Chapter 15:

5.3K 98 11
                                    

“Magpanggap kang girlfriend ko.”

Gusto kong tumawa pagkatapos kong marinig iyon. He’s really crazy. Baliw siya. Sa lahat ba naman ng pwede niyang ipagawa sa’kin, iyon pa.

“You’re crazy.” I told him. “Kahit magunaw pa ang mundo hindi ko gagawin iyan. Patayin mo na lang ako.”

“Kailangan kong magpanggap na may girlfriend na ako..” ani niya. “Para tigilan na niya ako.”

“Sino ang tinutukoy mo?” Tanong ko. Kahit kalian talaga selfish siya. Gagawin pa niya akong instrumento para lang masunod ang gusto niya.

“Ha? Ahh- Si ano. Si Michael.”

Eh?

“Si Michael? Seryoso ka?”

“Oo. Kaya nga alam ko na noon pa kung anong tunay na pagkatao niya dahil hinahabol niya ako.”

“Pero may girlfriend na siya.. este.. boyfriend.”

“Eh sa gwapo ako eh at hinahabol pa rin niya ako. Alam mo Chan, para rin naman sa’yo ‘to. Para naman makapag move on ka na sa kanya. Hahahah!”

“Tss!”

“Pag-iisipan ko muna.” Sambit ko sa kanya saka ako nagsimulang maglakad.

“Hindi mo na kailangang pag-isipan dahil hindi naman kita binibigyan ng choice. Simula bukas girlfriend na kita.”

Napalingon ako ulit pagkatapos niyang sabihin iyon.

“Akala ko ba magpapanggap lang ako?”

“Hindi sila maniniwala kung magpapanggap ka lang. Kailangang maging girlfriend kita para maniniwala siya. Pansamanatala lang naman. Isang buwan. Hanggang sa maayos ko ang dapat kong maayos.”

“Wow! Big words ha! Anong akala mo sa’kin –”

“Natalo ka sa usapan natin diba?”

“Oo na oo na!” Bulalas ko saka ko pinagpatuloy ang paglalakad ko palabas ng school namin.

---

“Hi baby!” Bati ni Mommy sa’kin pagkatapos kong makapasok sa kotse namin.

“Mommy? Akala ko si Daddy susundo sa’kin ngayon?” Hinalikan ko si Mommy sa pisngi niya saka niya pinaandar ang makina ng kotse ni Dad.

“May bisita siya eh.”

“Sino?”

“Yung kaibigan mo. Si Dragon ba iyon?”

“Si Dragon? Pinuntahan niya si Dad?”

“May pinag-usapan sila. Mukhang seryosong bagay yata.”

“Hala ka ate! Sigurado akong kanain na ni Daddy ng buhay ang kaibigan mo!” Pagbabanta ni Dos sa’kin na hindi ko napansin na nasa likod pala.

“Hehe. Sinundo ko na rin siya kanina at dinaan ka na namin.” Sambit ni Mommy.

Habang nasa byahe kami ni Mommy pauwi, hindi ko pa rin maisip ang dahilan ni Dragon para kitain si Daddy Uno. Sinubukan ko na ring tanungin si Mommy Shane pero wala raw siyang ideya kung ano. Hay! Napabuntong hininga na lang ako.

Pagdating namin sa tapat ng bahay namin, I was expecting na hindi ko na maabutan si Dragon pero nakita ko siyang kalalabas lang sa gate namin kaya bumaba ako ng kotse para kausapin siya.

“Excuse me muna Mom.”

“Sure Chan. Go ahead.”

“Dragon!” Sigaw ko sa kanya. Isusuot na sana niya ang helmet niya nang lumingon siya sa’kin. “Anong ginagawa mo dito?”

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon