Chapter 21: Highest Bidder

4.2K 107 23
                                    

 

“Okay ka lang ba?” Tanong niya sa’kin habang nakatayo kami sa dance floor. Magkaharap lang kami sa isa’t-isa.

“Hindi.” Matipid na sagot ko.

“Bakit naman? Kinakabahan ka ba?”

“Hindi ako marunong sumayaw. This is my first time actually. Kaya kung pwede turuan mo ako at kung matapakan ko man ang mga paa ko, huwag kang magalit total ikaw naman ang pumilit sa’kin dito.”

Ayoko sanang sabihin sa kanya ang totoo dahil nahihiya ako pero mas nakakahiya kung magpapanggap akong marunong tapos ilang beses kong matatapakan ang paa niya.

“Hahaha.” Tumawa lang siya kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Don’t get me wrong. Haha. Hindi kita tinatawanan gaya nang iniisip mo. Tumatawa ako dahil akala ko ako lang ang hindi marunong sumayaw. It’s also my first time na sasayaw. Hindi rin ako marunong kaya mas mabuti siguro kung magturuan na lang tayo. Hahaha.”

It was a relief nang marinig koi yon. I just smiled. Pero aaminin ko kabado ako ng konti.

“Paano ba?” Tanong niya sa’kin pero hindi ako sumagot. Tumingin siya sa mga taong sumasayaw sa paligid namin. “Gayahin na lang natin sila.” I just nodded saka niya inilagay ang kanang kamay niya sa likod ko. Parang luamamig ang buong katawan ko pagkatapos niyang gawin iyon. Kahit na hindi naman directly dumapo ang palad niya sa balat ko, para pa ring humiwalay ang kaluluwa ko nung moment na iyon.

Kinuha niya pagkatapos ang kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya saka namin ito itinaas sa ere. Awkward. And now, it’s my turn para ipatong ang kaliwang kamay ko sa baliakt niya. Mabuti na lang talaga at may suot akong mask at may suot din siyang mask na tumabon sa buong mukha niya, para hindi ako matunaw na parang ice cream na nakabilad sa araw dahil sa kahihiyan.

Dahan-dahang sinabayan ang slow music. We are a total stranger, we are not close but riht not we are close literally. Sobrang lapit ng mga katawan namin. Nakatitig lang ako sa kanan ko dahil nahihiya akong tumingin sa mukha niya kahit naka mask siya.

“Bakit pala first time mong sumayaw?” Tanong niya. “First time mo rin bang umattend dito?”

“It’s not my first time na umattend. Ayoko lang kasing sumasayaw kaya—”

“Kaya nagtatago ka sa CR?” Pagpapatuloy niya.

“Did you stalk me?”

“I did not. Napansin lang kita kanina habang nakatayo ako sa dulo. Parang ikaw lang kasi at ako ang hindi nag-eenjoy dito sa party.”

“First time mo ba? Bakit mo first time eh required tayong umattend dito.”

“Actually—”

“Nevermind!” I interrupted him. “Hindi mo kailangang mag explain dahil wala akong balak kilalanin at makipag close sa’yo.”

“Hahaha!”

“Why are you laughing? Wala namang nakakatawa.”

“Wala lang. You just reminded me of someone.”

“Tss. Kung sino mang iyang someone na iyan. I’m sure she’s beautiful just like me.” Pagbibiro ko para kahit papaano, mabawasan ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

“I want to see you.”

“You want to see me? Bakit? Bulag ka ba kaya hindi mo ako makita ngayon? Nasa harapan mo na nga ako. Kasayaw mo ako.”

“I mean..” He muttered. “I want see your face without the mask.”

“But why?”

“Para.. para.. para mapatunayan ko kung magkasing ganda ba talaga kayo ng kaibigan ko.”

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon