto ko naman siyang umalis talaga, 'di ba? Gusto ko na ngang magkahiwalay kami, eh. Pero bakit ganito? Parang hindi manlang ako natuwa. Nakakainis.

                "Oh. Bakit parang natameme ka? Hindi ka ba masaya?" Hinawakan niya ako sa dalawang balikat at saka inalog-alog.

                "Ha? Ah. Syempre, masaya! Ano ka ba? Matagal ko nang pinapanalangin na mangyari 'yun! Grabe! Ang tagal ko ring masosolo itong bahay! Thank your mom for me!" Para akong tanga. Gusto ko nang umiyak. Pigil-pigil din kapag may time.

                "Ang saya! Bongga talaga magregalo sila Mommy! 'Wag kang mag-alala, tuturuan muna kitang i-drive iyong baby ko. Baka kasi nakalimutan mo na kung paano mag-drive. Hindi ko naman kasi madadala 'yun. Okay ba?" masayang sabi pa niya. Oo na lang ako.

My Best Friend is Actually  Gay?!Where stories live. Discover now