Chapter 17: Mayhem vs Dragon

4.9K 105 16
                                    

“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ni Lee sa’min ni Lana. I smirked saka ko siya sinagot. “Panonoorin namin ang laro niyo.”

Hindi maipinta ang ekspresyon ng mukha ni Lee.

“Klaro naman siguro ang sinabi ko sa’yo kahapon na hindi ako seryoso sa pagiimbita sa’yo. Huwag mong sabihin..” sabi nito saka siya ngumisi. “tinatamaan ka na sa’kin?”

“Hahahah! Ang kapal ng mukha mo!” Sigaw ko sa kanya. “Hindi ako pumunta dito dahil sa’yo. Inimbitahan ako ni—”

“Chandrielle!” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana kay Lee dahil tinawag ako ni Sapphire. Pababa siya ng hagdan kung nasa’n kami ni Lana. Nakita ko namang kumunot lalo ang noo ni Lee.

“Magkakilala kayo?” Tanong niya. “Siya ba ang nagimbita sa’yo dito?”

“Oh Mayhem andito ka na pala. Kanina ka pa hinahanap ni Dragon.” Sambit ni Sapphire.

“Sapphire!” Bulalas ni Lee pero bigla na lang siyang binatukan nito.

“Ate! Mas matanda ako sa’yo!”

“Isang taon lang naman ang tanda mo sa’kin.”

“Kahit na mas matanda pa rin ako sa’yo.”

“Tss! Bakit mo ba kasi siya inimbita?”

“Hindi ako ang nag imbita sa kanya— si Dragon. Umakyat ka na at kanina ka pa nila hinahanap.”

Mas lalong nagulat si Lee sa narinig niya. Sa isipan ko, nakangisi lang ako. Alam ko kasing ayaw niya talaga akong makita. Mas lalo ko pa siyang aasarin mamaya.

“Hi!” Sambit ko kay Sapphire.

Pinakilala ko si Lana sa kanya at ganun din si Sapphire kay Lana.

“Nagulat ako at nakita kita dito.” Sabi ni Sapphire habang nakaupo kami at hinihintay mag umpisa ang laro.

“Bakit naman?”

“Ikaw lang kasi ang unang babaeng dinala ni Dragon dito. N’ung nakita kita sa bahay ni Kieran, inisip ko na espesyal ka kay Dragon pero ngayong dinala ka na niya dito, hindi na ako sigurado kung ano talaga ang intensyon niya sa’yo.”

Napaisip ako sa sinabi ni Sapphire pero kahit anong isip ko hindi ko pa rin maintindihan kung anong pinupunto niya.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Lana sa kanya.

“This race..” panimula nito. “is illegal. Isa ito sa mga nagbibigay ng malaking pera sa pamilya ni Kieran. Si Kieran ang naghahanap ng mga sponsors para sa team ni Dragon…”

“Hindi iyan ang tinutukoy ko Sapphire.” Sabi ni Lana. “Tungkol kay Dragon ang gusto kong malaman at kung bakit mo nasabing hindi mo alam kung anong intensyon niya kay Chandrielle. May balak kaya siyang masama sa kaibigan ko?”

“I do not know too Lana. Hindi ako sigurado pero siguro naman wala siyang masamang balak kay Chandrielle. Nakita ko sa mga mata niya ang concern niya kay Chandrielle noon. Kaya lang.. hindi ko alam kung bakit niya sinama si Chandrielle dito.”

“Hindi ako inimbita ni Dragon. Ako ang nagtanong sa kanya kung pwede akong pumunta dito.”

“Pwede namang siyang tumanggi.” Sabi niya. “Dati may espesyal na babae rin si Dragon—si Alesea. Hindi ako sigurado kung naging sila nga pero nililigawan siya ni Dragon. Alam ni Alesea ang lahat sa kanya pero ni minsan hindi siya dinala ni Dragon dito dahil marumi ang mundong ‘to. Pinoprotektahan siya ni Dragon.”

“Ibig sabihin—” nangangambang banggit ni Lana.

“Ayokong takutin kayo Lana pero sa pagpunta niyo dito, nagiging expose kayo sa mundo namin. Masaya ako na nandito kayo pero natatakot din ako para sa inyo. Lalo na sa’yo Chandrielle. Sa tingin ko naman importante ka kay Dragon pero hindi ko mahanap ang dahilan kung bakit ka niya dinala dito.”

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon