Chapter 09: Detention

7.1K 135 10
                                    

 

“Dad..”

Hindi ko alam kung anong sasabihin kong palusot kay Daddy. Pero kahit naman siguro kapani-paniwala pa ang excuses ko, hindi pa rin siya maniniwala sa’kin.

“I’m sorry Dad. I ditched school. Sumama ako sa kaklase ko. It was my fault. Everything happened so fast Dad and it was something I did not expect. Pero alam kong kasalanan ko ang lahat. I’m sorry Dad.”

Hindi kumibo si Daddy. I know he’s disappointed and angry with me.

“What’s happening?” Tanong ni Mommy pagdating niya sa bahay kasama si Dos.

Lumingon ako kay Mommy saka niya nakita ang mukha ko at gulat na gulat siya.

“Chandrielle! What happened to your face?”

Hindi ako kumibo. Tinignan ko lang si Dos habang lumalapit siya kay Daddy Uno saka niya ito hinalikan sa pisngi.

“I’m home Dad. Akyat na muna ako. I’m sure nakipagsuntukan iyang si Ate sa kaklase niya.”

Tinignan ako ni Dos saka siya nag smirk. Iniinis na naman niya ako.

“Mom.” Sambit ko saka ako lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi niya.

Nakatingin lang si Mommy sa’ming dalawa ni Daddy habang hinihintay niyang may isa sa amin ang sumagot sa tanong niya.

“Can someone please explain kung anong nangyayari? Chandrielle?”

“Mom.. I’m sorry. Kasalanan ko lahat.”

Hindi ko na napigilan na hindi umiyak. Kasalanan ko naman talaga. Kung hindi ako sumama kay Lee, hindi ko sana nakilala ang mga kaibigan niya. Hindi ko sana nakita si Kim at hindi sana ako nagkapasa ng ganito.

“Hay Chandrielle!”

Lumapit si Mommy sa’kin saka niya ako niyakap kaya mas lalo pa akong umiyak. Dahil mas lalo pang naging mabigat ang dinadala kong guilt.

“It’s okay. Kung ano man ang ginawa mo, huwag on a ulitin next time.”

Tumango lang ako habang nakasubsob ang mukha ko sa balikat ni Mommy.

“Nag sorry ka na on a Daddy mo?” She asked me at umiling ako.

“I disappointed him.”

Hinawakan ni Mommy ang magkabilang balikat ko saka niya ako tinignan sa mga mata niya.

“Minsan talaga nagkakamali tayo dahil hindi natin pinagiisipan ng maayos ang mga bagay-bagay. Hindi natin maiiwasan yun. But what’s important is we’ll learn from that mistakes. Alam mo naman na mali ka and you already apologized for that. Kaya dapat lang na patawarin ka na ng Daddy mo. Diba Daddy Uno?”

Tinignan ni Mommy Shane si Dad.

“Hindi na ako galit Chan.” Sambit ni Dad. “but I’m expecting you to be more responsible next time.”

“Yes Dad.”

“And you’re still grounded. Alam mo na kung anong pwede at kung anog hidni pwede.”

“Yes Dad.”

Ngumiti lang si Mommy sa’kin.

“Umakyat ka na para makapagpahinga ka na.”

“Thanks Mom.”

-HGHM-

Kinabukasan sa school namin, pinatawag kami sa guidance counselor ni Lee dahil sa ginawa naming pag ditch sa klase namin. Gusto nilang ipatawag ang mga magulang namin pero nagmakaawa kami na hindi na. Sobrang disappointed na si Daddy sa’kin at ayokong madagdagan pa yun.

That Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon