Chapter 6♥

4.5K 135 5
                                    

Naisipan ko nang bumalik sa salas. Baka kasi matunaw na si Lewis sa kakatitig ni Shawn, eh. Mahirap na. At hindi ko na rin gusto ang ginagawa ni Shawn. Kailangan nang matigil ang palihim niyang pagpapantasya kay Lewis.

                "Oh, akala ko ba kukuha ka ng miryenda," tanong ni Shawn na parang nainis din siya dahil nandito na ako.

                "Walang stocks, eh. Hindi pa pala tayo namimili." Pero mayro'n pa talaga. 'Wag lang niya maiisipang i-check ang stocks namin.

                "Mag-go-grocery na lang ako bukas," sabi niya at mukhang ayaw pa niya akong isama. Tsk.

                "Okay naman na ako, kaya uuwi na ko," sabi ni Lewis habang tumatayo siya. Sa tingin ko nga, oras na para umuwi na siya dahil kailangan ko na ring makausap ang best friend ko. Si Shawn naman kung makatingin parang gustong tunawin si Lewis, eh. 'Langya 'to. Nakakaasar! Basta, pag-alis ni Lewis, magtutuos kami.

                "Hatid na kita sa labas," alok ni Shawn. Hindi na lang ako kumibo. Mamaya ko na lang siya kakausapin pagkapasok niya.

                "Leigh, una na ako, ha. Salamat nga pala," paalam ni Lewis at tumango na lang ako.

                "Hatid ko lang," sabi ulit ni Shawn.

                "Wapakels," bulong ko. Naupo lang ako sa sofa habang hinihintay ang pagbalik ni Shawn. Humanda talaga siya sa akin. Malalaman ko na ang totoo ngayon. 'Wag lang siyang magde-deny sa akin.

                Napatingin na lang ako sa pinto nang maramdaman ko ang pagpasok niya. Wala, natural na natural lang ang mukha niya. Gwapo pa rin naman at hot. Walang pinagbago. Sana nga walang pinagbago.

                "Shawn," sabi ko at tumingin naman siya sa akin. "Umupo ka dito." Tinuro ko iyong upuang nasa harap ko.

                "Bakit?"

                "Basta, maupo ka," mataray na sabi ko.

                "Ang sungit mo naman." Naupo na siya sa harap ko.

                Tinitigan ko lang siyang mabuti. Mula ulo niya hanggang sa paa, tiningnan ko siya. Wala namang bago, eh. Paranoid lang ba ako? Pero hindi. May kutob talaga ako.

"Bakit mo ba ako pinaupo? Para pagpantasyahan? Maghuhubad na ba ako?" mayabang na sabi niya. Kapal din, eh.

                "Oo, please... No! 'Wag ka ngang magulo." 'Yan lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang dapat kong sabihin.

                "Ano ba 'yun, Leigh?" inis niyang tanong.

                "Teka lang, nagiisip pa iyong tao, eh."

                "Oooh, tao ka pala," biro pa niya sa'kin. Feeling naman niya matatawa ako. Magtatanong na ba ako? Paano kung suntukin o sabunutan niya ako? Nakakatakot naman 'yun! Pero, 'di ba, paano ko malalaman kung hindi ako magtatanong? Kasi naman, eh! Ang hirap magkaroon ng best friend na may tinatago sayo. I feel so betrayed!

                "Shawn." Ito na talaga. Sure na 'to.

                "Uhm?" tamad na sagot niya.

                "Ano kasi. Uhm. P'wedeng magtanong?" paalam ko.

                "Oo naman."

My Best Friend is Actually  Gay?!Where stories live. Discover now